Chapter 1

7K 215 9
                                    


        Two weeks na akong pumapasok sa bagong school ko. Pero unang araw ko palang dito ay usap-usapan na ang isang grupo ng mga lalaki na sikat daw dito sa school. Paanong naging sikat? 'Yan ay ayon sa dinig-dinig ko kasi obvious naman sila magkwentuhan at kahit saan ako mapunta sa loob ng school na ito ay sila ang palaging bukambibig ng mga estudyante dito.

Dahil sa angkin daw nilang kagwapuhan at pare-parehong mga anak mayayaman. Isa daw sa limang iyon ang anak ng may-ari ng school na ito.

Actually hindi ko pa sila nakikita. Wala din naman akong balak na makita sila kasi busy din ako sa buhay. I work at night and I come here to study at day time.

Second year college na ako ngayon at naninirahan mag-isa sa bago kong bahay na nilipatan malapit lang sa school na ito.

Private naman ang school na ito kung kaya't halos lahat mapepera ang mga nag-aaral dito. Ang hindi ko lang maintindihan ay 'yong sikat daw na grupo ng mga lalaki dito ay tinatawag nilang The Five Gods. Hmfff...hindi ko na napigilan at napahalakhak ako mag-isa.

What a strange group name right?

"Tch! Crazy."

"Tss! may baliw dito sa school."

"Weird."

Nasa hallway ako nang mapansin kong ako pala ang pinag-uusapan ng mga nakakakita sa akin na humalakhak mag-isa.

Inayos ko ang necktie ko at inayos-ayos ang buhok ko tapos tumikhim. I am a loner type of person. Hindi ako mahilig makipag socialize sa mga tao lalo na sa mga ka-klase ko. Bakit?

Kasi sanay akong mag-isa...

I was just 12 years old when my parents died...in front of me. May mga grupo ng mga lalaki ang nang ambush sa bahay namin.

And I am the only person who survived. 'Yon ay dahil, napilitan akong lumaban at gamitin ang kakayahan kong bumaril. The only thing that I regret the most is when I can't even save my parents that time because I had the fever, my body was too weak and I was still so young.

Hinasa ko ang kakayahan kong makipaglaban after my parents died lalo na ang pagiging sharpshooter ko. I am using my parents wealth from then, until now. Pero nagtratrabaho parin ako sa gabi for just 4 hours. Wala lang...just to kill time.

Hirap din ako makatulog ever since that ambush. I have an insomia. So I take pills para lang makatulog sa gabi.

Naka higa ako sa upuan sa gilid ng basketball court habang nakapikit ang aking mga mata. Hapon na kaya't medyo mahangin na dito. Isang subject nalang ang hinihintay ko bago mag uwian pero dahil maagang tinapos ni Mrs. Cruz ang klase niya ng isang oras dahil daw emergency, ay naisipan ko munang magpunta dito at makalayo sa karamihan.

Wala pa namang tao ngayon dito kaya't minabuti ko munang mag-isa dito at namnamin ang preskong ihip ng hangin.

Naramdaman kong may nakatitig sa akin so I slowly opened my eyes.

Shit! Am I dreaming?

Ipinikit ko ulit ang mga mata ko at 'tsaka ibinukas. Pumikit ulit at ibinukas.

"Shit!" Sabi ko.

Napabangon ako bigla sa kinahihigaan ko at inayos ang palda at blouse ko. Dinampot ko ang bag ko at iniwan ang lalaking  nakatitig sa akin kanina.

Ngayon ko lang siya nakita sa school na 'to. Isang lalaking almond shaped eyes, sakto lang ang tangos ng ilong. Parang may lahing koreano at medyo pinkish ang lips. Maputi siya at matangkad at higit pa doon, inosente ang mukha niya.

Miss Sharp Shooter (Completed)Where stories live. Discover now