Bestfriend 29 [Team Sawi]

67 1 6
                                    

Bestfriend 29 [Team Sawi]

Charm's POV

Tatlong araw matapos ang performance namin sa auditorium ay back to normal na ulit ang pasukan.

Ikinagulat ko na kami ang may pinakamataas na score sa performance. Hindi ko naman ineexpect.

Recess ngayon at ang kasama ko si Dianne.

"Hoy, Dianne. Lagi kang balisa ha. Mula noong gumawa pa tayo ng project, minsan ka na lang maging hype." Napansin ko lang na hindi na siya 'yung super hyper na friend.

"Ewan ko sa'yo. Palibhasa umamin na si Daryl sa'yo." Oo, nalaman niya kasi sinabi ko.

Naguluhan kasi ako bigla eh. Hindi ko naman ineexpect na ako pala 'yung tinutukoy niya sa kanta.

"Hmp. Umamin nga pero wala naman ngayon." Sabi ko.

"So, hinahanap-hanap mo na?" Asar sa akin ni Dianne.

"Edi ikaw na pumupuso habang ako nagdurugo."

Kumunot ang noo mo. "Ano?"

Napahawak siya sa bibig niya. "Ano, wala 'yon."

"Wala, nasabi mo na eh. So sino ang lalaking napagadugo sa puso ng isang Dianne?" Pagtatanong ko.

"Wala nga 'yon." Pagtatago niya.

"Sige, itago mo pa. Isarili mo 'yang sakit. Ganyan ka eh." Prinovoke ko siya para naman umamin na sa akin.

"Kasi naman eh. Sikreto lang namin ang relasyon namin ni Kenji."

Lumaki bigla ang mga mata ko. Gulat na gulat ako. "Si Kenji?!"

"Sige, laksan mo pa." Tapos inirapan ako.

"Ano? Paano? Kailan pa?" Sunod-sunod na tanong ko.

At kinwento niya naman sa simula kung paano sila naging close, kung paano sila nagkaaminan, kung paano naging sila, kung paano biglang nawala si Kenji at kung paano siya laging inaalo ni Louie tuwing nalulungkot siya.

"Si Louie ba hindi pa umaamin?" Tanong ko.

"Huh? Magkaibigan lang kami. Huwag kang ano." Sagot niya agad sa akin.

"Talaga lang, ha?"

Sus, may gusto 'tong si Louie sa kaibigan ko eh. Pasimple pang gumagalawan eh.

"Hoy, girl. Nandiyan na ang bebe mo." Kalabit sa akin ni Dianne.

"Huh?"

Nagulat na lang ako na tumabi na pala sa akin si Daryl.

"Magsama kayong lovebirds diyan. Nakakabitter." At umalis bigla si Dianne.

"Teka lang, Dianne." Pero huli na ang lahat.

"What's her problem?" Tanong nitong englishero na 'to.

"Wala. Nababaliw lang 'yon." Sabi ko sa kanya.

"Where have you been? Kanina pa kita hinahanap-hanap?" Tanong niya sa akin.

"Ikaw nga nawawala diyan." Tatayo na sana ako pero hinila niya ako

"Not so fast, Cee. Tapos kumain ka without me? Nakakatampo." Tapos naginarte na siya. Nakacross pa ang kamay.

Aba! Aba!

"Kasalanan ko bang nawala ka bigla? Mamaya niyan nakipaglandian ka diyan sa iba eh." Sabi ko.

Bigla siyang ngumiti. Ano problema nito at biglang ngumiti?

"Ano nginingiti-ngiti mo diyan?" Tanong ko. Kairita.

"Wala. You will eat lunch with me, okay?"

So good mood na siya?


Kenji's POV

"Jess, hindi ka gagaling kung hindi mo 'to kakainin."

Kanina ko pa sinusubo ang isang kutsarang sabaw na 'to sa kanya pero hindi pa rin siya kumakain.

Hindi ko na alam ang gagawin ko para lang matulungan siya.

"Jess, kahit isa lang." Inaamo ko siya.

"Ilayo mo na sa akin 'yan, hindi ako kakain." Matigas na sabi ni Jessica sa akin.

"Bakit ba ayaw mo kumain? Nandito naman ako, diba?" Sabi ko sa kanya.

"Nandito ka nga. Pero iba ang nasa isip mo. Kaya umalis ka na lang." Tumingin siya sa bintana na tila ba iniiwasan ako tingnan.

Napakabuntong hininga na lamang ako.

Napatingin ako sa cellphone ko ar nakita ko ang lock screen ko - ang picture ng mahal ko, si Dianne.

Ilang week na ako umiiwas kay Dianne dahil nga sa palagi akong nandito sa ospital kasama si Jessica dahil ayon ang hiling ng parents niya sa akin.

"Iwan mo na ako." Tumingin siya ng diretso sa aking mga mata.

Lumapit ako sa kanya. "Hindi kita iiwan, Jess. Dito lang ako sa tabi mo."

Nagulat ako ng bigla siyang umiyak. "Lumayo ka na. Mamatay din naman ako."

Pinagtutulak niya ako kaya naman napayakap ako sa kanya. "Nandito ka lang naman dahil sinabi ng parents ko. Umalis ka na."

Patuloy ko lang siyang niyakap. "Hindi. Hindi kita iiwan. Mahal kita, Jess."

-
(A/N): Ano masasabi niyo sa chapter na 'to? Masyado ako nadadala sa emosyon ni Jess pati ni Kenji.

Abangan ang susunod na kabanata!

Huwag kalimutan magvote at comment, thank you so much!!

Magandang gabi! :-)

Hey! Bestfriend?Where stories live. Discover now