Chapter 27 - Suprise Chapter 2. Blood is Thicker than water

47 6 0
                                    

Jesy's POV.

The whole day I was exaggerating my effort to act happy and stress free in front of Isaac. Ayoko kasi na maghinala sya dahil ito ang nararapat kong gawin mula nang napag-usapan naming magkakaibigan ang mga bagay tungkol sa nalalapit nyang kasal. It's been exactly 2 weeks since both of us started working again. And today it's baby time. Magkasama kami ngayon dito sa loob nang Office nang OB ko para sa monthly check up namin ni Baby,at masaya ako dahil nakuha pa nyang iwanan ang mga pasyente nya sa sarili nyang Office para sa amin nang anak nya.

"Look here Doc,your baby is doing perfectly fine." Sabay turo nang Doctora sa screen kung saan makikita ang isinasagawang ultrasound sa akin. "Mukhang malaking bata sya" masayang comment nito.

Hindi ko mapigilan ang malungkot habang pinagmamasdan si Isaac na masayang nakatutok sa screen nang monitor,hawak nya ang kamay ko at kita ko ang sobrang excitement nya. Hinaplos pa nya ang screen na akala mo ay nahahawakan na nya ang anak namin. "Baby look!" Excited na turo nya. "That's our baby,I can't wait to meet him or her." Nakangising nilingon nya ako at hinalikan sa labi. "I was wondering if he's a he or she." Muli nya akong tinitigan nang may pagmamahal sa mga mata nya.

"Gusto nyo na bang malaman ang Gender ni Baby?" Nakangiting tanong nang Doctor.

"Yes! Please" excited na sagot ni Isaac.

"No! Please" kontra ko naman kaya napalingon ang gwapo nyang mukha sakin na parang nagtatanong. "Gusto ko kasi surprise." Nagpuppy eyes ako sa kanya.

"Okay Baby" he smiled at me. "I want to hear it's heartbeat Doc,can we?" Muling tanong nito.

"Sure" pinarinig sa amin nang OB ang malakas na tibok na puso nang anak namin kaya lalo namang natawa si Isaac, mas emosyonal pa nga sya kesa sakin. Muntik pa syang naiyak kaya natawa kami parehas nang Doctora. "What a view." Biro nito.

"Sorry I can't help it." Natatawang pinunasan ni Isaac ang mga namuong luha sa kanyang mga mata. "I'm just so happy,and its so hard to contain the feeling. Parang sasabog na yung dibdib ko sa sobrang tuwa at saya. Sa sobrang pagmamahal." Niyakap nya ako. "Thanks for giving me our baby,baby." Tumango ako at marahang hinaplos ang likuran nya. Kung alam lang nya kung gaano din ako kasaya na makita syang sobrang dedicated sa anak namin.

"Thank You" Tanging sagot ko.

Nagpaprint nang extra sonogram si Isaac para idagdag sa mga nauna na,na naka-frame at naka display sa office table nya kasama nang mga pictures ko,at mga pictures naming magkasama. Natatawa nalang ako kapag naiisip kung gaano sya ka-O.A but at the same time kinikilig din ako dahil sa mga simpleng bagay na ginagawa nya. Matapos namin makapag pa-check up ay kumain narin kami nang tanghalian sa labas at dumiretso na sa Mixers Events para sa Clothes fitting nya.

Aminin ko man o hindi ay nagsisikip ang dibdib ko sa kaba habang tahimik kang naman sya at mukhang napipilitan lang na gawin ito. Hinawakan ko ang kamay nya at bahagya syang nginitian nang paakyat nakami sa office namin. Nandon na ang mga kaibigan namin at pati ang mga gagawa sa isusuot nyang pangkasal. Agad na nagsimula na ang fitting habang walang kangiti-ngiti si Isaac. Ako naman ay panay ang display nang mga pekeng ngiti just in case na malingunan nya ako,at least hindi nya iisipin na tutol ako sa pagpapakasal nya. Hawak ko din ang tiyan ko dahil sa mga ganitong oras ay sa Baby nalang namin ako kumukuha nang lakas nang loob para makayanan ang lahat nang ito. Panay buntung-hininga lang sya habang naiiling pa minsan.

"What's wrong Doc? Ayaw mo ba sa style nang damit mo? Pwede kang pumili dito sa mga samples namin,or kung gusto mo na ipasadya namin ang gusto mong design." Nakangiting tanong ni Leigh Ann.

"I'm fine with everything." Bumuntung-hininga lang sya ulit.Dito ko sya nilingon  na kunwari ay wala akong ideya sa mga iniisip nya

"What's wrong Baby?" I smiled at him habang hinahaplos ang tiyan ko,making it look like sumipa na naman si Baby.

What I Never Knew I Always WantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon