Chapter 2

5.1K 168 2
                                    

He was the one I saved outside the bar before. Before I decided to transfer to a new school.

So nakilala niya ako?

[Flashback]

Shit! First day ko palang dito sa trabaho mukhang mapapalaban ako!

Kalalabas ko lang ng bar, kasi napag utusan ako ng manager ko na kunin ang cellphone niya sa loob ng kotse niya.

Pero pagkalabas ko lang ay naaninag ko na ang tatlong malalaking kalalakihan na mala bouncer ang laki na sinuntok ang isang lalaking feeling ko ay wala namang planong labanan sila.

Ugh! Alam kong loner ako palagi at walang kaibigan pero kapag nakakakita na ako ng ganitong sitwasyon, hindi ko mapigilang hindi lumaban.

"Stop!" Sabi kong nakangiwi at nag alangan kung lalapit ba ako sa kanila o hindi.

Napatingin sila sa akin pati na rin ang lalaking sinuntok nila.

Napangisi ng nakaka insulto ang isang lalaking kalbo na siyang sumuntok sa lalaking natumba dahil sa suntok nito.

"Haha! Kung sinuswerte nga naman tayo pre." Nagkatinginan pa silang tatlo na ngising-ngisi sa nakikita.

Nanlaki ang mga mata ng natumbang lalaki at lumapit sa akin.

"Run." Pautos na bulong niya. Tinulak niya ako ng marahan senyales na tumakbo na ako. Kaya ako naman ang napangisi.

Seriously?

Tumayo siya ng matuwid at pinahid ang dugo na nagmula sa bibig niya. Nasa likod na niya ako ngayon kasi hinarangan niya ako sa tatlo.

Papalapit na ang isang lalaki para suntukin ang lalaking nasa harap ko nang itulak ko siya sa balikat at ako na ang nakaharap sa kalbong lalaki ngayon.

Tumakbo din ako papunta sa kanya at sinalubong siya ng isang flying kick.

Gulat ang nakita ko sa kanila at pumusisyon ako na parang magsisimula palang ang laban.

Sa lakas ng pagkakatama ko sa mukha niya ay natumba siya. Hawak-hawak niya ang mukha niya nang sumugod din ang isang lalaki. Ang isa naman ay nag aalangan pa. Natamaan niya ang kabilang mukha ko pero hindi gaano kalakas kasi naka iwas pa ako.

Aambahan niya sana ako ng suntok pero umiwas ako at ang isa namang nasa likod niya na papalapit ang sinipa ko sa mukha.

Nakita kong nakikipag suntukan na rin ang lalaking tinulungan ko kanina.

Huh, at magaling din pala siya? Bakit niya hinayaang masuntok pa siya ng dambuhala na yon bago pa manlaban? Tsk!

Kahit malalaki sila ay nakaya ko parin silang mapatumba. Dalawa na ang napatumba ko at ang isa,

Isang suntok niya ang naabutan kong ginawa niya sa isang lalaki.

Tiningnan ko ang oras sa relo ko. Shit! Tumakbo ako pabalik sa store. Arg!

"Ang tagal mo Lee. Anong nangyari sayo? At parang pagod na pagod ka? Ba't may pasa sa pisngi mo?" Nag-aalalang tanong ng manager ko.

Nakalimutan kong kunin iyong cellphone niya sa kotse!

"I'm sorry. May...may mga lalaking masasama ang loob sa labas." Hinihingal na sabi ko. Sa totoo lang, hiningal ako dahil sa takbo ko talaga pabalik.

"Omg! It's okay. Sorry. Ako na ang kukuha. Magpahinga ka muna at ayusin mo ang sarili mo" Nag-aalalang sabi niya. Tumango ako at nagtungo sa crew room.

Miss Sharp Shooter (Completed)Where stories live. Discover now