Chapter Six

40 3 0
                                    

                  Blythe Hunter

Tuesday ngayon at papasok ako sa trabaho. Hindi ko nagawang makapasok kahapon dahil sa pag-inom namin ng wine at sa puyat na rin. Sa condo kami ni Simi natulog dahil tinamad na akong maglakad papunta sa condo ko at ganon din naman si Lali.

Naligo na ako at nagblower ako ng buhok. Naglagay ng tint sa lips at cheek. Naghanap na rin ako sa closet ko ng maiisusuot.

Biglang nagring ang phone ko at lumitaw ang 'Dad' sa caller. Kaya sinagot ko ito.

"Hi sweetheart. How's life?" Sabi ni dad sa kabilang linya.

"Its fine. Kamusta kayo d'yan?" I asked habang sinusuot ang skirt ko na umaabot hanggang sa kalahati ng binti ko. Hindi ito fit kundi flowy.

"Mabuti naman. Gusto mo bang dalawin ka namin?" Tanong ni Dad

"No need, Dad. Baka nakakaabala pa ako sa inyo," walang gana kong sagot at sinuot ang blouse ko na may ruffles sa dulo ng sleeves.

"Blythe," Dad said with a warning tone.

"I love you, Dad. Bye." At in-end call ko na.

Gaya ng sabi ko noon, they're currently at France at don na sila tumitira ng asawa nya. Okay lang naman sa'kin basta masaya si Dad. Madalas din naman nila akong dinadalaw sa Pilipinas kapag namimiss na nila ako or kung may mahaba silang free time.

Lali peep her head in my bedrooms' door. "Can you cook soup for us. Please?" She asked.

"Sige. Tapusin ko lang ang pagbibihis ko, lasinggera." Sabay tawa ko. Tumawa din naman siya at bumalik na sa kusina.

Matapos kong mag-ayos ng sarili ay kinuha ko na ang shoulder bag, car keys at company ID ko. Lumabas na ako para pagluto ng soup ang dalawang lasinggerang 'yon.

Kahapon kasi ay uminom sila sa condo ni Simi pero hindi na ako sumama dahil hindi naging maganda ang pakiramdam ko.

I rolled up my sleeves at nagsimulang ihanda ang ingredients. Matapos n'on ay nagsimula na akong magluto. After twenty minutes naluto ko na ang corn soup para sa kanilang dalawa.

Tinawag ko na sila at mabilis silang nakaupo sa upuan.

Hawak ko ang dalawang bowl na naglalaman ng corn soup. "Siguraduhin n'yong malinis ang unit ko. Kung hindi wala na kayong makakain dito," paalala ko sa kanila at nilapag ang bowl sa harap ng mga 'to.

"Geez. I know. Umalis ka nga at baka malate ka pa sa trabaho mo," sabi ni Lali at mahina akong tinulak kaya no choice ako.

Nakakahiya naman sa'kin 'no?

Bago pa man ako makalabas ng kusina ay napahawak ako sa may pinto. Nakaramdam ako ng pagkahilo.

Agad namang lumapit sina Simi sa'kin ng mapansin ako. Rumehistro sa mukha nila ang pag-aalala.

"You alright?" Tanong ni Simi at hinawakan ang kamay ko.

Inalis ko ang kamay niya sa'kin at tumayo ng maayos. "Yeah. Kailangan ko ng pumasok. Remember what I've said," tuluyan na akong lumabas ng condo.

Habang papunta ako sa company ay hindi ko maiwasang hindi huminto saglit dahil nararamdaman ko ang pagkahilo. Hindi ko alam kung bakit or apekto lang ng alcohol.

Gaya ng nakasanayan ay sinasalubong ako ng mga bati at ngiti ng mga co-workers ko but I can't dahil hindi ko talaga mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.

Nang makapasok ako sa office ko ay pinatong ko sa aking table ang pisngi ko at pinikit ang aking mata.

Damn. Ano bang nangyayari sa'kin? Lately nagiging mahihiluhin ako and also sometimes I'm about to throw up pero wala naman pala.

Sweet MistakeWhere stories live. Discover now