Chapter 1-Never was the Kind to think about Dressing in White.

68 8 0
                                    

"I now Pronounce you Husband and Wife. You may now kiss the Bride" announce ng Pari.

Agad naman hinalikan ng Groom ang kanyang Bride. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Hudyat na ito ma tapos na ang kasal. Kinikilig ako habang pinapanood ang bagong mag-asawa. Iniimagine ko kung ako kaya yung kinasal sa Mahal ko noon,siguro ang saya ko. Pero syempre malabo yun kasi bigla nalang naglaho si Isaac.

Nasaan na kaya sya? Naaalala nya pa kaya ako? May pamilya na kaya sya? May anak na kaya sya ngayon? Naging successful kaya sya gaya ng gusto nya?

"Jesy! Ano na!?" Tunog na galing mula sa radio na hawak ko. Ito ang pumutol sa pagmumuni-muni ko.

"Ha?" Pinindot ko ang buton at sumagot.

"Ang sabi ko tapos na ba ang kasal!?" Halata sa boses ni Jade ang inis.

"Ah,oo. Kakatapos lang. Nagpipicturan nalang sila sa may altar." Bigla akong natauhan.

"Okay good. Magready na tayo sa reception. Raradyuhan ko na yung dalawa. Wag ka na kasi nagde-daydream dyan. Move on na." Dinig ko syang tumawa sa kabilang linya.

"Tse! Daydream ka jan. Sige na kita nalang tayo mamaya."

Pinatay ko na ang radyo bago pa sya makapang-asar. Nakakainis kasi alam kong hindi nya ako titigilan. Lalo pa akong mananagot kapag nandito yung dalawa pa naming kaibigan. Siguradong pagtutulungan na naman nila akong asarin.

Ako nga pala si Jessica. Jesy for short,isa ako sa Founder at Owner ng Mixers events. Mga organizer kami ng ibat-ibang klase ng events,at marami pang iba. Later on malalaman nyo rin. Kaming apat na magkakaibigan ang may-ari ng Mixers Events. Hati-hati kami sa puhunan at mga hands on kami para siguradong perfect ang mga Events nyo,o diba bongga?

Kagaya nga ng nalaman nyo kanina,wedding ang event naming ngayon kaya nandito pa ako sa simbahan.Pagkatapos nito sa reception na kami,dun na din kami magkikita-kitang apat na magbabarkada.

"Ma'am okay na po. Sa reception na ho tayo" nakangiting sabi nung photographer na hi-nire namin. "Sabay na ho kayo samin sa sasakyan."

"Sige kuya,mauna na kayo. Dala ko yung motor ko eh,magdadrive nalang ho ako. Salamat" nginitian ko sya.

"Sige Ma'am, ingat po kayo. Una na po kami"

...

Agad akong sinalubong ng tatlo kong mga loka-loka na kaibigan matapos kong mai-park yung motor ko sa gilid.

"Ayos ha,naka dress ka pero nakamotor ka naman. Anong trip yan?" Nakangising pang-asar ni Perrie sa akin.

"Uso na ngayon yan,unique nga diba?" Depensa ko naman.

"Kung yan ang best trend ngayon,hindi na ako makikiuso." Tumawa si Leigh. "Para kang engot! Ang ganda ng bihis mo naka motor ka naman."

"Basta,gusto ko. Pake nyo ba?" Tinuktukan ko sya ng Helmet sa ulo. "Ano na ang ganap?Ayos na ba lahat dito?"

"Nako,kita mo puno na yung mga table. Hindi na nga yata sila sumilip man sa simbahan,dito na sila dumiretso. Ewan ko lang kung may maupuan pa yung mga Major Sponsors ng bagong kasal." Naiiling na reklamo ni Jade.

Tao nga naman. Sa kainan lahat present,pero sa Seremonya inaantok sila lahat. Sana lang wag maubusan ng Handa ang mga bisita nila. Mas marami pa nga yata yung mga outsiders kesa sa mga may Invitations.

...

Matapos ang kasal ay nilapitan kami ng Groom at ng mga magulang nito.

"Thank you sa magandang set-up,heto yung full payment. May bonus na yan. Until next transaction ulit ha." Iniabot nito ang sobre. Natuwa naman kasi makapal  ito.

What I Never Knew I Always WantedWhere stories live. Discover now