Bestfriend 12 [Preparation]

270 7 2
                                    

Bestfriend 12 [Preparation]

Charm's POV

2 weeks na ang nakakalipas matapos ang pagkaconfine ko sa ospital. Naging normal pa din kami. Aral pagkatapos uwi. Tuwing weekends, nagtratrabaho sa Tita ni Steve.

Ganon pa din set up namin. Bestftiend pa din naman ako. Charing! Umasa naman akong magugustuhan niya ako.

"Charm. Ano, payag ka na?" Pilit sa akin ni Steve.

Ito. Ito na naman ang sinasabi ko.

"Payag ako sa isang condition." Sabi ko sa kanya.

"Gagawin ko lahat para lang pumayag ka." Pagmamakaawa nito.

"Huwag siya ang ligawan mo." Sabi ko. Oo, desperada na ako. Gusto ko ako ang ligawan mo.

"Seryoso ka ba?"

"Siyempre, joke lang." Grabe, hindi ko din pala kaya. Wala, hanggang bestfriend na lang talaga ako. "Sige, payag na ako."

"Yes!" Bigla siyang sumigaw at niyakap ako.

"Hay, pakain mo ako ha." Sabi ko sa kanya.

"Hindi, magpplano muna tayo." Sabi ni Steve sa akin at bigla ako hinila.

"Eh, bakit mo ako hinihila, magpplano lang naman tayo, ha?" Sabi ko sa kanya.

"Sa mall tayo magplaplano." Patuloy pa din ang paghila niya sa akin.

"Teka, cutting tayo." Sabi ko. Takot ako, siyempre.

"School ko 'to." Ayon lang sinabi niya.

"Ano naman kung school mo 'to?"

"Ako nasusunod rito kaya sasama ka sa akin."

"Mapapataas mo ba grades ko kung sumama ako sa'yo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi." Mabili niyang sagot sa akin.

Hindi ko namamalayan na nakalabas na pala kami ng school. So wala talaga umawat sa amin?

"Eh, ano naman mapapala ko dito?" Tanong ko. Binabagalan ko maglakad para makakaatras pa ako if ever.

"Mapapasaya mo ako ng sobra."

AYON!

Triggered!

Tapos tumigin siya sa akin na parang matutunaw ako. Ginamit niya 'yung mga matang kinahuhumalingan ko.

Ang tanging sinisigaw sa akin ng mga mata niya ay tulungan ko siya dahil kapag hindi niya 'yon nakuha baka ikalungkot niya ng sobra.

Kitang-kita ko sa mga mata niya na gusto niya talaga si Cherry.

Isa lang nakita ko sa mga mata niya. Pagmamahal.

Pagmamahal sa iba at hindi sa akin.

Dapat ko na bang tanggapin o dapat pa akong lumaban?

Paano ba ako lalaban kung sa simula pa lang talo na ako?

"Charm, ano ba, tara na. Alis na tayo. Kinausap ko na teachers natin. Excused na tayo. Relieved ka na ngayon? Sasamahan mo na ba ako? Pumayag ka na eh. Wala nang bawian." Sabay hila sa akin.

Sumakay ako sa front seat. Tapos sinimulan na niya paandarin ang sadakyan niya.

Ang gwapo naman po talaga ni Steve. Wala nang makakatalo sa kanya. Char.

"Malapit na birthday ni Cherry
Balak ko sanang magconfess sa araw na 'yon. Ano sa tingin mo?" Nagsalita siya bigla pero nakatingin pa din siya sa daan.

Hey! Bestfriend?Место, где живут истории. Откройте их для себя