Rest day ko ngayon sa bar at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko mamayang gabi para magpalipas ng oras.Kakatapos lang ng klase ngayong araw at naglalakad na ako palabas ng classroom. Nagtatakbuhan na naman ang mga studyante ngayon dahil may laban sa basketball ang The Five Gods daw at isang grupo na galing sa ibang school.
Naalala kong rest day ko ngayon sa trabaho. Pero wala akong gagawin. Ito na! May pagkakaabalahan ka na Yeona! Sulsol ng utak ko. Tsk! Ano nga ba ang mapapala ko doon?
To kill time.
Okay. Huminga ako ng malalim at tinungo ang basketball court. Marami na pala ang nandito. Well, noong nalaman pa nga lang nila na may laban ang iniidolo nila sa basketball ay nagtakbuhan na kaagad sa kakamadali. Napailing ako sa naisip.
Nang makarating ako ay natanaw ko malapit sa court si Savana. Siya lang naman ang medyo kilala ko dito sa school na ito maliban sa pangalan ng lima.
Bumaba ako para lapitan siya. Teka, bakit ako lalapit?
Malapit na sana ako sa kanya nang maalala ko yon.
"Kyaah! Yeona!" Malakas na sigaw ni Savana sabayan pa ng matinis nitong boses. Napatakip ako ng tainga at napatingin sa paligid.
Napatingin din ang ibang mga estudyante. Sobrang lakas ba naman ng boses niya pati pa yong mga manlalaro ay napatingin sa amin. Nakatayo pa ako sa lagay ko ngayon.
Aish! This girl!
Hinila niya ako paupo katabi ng inuupuan niya.
"Yiiiee! I'm so happy you're here!" Tuwang tuwa na sabi niya. Niyakap niya pa ako.
Naiilang ako at hindi mapakali sa kinauupuan ko. Hindi ako sanay na may kumakausap sa akin.
Nagsimula na ang laro at tili ng tili ang lahat. Iyong iba may dala-dalang banners at yong iba may dalang pompoms.
Ito namang katabi ko ay todo cheer kay Andrei daw (Alejandro) na leader ng The Five Gods. Naka crossed arms lang ako habang naka upo. Nakatitig sa court. Magagaling naman talaga sila sa larangan ng basketball.
Pero yong nakita kong pambubully nila ay yon ang hindi maganda. Tsk!
Nagpapahinga sila malapit sa kinauupuan namin ni Savana.
"Bakit ba dito mo naisipang umupo? Tsk!" Naiilang na sabi ko. Napatingin siya sa akin at bumulong.
"Kasi alam kong dito sila uupo banda." Ngiting ngiti na sabi niya. Kaya napahinga ako ng malalim.
"Hey!" Napatingin ako from toe to head sa lalaking lumapit sa amin. Itinaas ko ang kilay ko at sumagot.
"What do you want?" Bungad ko. Siniko ako ni Savana at nakita kong ngumiti siya dito.
"Hi! Ha-Ru!" Bati ni Savana. Ngumiti lang pabalik si Ha-Ru kay Savana at itinuon ang atensiyon nito sa akin.
"Do I look easy to you?" Tanong nito sa akin. Huh?
Hindi ako nakapagsalita ka agad. Ano'ng problema nito?"Huh? Ano'ng problema mo?" Kalmadong tanong ko. Napangisi siya at tumingin sa mga kasama niya na tinatawag na siya at mag resume na ulit ang laro.
"I'll talk to you later." Sabi niya at nag jog na pabalik sa mga kasama niya. Nakita kong tinanong siya nung may lahing british na lalaki pero umiling siya bilang sagot.
Halata naman na curious ang mga nanonood sa nasaksihan nilang paglapit ni Ha-Ru sa akin. Malaking issue na ba ang paglapit lang ng lalaking yon?
"Yes. It is." Sagot ni Savana. Nabasa niya ba ang iniisip ko?
"Why?"
"Because he is the most wealthy and powerful in that group. And it's his first time talking to a girl in this school." Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Miss Sharp Shooter (Completed)
ActionA story of a Mysterious Girl student who was caught of attention by Mr. Good guy in the class. A girl named Yeona Lee who always stay a distance from her classmates. Mr. Good guy's name is Ha-Ru Hensen, a good looking guy surrounded with friends kno...