Chapter Fourteen

36 1 0
                                    

Blythe Hunter

"Hoy Teri, ayos ka lang?" Natauhan ako ng marinig ang boses ni Simi. Narinig kong tumawa silang dalawa ni Lali ng mapansing windang ako.

Paano ba naman kasi dahil sa sirenang 'yon. Hindi ata ako nakatulog kagabi dahil sa katangahang ginawa niya.

Pagkauwing pagkauwi ko ay nagpunta agad ako sa kwarto at hindi na nakapagpalit. Ginawa ko lang ay tumitig sa puting kisame. Hindi ko alam kung ilang oras kong ginawa 'yon hanggang sa makatulog ako.

"Mukha ba akong okay?" Mataray kong sabi sa kanila. Kinain ko ang cereals na nasa bowl ko. Nasa may living area ako habang nanunuod ng TV na hindi ko naman maintindihan ang palabas.

"Nagulat talaga ako sa ginawa mong 'yon. Kaya ayaw kitang ginagalit 'e," sabi ni Lali habang may kagat na energy bar. Tumawa naman si Simi at nakikain sa cereals ko.

"Halos lumuwa mga mata nila 'no. Ang epic. Dapat pala nag-video ako tapos post ko sa social media," sinamaan ko naman ng tingin si Simi dahil sa kalokohang ideya na naman niya.

"Kamusta na kaya ang mukha ni Kloeff? Siguradong ube-halaya ang kulay 'non." At tumawa ng pagkalakas-lakas si Simi hanggang sa masamid siya.

Buti nga.

Gumana na lang kasi bigla ang reflexes ko kaya ko siya nasuntok. Hindi naman talaga ako ganoong tao pero mabuti na lang at naipasok ako ni Mom n'on sa isang self-defense afterschool activities. Bata pa lang ako nang turuan ako ng self-defense. Pinapili nila ako kung anong gusto ko and I said boxing. Mas gusto ko kasi 'yon dahil kamao lang ang gamit. Ang ibang martial arts ay mahirap dahil madalas akong nakasuot ng palda at masisilipan pa ako ng wala sa oras.

"Hindi ko na matandaan kung kelan ka huling nakasuntok," kumento ni Lali.

Pumunta na lang ako sa kusina para linisin ang bowl na pinaglagyan ko ng cereal pati na rin ang kutsara.

Biglang namang sumulpot ang sirenang 'yon sa isip ko. Siguro kailangan ko ding mag-sorry sa pagsuntok ko sa mukha niya. Hay nako talaga. Hindi lang suntok ang aabutin niya kapag naulit 'yon.

Sinabi din sa'kin ni Lali na hinatid nila si Kloeff bago sila umuwi. Mga abno! Halos isang tambling lang ang layo ng pinto ko sa kanya 'e!

Matapos kong hugasan ang pinagkainan ko ay naglakad ako papunta sa kwarto. Gusto kong maligo pagkatapos ay matulog. Wala akong balak pumasok ngayon dahil ilang araw din akong walang absent dahil sa pag-aasikaso ng launching kahapon.

Matapos kong maligo ay nag-blow dry ako ng buhok ko at humilata sa kama.

"Teri aalis na kami! May work pa ako," rinig kong sabi ni Simi.

"Take care. I-lock n'yo ang pinto ha!" Bilin ko sa kanila at narining ko ang pagbukas-sara ng pinto.

Napabuntong hininga na lang ako at tumitig sa kisame.

Ganon ba kamanyak ang mga sirenang kagaya niya? Lakas talaga ng loob n'on. Basagin ko yung pugad niya 'e.

Inis na umupo ako sa kama. Hindi kasi ako makaramdam ng antok at masakit sa mata ang hindi pagkurap. Tinignan ko ang wallclock sa kwarto. 10:37 am pa lamang at bagot na bagot ako dito.

Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig. Nakakainis talaga ang baklang 'yon. Ang hilig-hilig maglasing pero hindi kayang kontrolin ang sarili. Kaya napunta kami sa sitwasyong 'to 'e.

"Ay! Bwisit talaga," padabog akong lumabas ng unit at nagpunta sa katapat na unit ng sa'kin. Huminga muna ako ng malalim bago i-enter ang passcode.

Sinabi niya sa'kin passcode dahil condo naman namin 'to. Hindi pa rin ako sanay na sabihing samin ang unit na 'to. Hindi naman ako madalas dito. Napupunta lang ako dito kapag pinepeste niya ako.

Sweet MistakeWhere stories live. Discover now