"What am I-- teka ano bang ginagawa mo?!" Nagulat ako ng buhatin niya ako in a bridal style.

Our eyes met, "My goodness namern Teri-boom. Can't you see that baka madulas ka ditey? Grabe, you're so mabigat ha." Sabi niya at naglakad papunta sa labas ng cementery kung saan nakaparada ang kotse.

Habang naglalakad siya nakatingin lang ako sa mukha niya. Ewan, baka naa-appreciate ko kagwapuhan. Eww!

"Can you stop titig on my beautiful face Teri-boom? Baka lamunin ka nang insecurities mo. Alam mo namern na mas gorgeous aketch." Sabi niya habang diretsong nakatingin sa daan.

Binabawi ko na ang sinasabi ko. He's too full of himself! Batukan ko kaya siya nang makita niya hinahanap niya.

Pinisil ko ang matangos niyang ilong. It became knitted at hinuli ng bibig niya ang kamay ko at kinagat 'yon.

"What was that?!" Sabi ko.

Ang sakit n'on ha. Kung hindi ko lang siguro hawak ang payong at hindi kami parehong mababasa, siguradong sinabunutan ko na siya hanggang makalbo.

"Haler. Ikaw kaya nag-start d'yan." Tumaas pa ang kilay niya.

Nang makarating kami kung nasaan ang kotse niya ay tumigil siya sa pinto ng passenger seat. Binaba na niya ako at binuksan ko naman ang pinto para makapasok.

"Teka. Pano yung kotse ko?" Tanong ko. Nasa kanya na ang payong at pupunta na sana siya sa may driver seat.

"Dunno."

"Anong dunno ka dyan? Baka ma-tow 'yon!"

"Erkey. Hindi ko talaga alam."

"Doon na lang ako sasakay," kukunin ko na sana ang payong sa kanya but he suddenly close the door and walk into the driver's seat.

"Hoy baklang sirena ka! Gusto mo bang maputulan ako ng kamay?!" Bulyaw ko sa kanya ng makapasok na siya sa loob.

Nagsimula na siyang paandarin ang kotse niya at hindi man lang ako pinansin.

"Hoy!"

"Baken ba?"

"Gusto mo bang mapulan ako ng kamay?!"

"Uhm erkey sowry namern. Tommorrow ko na lungs kunin ang car mo."

Napatingin naman ako sa putikan kong dress at puting white sneakers. Medyo basa din ito. Nice! Mukha akong lumublob sa putik nito.

"Sirenang Kloeff may extra clothes ka ba dito?" Tanong ko sa kanya na abala sa pagdadrive.

Tumango siya habang nakatingin sa basang kalsada. Medyo humina na din ang ulan.

"Saan ba?"

"Nandyern sa bag ko Teri-boom."

"Sa tingin mo makikita ko. Ihinto mo muna kasi," inis na sabi ko. Sampalin ko 'to 'e.

"Erm sabi ko nga diba. Baken ba ang init ng ulo mo? Kanina lang nag ala-waterfalls ka dyern." Inihinto niya ang kotse sa tabing kalsada. Kinuha niya ang gym bag niya sa back seat at inabot sa'kin.

"Magpalit ka na. Bilis," sabi nito.

"Sigurado ka?"

"Uhm," napatigil siya sa sinabi niya at napaubo. Namula din ang tenga niya. Nagulat naman ako nang biglang niyang pinaandar ang kotse.

"Gorabels na lungs tayo sa mall. Doon ka na magchange outfit."

***

Nandito na kami sa mall at inantay niya ako sa labas ng washroom. Kung hindi ko lang kilala ang sirenang 'yon, sigurado akong nag-aabang lang yun ng mga lalake sa labas.

Lumabas ako ng cubicle matapos magbihis. Lumapit ako sa sink ay kinuha sa wrist ko ang isang hair tie. Tinali ko ang buhok ko into a ponytail. Kumuha muna ako ng tissue na malapit sa sink at pinunasan ang maputik kong sapatos. Bumalik pa ako sa cubicle para lang hindi maipit ang tyan ko sa pagpupunas.

Pinahiram ako ni sirena ng hoodie jacket at trackpants niya na malaki ang size para sa'kin. Hinigpitan ko string na nasa waist nang trackpants pero hindi ganoon kahigpit dahil sa tyan ko. Naiinis din ako dahil nakatago sa sleeves ng hoodie ang mga kamay ko.

Lumabas na ako sa ladies washroom. Naningkit ang mata ko nang makita ko ang sirena na nakasilip sa entrance ng men's washroom.

"Boo!" Sigaw ko sa tenga niya. Halos mahimatay naman siya dahil sa gulat. Nakahawak sa dibdib niya naman niya in a maarte way habang nanlalaki ang mga mata.

"Ano ka ba naman?!" Sigaw niya at inalis ang sarili niyang gay language.

Inabot ko sa kanya ang bag niya kung saan ko nilagay ang white dress ko. Agad niya naman itong kinuha at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Problema mo?" Inis na sabi ko sa kanya at nag-iwas ng tingin.

"Waley namern. Ay waits pala," naningkit ang mga mata niya na para bang may nakita sa'kin.

Biglang siyang lumapit sa'kin kaya napaatras ako. "Stay still."

"Bakit ba?!" Sigaw ko. Hindi ko kasi maintindihan ang ginagawa ng sirenang 'to.

Nagulat ako ng hilahin niya ang collar ng hoodie and he pushed it upward na para bang may tinakpan. Matapos n'on ay niyakap ko ang sarili kong katawan.

"Ano bang kasing ginagawa mo?" Sabi ko sa mababang boses pero may diin.

Napataas naman ang kilay niya at sinukbit sa balikat ang bag. "Waley. Gorabels na tayo." At naglakad siya kaya naman sumunod ako.

"Saan naman, kung kagaguhan-"

"Shopping tayo ng clothes ni junakis," napatigil naman ako sa sinabi niya at nang mapansin niyang hindi ako nakasunod ay huminto siya at tinignan ako habang nakataas ang kilay.

"Teri-boom anong drama ba yern? Wala tayo sa music video para huminto-hinto ka dyern. Ang gorgeous na kagaya ko, hindi pinaghihintay," sabi niya. Siya na mismo ang lumapit sa'kin at hinawakan ang kamay ko hanggang sa mahila sa isang store.

Kanina pa kami paikot-ikot dito sa store. Kung anong matipuhan niya nilalagay niya sa tulak niyang cart tapos kung ano nilalagay ko inaalis niya.

"Ano ba?! Sabing mas okay 'to," inis na sabi ko sa kanya. Halos isulsul ko na sa mukha niya yung baby clothes na hawak ko. Pinagtitinginan na kami ng ibang tao dito sa loob pero hindi namin sila pinansin.

"The heck! Mas okay naman 'to 'no!" He showed me a pink baby pajama set.

"Bakit ba puro pink ang kinukuha mo? Hwag mong idamay sa pagiging sirena mo ang anak natin," I said.

"Arg! Whatever. Just put anything you want. Basta ang alam ko, its going to be a baby girl." Naglakad siya papunta sa mga baby drinking bottles kaya wala akong nagawa kundi ang sundan siya.

May ilan ding nakatingin sa kanya but I don't care! Agaw pansin naman kasi ang pulang buhok ng sirenang 'yon. Kala mo foreigner, assumera lang naman!

Dinampot na naman niya nang dinampot kung anong magustuhan niya. Pagkatapos n'on at pumunta na siya sa counter para bayaran lahat ng 'yon. Halos umapaw yung cart sa dami ng binili namin at halos lahat ng 'yon ay siya ang pumili.

"Saan ka namang pupuntang sirena ka?" Tanong ko sa kanya nang makalabas kami ng store.

May dala siyang dalawang malaking paper bag sa magkabilang kamay niya at bag sa balikat. Ako naman pinagdala niya lang ng isang paper bag kung saan nakalagay ang mga baby bottles at iba pang magagaan na bagay.

Napansin ko kung paano siya maglakad,hindi lambutin, hindi kagaya kapag kasama ko siya, hindi kagaya kapag kami lang.

"We'll buying your maternity clothes," sabi niya at nilingon ako.

Nangunot naman ang noo ko, "Oh tapos?"

"Are you dumb Teri-boom? Of course para sayo 'yon because your tummy is getting big and also..." tumigil siya at nilapit ang bibig sa tenga ko.

"...I'll use it sometimes," then he laugh in a manly and heartly way. Halos sumabog naman ang dibdib ko dahil sa tawa niyang 'yon.

What the! How can he use his gayness and also manlyness in the same time?

"Whatever."

Sweet MistakeWhere stories live. Discover now