Chapter Ten

46 2 4
                                    

Blythe Hunter

"Miss Hunter?" Nabalik ang atensyon ko sa mga ka-team ko ng tawagin nila ako.

"Yes?" Nine kami ngayon sa conference room at lahat sila ay under ng designing team.

"We're asking kung sino ang magche-check ng mga materials for the items, whose going?"

"Uhm-oh. Who wants to volunteer?" balik kong tanong sa kanila. Wala na naman ako sa sarili ko ngayon dahil sa sirenang Kloeff na 'yon.

Matapos ng pag-uusap namin kahapon ay  sinabi niya na may pupuntahan kami. Hindi ko naman alam kung saan pero kinakabahan ako. I dunno' why basta kinakabahan ako. Susunduin n'ya ako pagkatapos ng work ko.

Three persons raised their hands kaya sila na ang in-assign.

"Okay! Let's wrapped up," sabi ko at pumalakpak. Nag-umpisa na silang mag-ligpit ng mga gamit nila at isa-isang lumabas ng conference room.

Pagkalabas nila ay nagpahuli na ako. Nag punta ako sa second floor which is the area para sa cafeteria para bumili ng pagkain, I feel hungry.

I ordered a strawberry muffin, a slice of velvet cake and milky frappe. Puwesto ako malapit sa transparent glass na haligi ng cafeteria. May iilan ding empleyado na ine-enjoy ang pagkain dito sa cafeteria.

Makikita sa labas ang pagdaan ng mga tao sa sidewalk at ang mahinang pag-usad ng mga sasakyan. Maaliwalas din ang unahang bahagi ng building dahil sa mala-garden na set-up nito at mga ilang nakatanim na puno.

Bumalik na ako sa pagkain ko. Two o'clock pa lang ng hapon at mamayang five o'clock ang tapos ng work ko.

Humanda talaga sa'kin ang sirenang 'yon kapag kung saan niya lang ako dadalhin. Dapat talaga hindi ako papayag pero kinukulit niya ako at naririndi ako sa kanya kaya ayon, pumayag na ako. Baka ikamatay niya pa, kawawa naman ang baby ko kapag nagkataon.

Napapikit na lang ako ng malasahan ko ang natutunaw ng texture ng velvet cake sa bibig ko. It's a delicacy!

Isusubo ko na sana ang kutsara na naglalaman ng velvet cake pero may umagaw n'on. Nagusot naman ang noo ko at inangat ang aking tingin sa gumawa n'on.

Nagsalubong ang kilay ko ng makita ang mukha ng sirena na malapad ang ngiti. Umupo ito sa katapat na upuan nang sa'kin.

"Is that Miss Hunter's boyfriend?"

"Ang hot niya. Kyah!"

"True. Bagay sila."

Hindi talaga maiiwasan ang mga chismosa sa paligid. Hinayaan ko na lang sila.

"Ang hilig mo talagang kunin ang sa akin 'no?" Inis na sabi ko at inagaw sa kanya ang kutsara. Lalo namang lumawak ang ngiti sa labi niya.

"Nuh-uh. Whats yours is mine. Duh!" Kukunin niya sana ang isang muffin na nasa pinggan pero hinampas ko ang malantik niyang kamay.

"Ouch namern." Sabi niya habang minamasahe ang kamay niya.

"At sinong may sabi?" Nakataas kong kilay at sumubo ng velvet cake.

Mang-aagaw talaga ang sirenang 'to 'e. He always using my skin care products, grabbing the food I'm about to eat at pati ang ilang mga damit ko, sinusuot niya! May ilang nasira d'on na kinainis ko talaga sa kanya.

"My gorgeous self," proud pa nitong sabi at napaatras ako ng mag-lean forward siya sa'kin. Tinuon niya ang kanang kamay sa table at ang kaliwang kamay ay ginamit para punasan ang gilid ng labi ko.

He licked his thumb finger na pinampunas niya sa gilid ng labi ko, ginawa niya pa 'yon sa harap ko!

Bading ba talaga siya o pinaglalaruan niya talaga ako!?

Sweet MistakeKde žijí příběhy. Začni objevovat