Bestfriend 21 [Project Planning]

155 3 0
                                    

Bestfriend 21 [Project Planning]

Charm's POV

"At dahil matatapos na ang 2nd quarter, gusto ko lang malaman niyo ang project niyo sa akin sa Science this quarter." Nagsalita ang teacher namin sa Science.

"At dahil Physics ang ating subject natin, gusto ko kayong gumawa ng isang simple telescope. Gusto ko maging maganda ito at ayaw ko ng basta na lang makapagpasa, ha." Pagpapatuloy ni Miss.

"By group ang gusto ko mangyari sa ating project. Kayo na ang bahala sa groupings, ha. By five hanggang 7 lang bawat grupo. Okay, mauuna na ako sa inyo. Class dismissed." At tuluyan nang umalis si Miss.

Lunapit sa akin si Diane. "Beks, group tayo ha."

"Oo naman." Reply ko sa kanya.

"Sali ako." Makulit na sabi ni Daryl.

"Oh, tatlo na tayo." Sabi ni Diane.

"Sama naman kami diyan." Napatingin kaming lahat at nakita namin si Louie at Kenji papalapit sa amin.

"Wow naman. Nagseseryoso ata kayo ngayon sa pagaaral ha." Sabi ko sa kanilang dalawa.

"Eh, magmomoving up na tayo this school year eh." Sabi muli ni Louie sa amin.

"Naniwala kayo diyan kay Louie. Aasa lang 'yan sa inyo." Pagkontra naman ni Kenji sa sinabi ni Louie.

"'Tol, bukingan na ba tayo? Akala ko solid tayo." Tapos humawak siya sa puso niya na parang nasasaktan siya at nagtawanan naman kami.

"Diba, kulang pa kayo?" Nagulat ulit kami sa biglang may nagsalita ulit. Tumingin kami sa gawi nila.

Nakita naming magkasama at maglahawak kamay na lumalapit sina Steve at Cherry.

"Sali naman kami sa inyo." Napansin ko naman na biglang tumingin sa akin si Daryl.

Tumingin ako sa kanya at pinilit ngumiti.

"Fafa Steve, buti sumali ka rito. Binubully ako ni Kenji eh." Pagsusumbong naman ni Louie kay Steve at yumakap ito sa kanya.

"Ang bakla mo. Umayos ka nga." Pilit inalis ni Steve ang yakap ni Louie.

Tapos nagsiapiran ang magbabarkada. Ang solid talaga ng barkada nilang tatlo.

"Oh, paano ba 'yan? Kumpleto na tayo. Simulan na natin ang project." Sabi ni Kenji.

"Nako, pakitang tao si Kenji. Akala mo talaga." Pagbibiro muli Louie.

"Gagi, pare. Totoo 'to." Tapos binatukan niya si Louie.

"Punta muna tayo sa library para magsearch kung ano ang gagawin natin." Yaya ko sa kanilang lahat.

Sabay-sabay naman kaming lumabas ng room. Sumabay sa akin sa paglalakad si Daryl.

"Bakit mo sila tinanggap sila sa grupo natin?" Tanong sa akin ni Daryl habang naglalakad kami.

Halata naman kung sino ang tinutukoy niya na "sila".

"Bestfriend ko pa rin naman siya kaya tinanggap ko." Sabi ko kay Daryl.

"Kasabay ng pagtanggap mo sa kanila ay ang pagtanggap na pwede ka masaktan." At nauna na siyang pumasok sa library.

Napatigil ako sa harap ng pinto.

"Oh, Charm, bakit ka naging statwa diyan?" Tanong ni Diane nang makaabot na din sila sa library.

"Ah, wala." Atsaka naman ako nakapasok sa loob ng library kasama ang iba pa.

Nakita ko si Daryl na nakaharap na sa isang computer sa library.

Hey! Bestfriend?Where stories live. Discover now