Chapter 32 - Hugh's Rage and Isacky

40 5 0
                                    

Isaac's POV.

Dadaan ako sa Hospital mamaya para kunin ang resulta nang DNA Test namin nang Daddy ko,I am hoping na sana nga positive para makawala na ako nang tuluyan sa masalimuot na buhay na naranasan ko dahil sa kinagisnan kong Ama. Tinawagan ko din si Attorney para makausap ko sya nang personal dahil may nabanggit sya sakin na isa pang Papeles na iniwan ni Mommy sa kanya,aalamin ko kung ano yon.

Kasalukuyan nandito ako sa Mansion ni Mommy habang hinihintay nga ang pagdating ni Attorney. Magkaharap na nakaupo kami ngayon ni Alfred sa living room,hinahalo nya ang tinitimplang tea para sa aming dalawa.

"Anong iniisip mo Young Master?" Nakangiting iniabot nya sakin ang tasa nang mainit na tsaa. "Alam mo ba na kahit hindi ka pa nagkukwento sakin ay nararamdaman ko nang may problemang gumugulo sa isipan mo?" Uminom sya sa sariling tasa.

Napangiti nalang ako at tinikman din ang tsaa sa tasa ko. "Alam na alam mo talaga ang timpla na gusto ko Lolo,at alam na alam mo talaga ang alaga mo." Biro ko. He smiled too. "I'm waiting for Attorney dahil may pag-uusapan daw kaming mahalaga. Napapaisip tuloy ako kung gaano kaseryoso yun." Nagkibit-balikat ako.

"Kung isa yan sa mga bilin ni Isabella maaaring mahalaga nga. Pero ang tanong ko ngayon ay kung yun lang ba ang problemang iniisip mo?" Pinakatitigan nya ako.

Umiling ako. "Alfred,can you tell me everything about my Mommy?" Tanong ko.

"Like what?" Sagot nya. "You could've asked me earlier. Alam mo naman na alam ko ang lahat tungkol sa Mommy mo." Muli syang ngumiti.

"Sasagutin mo ba ako nang tapat?" Paniniguro ko. "Gusto kong malaman ang lahat-lahat tungkol sa pamilya namin."

"Oo naman Master,pero binabalaan kita na ihanda mo ang sarili mo dahil baka masaktan ka sa mga katotohanan na malalaman mo." Makahulugang sabi nya.

Tumango ako. "Why don't we start by my Father. My real Father." Nakita kong natigilan naman sya. "Sinong Daddy ko?"

"I didn't expect you'd ask me that,but to answer you Young Master. Hindi si Henry ang tunay mong ama." Ibinaba nya ang hawak nyang tasa. "Your Father's name is Andrew. Andrew Pevensie."

Hindi ko alam kung bakit pero ineexpect ko na sya nga sana ang tunay kong Daddy. Napangiti ako sa narinig. "Tell me about him, anong nangyari sa kanila ni Mommy? Bakit kay Baine ikinasal ang Mommy ko?"

"Dahil nabilog nya ang ulo nang Lolo mo Master." Nakangiting biglang sagot ni Attorney na kadarating lang. "Napaniwala nya ang Lolo mo na sumama sa ibang babae ang Daddy mo. And since then wala na kaming kahit na ano pang balita na narinig mula sa kanya." Umupo sya sa tabi ni Alfred at inilapag ang suitcase sa coffee table para ilabas mula doon ang papeles na sinasabi nya.

"How did that happen? Basta pumayag si Lolo?" Napasandal ako. Nagkibit-balikat ito. "Anyway,tungkol saan ang pag-uusapan natin Attorney? I thought everything is settled then."

"Yes,all. Pero this is about your Mom's final request." He handed me a paper. "Nakalagay dyan ang lahat nang mana mo sa Daddy mo. We had to keep it a secret dahil baka kamkamin din yan ni Henry. Even your Lolo doesn't know about that." Paliwanag nito.

Binasa ko nang maigi ang papeles at nabitawan din ito agad. "S-so ibig sabihin isa talaga akong Pevensie? A-at galing itong yaman na to sa Daddy Andrew ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo Hijo,yan na lahat ang meron ang Daddy mo kaya't hindi kami naniniwala ni Alfred na iniwan nya kayo at sumama sa iba." Paliwanag nito. "Kailangan mo nalang syang mahanap ngayon,kailangan nating malaman kung saan sya itinago ni Henry."

"B-but I found him." Wala sa sariling sagot ko. "And I doubt him at first." Napayuko ako. "He really is my Daddy...he isn't lying."

Nagulat naman sila bigla. "Nagkita na kayo nang Daddy mo? How? When?"

What I Never Knew I Always WantedWhere stories live. Discover now