Bestfriend 28 [Performance]

52 2 8
                                    

Bestfriend 28 [Performance]

Charm's POV

"Ready ka na ba, Cee?" Tanong sa akin ni Daryl.

Ewan ko ba sa lalaking 'to hindi na ako tinigilan sa pagtawag ng Cee. Ako naman minsan napapatawag na akong Dee sa kanya kasi nagiinarte kapag hindi ko siya tinatawag na ganon.

Naging maayos naman ang practice namin. Feeling ko mas naging close kami at mas tumatag ang friendship namin.

"Cee, tulala lang? You're spacing out again. Nasaan ba talaga utak mo? Nasa ibang planeta ba?" Winave niya sa akin ang dalawa niyang kamay.

"Ay, hala! Sorry. Kinakabahan kasi ako."

Para kasing napakalaking event nito sa buong campus. Paano ba naman ako hindi kakabahan? Eh, imbitado lahat ng students dito.

Simpleng performance lang namin, kailangan panuorin ng lahat. Ewan ko ba sa teacher namin. Daming alam na kalokohan.

Kung hindi lang dahil sa grade, hindi ko 'to gagawin.

"Magsisimula na. Huwag ka na kabahan. Nandito naman ako sa tabi mo eh." Sabi niya sa akin kaya naman napangiti ako.

"Bro!" Biglang tawag ni Steve kay Daryl.

"Hey! Wassup?" Bati ni Daryl dito.

"Nandito lang ako para icomfort si Charm. Hindi siya sanay sa ganito eh." Napatingin naman ako sa kanya.

Ano na naman ba 'to?

Tinitigan ko muli ang mukha ng aking nagugustuhan. Kamusta kaya siya? Ano kaya kakantahin niya mamaya? For sure, marami na naman ang mamamangha sa kanya.

"Hindi na siya kinakabahan. Diba, Cee?" Humarap sa akin si Daryl.

"Ha?" Nagising na naman ako sa katotohanan.

"Tingnan mo, kinakabahan pa si Charm. Halika na nga muna." Bigla niya ako hinila mula kay Daryl.

"Saan tayo pupunta? Malapit na magstart, hoy!" Sita ko sa kanya.

"Sandali lang 'to. Just trust me." Tumitig siya sa akin na para bang magiging okay ang lahat. Na safe ako sa kanya.

At sa simpleng tingin na naman niya na 'yon, tumango ako.

Hinila niya hanggang dumating kami sa garden. Mas gumanda na 'to.

"Ang ganda na ng flowers dito, ano?" Tumingin siya sa flowers.

"Oo nga." Ngumiti ako dahil totoo naman talaga.

"Pero mas maganda ka pa rin." Tapos tumingin siya sa akin.

Nakakaramdam na naman ako ng kakaibang paggalaw sa aking tiyan. Pati ang puso ko mas bumibilis sa pagtibok.

Hinawakan niya bigla ang kamay ko. "Namimiss na kita. Masyado ka nang inaagaw ni kuya sa akin. Pwede ako naman muna?"

Pwedeng-pwede, Steve. Pero hindi ako ang naagaw kung hindi ikaw.

"Alam mo hindi ako sanay na hindi ikaw kasama ko sa tuwing may group work o kaya ano man. Ikaw nga sana yayayain ko sa performance natin ngayon eh."

Kaso lang??

"Kaso lang nandiyan kasi si Cherry."

Pinilit ko ngumiti. "Ano ka ba, siyempre siya naman dapat, siya ang girlfriend mo eh."

Bigla niya akong niyakap. "Huwag na huwag mo ako iiwan ha?"

Niyakap ko siya pabalik.

"Tara na. Magsstart na 'yung performance natin."

Hey! Bestfriend?Where stories live. Discover now