Bestfriend 18 [Dinner]

162 7 0
  • Đã dành riêng cho nicy26
                                    

Bestfriend 18 [Dinner]

Charm's POV

"Hoy, girl. Nakita ko kayo kaninang lunch ha. Lumalandi ka na ha." Sabi sa akin ni Diane.

"Ano ba sinasabi mo? Magkaibigan lang kami."

"Pero may pa-Cee effect siya sa'yo. So tawag mo siguro sa kanya Dee, ano?" Pangaasar sa akin ni Diane with matching slight na tulak.

"Hindi, no. Siya lang nagtatawag non. Ayaw ko nga eh." Depensa ko sa mga pangaasar ni Diane sa amin.

"Tinutuhog mo ang magkaibigan ha." Asar na naman ni Diane.

"Nakakainis ka. Tumigil ka na nga. Magkaibigan lang kami." Yes, magkaibigan na kami.

"Nakita mo ba kung nasaan si Steve?" Pagiiba ni Diane ng topic namin.

"Huh? Wala ba siya sa room?" Nagtaka tuloy ako bigla. Pilit kong inaalala mga nangyari sa classroom pero ang naalala ko lang ang pangaasar sa akin ni Daryl.

"Aba, nakahanap lang ng bago nakalimutan na ang first love." Inasar na naman niya ako kay Daryl.

Hala! Bakit hindi ko napansin na wala siya? Na wala siya sa room?

"Baliw ka. Tulog nga ako kanina, diba?" Iwas ko sa mga sinasabi niya. Sana lusot.

"Ay, oo nga no. Tapos pumasok si Sir Gab." Inilagay niya ang kabyang index finger sa sintido niya na tila nagiisip.

Yes, lusot! "Nandiyan lang 'yon."

"Hindi ko pa kasi talaga siya nakikita." Tapos luminga-linga siya sa paligid.

"Ay, ayoooon!" Turo ni Diane sa isang lalaki at isang babae na magkahawak ang kamay.

Hindi ko pa masyado makita dahil medyo lumalabo na nga akong paningin ko.

Isiningkit ko ang mga mata ko at jackpot nakilala ko ang mga mukha nila.

Mga mukhang kilalang-kilala ko - si Steve at si Cherry.

Taray, HHWW! Pwede ba sa school ang pda?

School niya 'to baka nakakalimutan mo. Sigaw naman ng utak ko sa akin.

"Oy, Charm. Buti na lang nagkita tayo. Mamayang uwian may dinner sa bahay at pinapapunta ka ni Mommy." Sabi ni Steve.

"Talaga? Hindi ko pa sure kung a-" Pero pinutol ako ni Diane sa pagsasalita ko.

"Oo naman, go siya diyan, Steve!" Masiglang pagsangayon ni Diane.

"Ayon, mabuti naman. Miss ka na ni Mommy eh." Ngiting-ngiti siya sa akin.

"Una na kami, ha?" Nagpaalam na si Steve at hawak pa rin niya ang kamay ni Cherry.

"Wait lang, Steve." Pero nakita ko na lumalayo na siya. "Bakit wala ka sa classroom kanina?" Mahina ko na lang na sabi at tumingin sa lapag.

"Charm. Gusto ko ng kape." Nagulat naman ako sa biglaang sabi ni Diane.

Kumunot lamang ang noo ko sa mga sinabi niya. Hindi ko siya maintindihan.

"'Yung kapeng sobrang tapang para magising ka na sa katotohanan na iba ang gusto niya, na may mahal siyang iba. Iba at hindi ikaw." Nagulat naman ako sa sinabi ni Diane.

Tamang-tama ako doon sa sinabi niya. Bakit ba meron parin akong pagasa sa puso ko?

"Sige, una na ako sa classroom." Atsaka niya akong iniwang nagiisa at nagiisip.

***

Uwian na at handa na ako umuwi. Inayos ko na ang gamit ko at ipinasok ko na ang lahat ng notebooks at mga libro na ginamit ko kanina sa klase.

Hey! Bestfriend?Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ