Chapter 7

4K 149 0
                                    

Nasa school na ako nang malaman kong walang klase ngayong araw. Sinabi sa akin ni Savana na tuwang-tuwa dahil sakto daw at may pupuntahan kaming event sa ibang building.

At naalala ko na may event pala ngayon ang HRM building. Gumawa sila ng mga booths na parang restaurant at naka uniporme sila na pang waitress.

Ang iba naman ay gumawa ng iba't ibang cakes for take out naman.

At ngayon nga ay tuwang-tuwa ang mga ka klase ko.

"Yeona, let's go! I'm starving." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko saka ako hinila palabas.

Naglabasan na din ang mga ka klase ko papunta din sa HRM building. Pagkarating namin ay marami ngang mga taga Austra University.

Wala naman akong kakilala doon at tanging si Harry lang ang pumapansin noon sa akin. Teka, damn! Baka makita ako dito ni Harry!

"Oh! I like it! Yeona, look!" Sabi niya na nakahawak pa sa wrist ko. Napansin niya siguro na aalis ako.

Pumasok kami sa loob ng booth at binigyan kami ng menu. Nagtingin-tingin ako ng pasta.

"I'll order this." Turo ko sa carbonara. Patingin-tingin ako sa gilid at baka makita ako dito ni Harry.

But I'm not sure kung pupunta siya kasama ang mga kaibigan niya.

"You look uneasy. May problema ka ba?" Tanong ni Savana sa akin na nakapangalumbaba sa mesa.

Tumingin ulit ako sa paligid.

"I'm not comfortable." Sabi ko pa. Nakita ko ang The Five Gods na kakaupo lang sa kabilang mesa. Habang ang ibang mga kababaihan naman ay busy sa kakatitig at kilig na kilig sa lima.

"Yeona...they're here! My Anderi is here! Omg!" Hindi mapakali na sabi niya.

"Hindi ka pa ba nagsasawa sa kakatingin sa limang yan sa classroom?" Naiiling na tanong ko. Humalakhak siya sa sinabi ko.

"Ano ka ba? Hinding hindi ako magsasawa sa kakatingin sa bebeloves ko! Hihi" kinilabutan ako sa sinabi niya. Buti nalang at dumating na ang pagkain namin.

Nag simula na kaming kumain at habang kumakain ay wala siyang katapusan sa pag k-kwento.

Binilisan ko ang kain ko at patapos na ako nang may magsalita sa gilid ko.

"Y-yeona..."

That voice... it's Harry's voice! Shit!

Dahan-dahan akong tumingin sa pinanggalingan ng boses. Nagtitinginan na din ang mga nasa booth. Pati ang grupo nina Alejandro ay napatingin na din sa amin.

"Omg! He's a damn hottie!" Mahinang bulong ni Savana sa akin. Marahan niyang sinisipa ang paa ko sa ilalim ng mesa. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nakatingin lang ako kay Harry.

"So all this time, you study here?" Hindi makapaniwalang tanong niya. He's like, he's about to cry or something. Wtf!

"What are you doing here?" Biglang may lumapit sa amin banda. It's Ha-Ru.

"Austra University is welcome in this event. Why are you asking why am I here?" Balik tanong ni Harry. Tumayo ako at nag-iwan ng pera sa mesa.

Tumayo na din si Savana.

"Yeona, wait!" Sabi ni Savana at sinundan ako. Lumabas ako sa booth at naglakad palayo doon. Damn! Ito na nga ba ang sinasabi ko!

Mabuti nalang at dumating ang mga kaibigan ni Harry kaya't hindi niya ako nasundan.

"Is he your boyfriend?" Tanong ni Savana na nasa gilid ko na. Umiling ako bilang sagot sa tanong niya.

"I don't have a boyfriend." Sabi ko. Ngumiti siya ng pagkalaki-laki .

Miss Sharp Shooter (Completed)Where stories live. Discover now