Chapter 9-In the Quiet in the Dark. (Jesy's Nightmare)

44 6 0
                                    

Jesy's Nightmare.

It was a Cold Night,one time. Patapos na ang sinabing Dalawang taon sa akin ni Isaac,umaasa ako na bigla nalang syang susulpot sa harap ko para tuparin ang pangako nya sa akin nung kausap ko sya sa Cellphone bago sya umalis. Alam ko na hindi nya ako bibiguin dahil wala pa naman syang ipinangako sa akin na hindi nya tinupad.

Napapangiti nalang ako dahil ramdam na ramdam ko yung kaba at excitement sa muli naming pagkikita,yayakapin ko sya nang mahigpit at hahalikan nang matagal para maramdaman nya na sobrang miss na miss ko na sya. Tapos saka ko sya iitlugan dahil bigla nya akong iniwan nang biglaan din. Kahit sa ganoong paraan man ay makabawi ako sa inis na kanya.At mukhang dininig naman nang langit ang panalangin ko dahil may parating na sasakyan na palapit sa kinalalagyan ko sa tapat nang Bahay nang mga magulang ko.

Agad akong tumayo nang huminto nga ito sa tapat ko.

Bumukas ang pinto at bumaba mula doon ang isang Lalaki na hindi ko kilala,mukha syang mayaman at masungit.Napaatras ako nang bigla nya akong lingunin,may naglalarong ngisi sa mga labi nya at hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam nang takot.

"Sino po sila? Naliligaw po ba kayo?" tanong ko.

He eyed me from head to toe,sabay iling. Loko to ha.

"I was wondering kung ano ang nagustuhan nya sayo." malamig pa sa gabing tanong nya.

"Po? Ano pong ibig nyong sabihin?S-sino po kayo?" kinakabahang tanong ko.

What I Never Knew I Always WantedWhere stories live. Discover now