Chapter Thirteen

35 2 0
                                    

Blythe Hunter

Ngayong araw gaganapin ang launching ng new collection ng company. Nakahanda na lahat ng stage, models at mga seats para sa mga clients.

Lahat ng workers sa company ay obligado na suotin ang mga items at damit na kasama sa collection. Gaya ko na lamang na suot ang isang white flowy skirt na umaabot sa kalahati ng binti ko ang haba. Mayroon itong mga ruffles na may ilang pagitan sa isa't-isa. My top is the bandana but in white one. Sa ibabaw nito ay black leather jacket. I used my personally made black ankle boots na may two inches na heel.

"Ready na ba ang lahat?" Sigaw ni President Zera. She's standing on the flatform na may nakalatag na red carpet.

Napunta ang lahat ng atensyon sa kanya at huminto sa ginagawa. Halos lahat ay ayos na at ang pagpasok na lang ng mga clients ang inaantay.

Ngumiti siya ng malapad, "First of all, I would like to thank all of your hardworks. This company will never be succesful kung wala kayo. I can't do this on my own. Every night that we overworked, the hassle travels in location and our hectic schedule. Wala ang lahat ng 'yon if we are one. I'm really grateful to all of you. And please lang ha, walang pupuslit palabas mamaya." Natawa naman ang ilan sa huling linyang binitawan niya.

I felt the tear on my cheeks because of what she said. Ganon din naman ang ilan na nagpupunas ng namumuo nilang luha. Nag-bow siya sa unahan at bago siya umalis don ay ganon din ang ginawa namin.

Umangat ang tingin ko ng may panyong sumulpot sa harap ko. Nakita ko si Leo na nakatayo sa harapan ko habang nakalagay sa bulsa ang isa niyang kamay.

"Here. Punasan mo ang luha mo," he place the handkerchief on my hand.

"Thanks," I smiled. Ginantihan lang niya ako ng boyish grin niya at umalis.

Ilang sandali pa ay binuksan na ang gold double door at pumasok na ang mga bisita. Kapag nakita mo sila ay mahahalata mo pa lang na nakalapat na ang fashion sa kanila. Ang ilan ay asawa ng mga politician, some are from well-known family and celebrities.

Kumaway naman ako kay Lali at Simi ng pumasok sila. Nasa backstage ako samantalang sila ay kasama ng mga bisita. Binigyan kasi sila ng invitation ni Zera. Kumaway din ako kay Gin nang makita ko siya. Kasama niya ang younger sister niya na fan na fan ng fashion industry.

Nag-simula na ang fashion show at habang rumarampa ang mga modelo ay may nagsasabi ng information tungkol sa mga items na suot nila. Nakatanaw lang ako sa backstage at minsan ay tumutulong sa pag-aayos ng damit ng mga modelo.

"Yow," napalingon na lang ako nang may marinig akong mala-rapper na pagbati ni Kloeff.

Tumaas ang kilay ko ng lumapit ito sa'kin. "Ano na namang ginagawa mo ditong sirena ka?" Mataray na sabi ko sa kanya.

Tumawa lang ito at tumabi sa'kin. "Ang init na namern ng head mo Teri-boom. Baka namern pwede kang mag-chill 'no," sabi niya na kinaikot ng eyeballs ko.

"Nice outfit," kumento nito habang tinitignan ako.

Bigla namang nagusot ang noo niya. Nakatingin ito sa tyan ko na nakalabas dahil sa bandana.

"Problema mo?" Tanong ko dito.

Bigla na lang niyang hinila ang leather jacket na suot ko at ziniper niya ito hanggang sa ilalim ng dibdib ko.

"Ano bang ginagawa mo?" Inalis ko ang kamay niya sa zipper ng jacket ko. Hindi ba siya nahihiya sa ginagawa niya?

Tumingin siya sa mata ko at napalunok na lang ako ng sarili kong laway. "May bilbil ka," at mahina itong tumawa.

Sweet MistakeWhere stories live. Discover now