Chapter 7 - Till You Filled It Up With Your Love For Me.

42 6 0
                                    

Jesy's POV

"Wow! Ang galante naman palang mag-propose ni Doc Pogi. Milliones yang nasa kamay mo." Amaze na comment ni Perrie habang tinititigan ang singsing sa daliri ko na kanina pa namin maingat na sinusubukang alisin.

Pulang-pula na yung daliri ko dahil ayaw nitong maalis.Narito na ako sa bahay ko  ngayon at dito na ako nagpahatid kay Isaac mula sa Mall dahil sobra akong naiiyak dahil sa nangyari.Ito na ang pinaka-nakakahiyang bagay ang nangyari na sa harap pa mismo ni Isaac. He payed for the ring for his Fiancee,but instead nasa akin ito dahil ayaw ngang maalis,and Isaac told me to keep it while it's still stuck on my finger.

"Pwede ba tigilan mo na yang kakangawa mo dyan Jes,it's not helping. Hindi ako makapag-focus." Angal ni Jade habang sinusubukan alisin ang Singsing sa kamay ko. "Grabe naman,parang pati itong singsing gusto kayong magkatuluyan ni Doc Pogi."

"Ewan sa singsing na yan hindi marunong makisama. Ang sakit na nang kamay ko." Muli na naman akong naiiyak.

"Baka naman kasi sinuot mo? Eh hindi naman ikaw ang Bride?" Perrie wiped my tears.

"Hindi naman ako eh,si Isaac kasi." Lumabi ako.

Then Leigh-Ann came in from nowhere holding a Giant Knife.

"Heto na ang solusyon sa problema Jes!" Hinihingal na lumapit sya sa amin.

Sabay-sabay naman kaming napasigaw! Lalo na nang itaas nya ito at akmang puputulan na nya ako nang kamay!

"Oh God! Stop!" A baritone voice of a Man shouted. He then held Leigh-Anne's hands and carefully took the Weapon away from her.

"Doc Pogi?" takang tanong nito sa bagong dating na si Isaac na parang kabute na bigla nalang sumulpot. "Why are you here? Paano mo nalaman ang bahay  ni Jesy?"

"I just wanna check on her. Sakto lang pala ang timing ko kasi kung hindi baka wala na syang kamay." He wipe the sweat on his smooth forehead.

"What do you mean?" Kunot-noong tanong naman ni Leigh. "I won't chop off her precious hand." Paliwanag naman nito.

Nagkatinginan naman kaming tatlong magkakaibigan. If she isn't going to chop my hand off,then what is she planning to do?

"Then what Leigh?" PInaupo sya ni Perrie sa tabi ko.

"Get away from me Psycho. A minute ago you're about to chop off my hand." Reklamo ko.

"Sira! Hindi ko gagawin yun sayo.Well kay Jade pwede pa lalo na't palagi nya akong dinadaya kapag naglalaro kami ng Uno." Sabay ngumisi sya. "Heto talaga yung solusyon sa problema mo Jes." 

Nakangiting naglabas sya nang isang Sachet sa back pocket nya.

"Ano naman yan?" Nakasimangot na tanong naman ni Perrie.

"Charrrran! Cooking oil." Excited na itinaas nya ito.

Halos himatayin naman si Jade sa kakatawa. Napailing nalang ako. Si Isaac naman ay napatapik nalang sa Noo habang halata naman na nagpipigil lang sya ng tawa.

"Bwiset ka! Bakit kapa may dalang Kutsilyong pang-sisig kung Cooking oil lang pala yan!" Namumula sa inis na tanong ni Perrie.

Tumawa naman si Leigh-Anne. "Naka-sale kasi eh. Binili ko na tapos may free pang cooking oil kaya pinatulan ko na."

"Tamang-tama,walang pantadtad nang lechon yung isang Chef natin." Sagot ko naman.

"You Girls are amazing." Nakangiting comment naman ni Isaac.

"You know what Jes,sa kusina muna kami ha. Magluluto muna kami nang Dinner dahil bigla kaming nagutom. Doc please stay for Dinner ha. Masamang tumanggi." Si Jade.

What I Never Knew I Always WantedWhere stories live. Discover now