Chapter 5 - I couldn't see,i was blind til my eyes were open.

49 7 0
                                    

Jesy's POV.

Pagdating ko sa Office ay nakita kong naka puppy eyes ang tatlo kong engot na kaibigan. Daig pa nila yung mga na-engkanto o kaya yung lutang sa Drugs. Creepy!

Nakangisi pa ang mga gaga akala mo mga aso,kinakabahan ako kapag ganito sila eh. Alam kong may masama na naman silang pinaplano laban sa akin.

"Hi Jes,how's your sleep?" Masayang tanong ni Perrie.

"At kailan pa kayo naging concern sa tulog ko?" Umirap ako at umupo sa pwesto ko. Nakatanghod sila ngayon sa table ko na animo'y mga anghel na nalaglag sa langit,pagkabagsak una mukha kaya ayun naalog ang mga munti nilang utak.

"Heto naman ang agang nagsusungit. Tigang ka no?" Ngumisi si Leigh Ann. "Inaalala ka lang naman namin bilang mga kaibigan mo."

"Talaga lang ha? Anong nakain nyo? Tsaka pwede ba,I'm still virgin." Naiiling ako.

"Chocolate Cake,meron pa sa ref gusto mo kunan kita?" Masaya si  Jade na sobrang good mood ngayon."Sus! Tanda mo na hindi ka pa rin nadiligan? Siguro pang hotdog na dalawang piso lang sa fishball-an yung ano ni  Hugh-das no?" Tumawa sya.

"Aba may pa-cake si Mayora,ang layo pa nang birthday mo ha. Tsaka isa pa,hindi ko malalaman yun hanggat hindi ko pa nasisilip" Tumawa ako.

"May Chocolate's pa nga eh." Inabutan ako ni  Perrie nang mga higanteng Chocolate Bars.

"Lindt? Aba,mukhang malaki yung bonus natin sa huling event ha. Thanks dito" kinuha ko ito sabay napangisi ako. Heto pa man din ang brand nang Chocolate na Favorite ko.

"At heto pa. Bongga talaga." Masayang inilapit sa akin ni Leigh Ann ang mga red roses na nakalagay na sa Vase.

"Grabe na talaga,kahit pala bwiset yung bagong mag-asawa na yun ay galante naman." Inamoy ko ito. Kaamoy din nang paborito kong bulaklak.

"Nagustuhan mo ba?" Nagtaas-baba ang kilay ni  Jade.

"Oo naman. Thanks dito ha. Alam nyo na-touch ako,ang tagal ko nang hindi  nakakatanggap nang mga ito. Mahal na mahal nyo talaga ako no" mangiyak-ngiyak na niyakap ko silang tatlo.

"Oo naman syempre,eh ang mahal mahal din nang mga yan kaya natukso kaming galawin kahit hindi sa amin." Tumawa silang tatlo.

"Ikaw na ang bahalang magpaliwanag kay  Doc Pogi sa nangyari ha? Alam namin na hindi mo kami bibiguin." Hinagod ni Perrie ang likod ko.

"Oo naman." Biglang nag sink-in sa utak ko ang mga sinabi nila. "Ano!!!???" Halos lumuwa yung mga mata ko sa narinig ko.

"Wow,yung sigaw mo para kang  ginagahasa nang sampung Doc Pogi ha,last mo na ba?" Sinabunutan ako sa patilya ni  Jade.

"Bat ko kakausapin yung lintik na yun!? Inis na inis nga ako sa mukha nyang mukhang demonyo. Kahit pa sabihing pantay at plakado yung kilay nya na perfect pa sa drawing na kilay ni Perrie,at nakakatunaw yung mga tingin nya dahil maganda pa yung mata nya kay Jade,kahit ang sarap kurutin nang matangos nyang ilong na matangos pa sa ilong ni Leigh Ann at higit sa lahat kahit masarap humalik yung mga kissable lips nya na sobrang sarap kagatin ayoko. Hindi nyo ako mapipilit. Ayoko sa gagong yun dahil kapag nakikita ko sya nakukumpleto yung araw ko! Ayoko dahil nagkakasala ako! Ayoko!" Hingal na hingal na paliwanag ko with feelings.

Naestatwa naman yung mga itsura nilang tatlo na nakanganga.

"Yung totoo galit ka nang lagay na yan ha?" Si  Jade. "Parang yung mga galit at inis mo kasi kay Doc Pogi sa amin mo ibinaling,parang nilait-lait mo pa kami,tunog bitter lang ang dating sakin. Kasi si Hugh-das never na naging sweet sayo."

What I Never Knew I Always WantedWhere stories live. Discover now