Chapter Fifteen

31 1 0
                                    

Blythe Hunter

Thursday. Kasama ko ngayon si Gin sa isang mall. Nagpasama ako sa kanya dahil may kailangan akong bilhin. Ang dahilan kung bakit siya, busy yung tatlong bruha. Si Lali may out-of-town work na naman kasama si Glibert, edi wow diba. Si Simi naman kasama si Wilson, nagbakasyon, mga mapera sila 'e. Si sirena, ayon busy daw sa work niya. Pake ko ba sa bading na 'yon?

"Hunter saan ka ba pupunta? Kanina pa tayo nandito?" Inip na sabi ni Gin habang naglalakad kami.

"Gusto mo sapakin kita, Giovanni? May hinahanap ako," inis na sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya dahil sa reaction ko.

"Nandito naman ako, iba pa ang hinahanap mo."

"May sinasabi ka?" Agad siyang umiling habang nakataas ang dalawang kamay.

Nilibot kong muli ang mata. Nasan na ba kasi ang store na 'yon?! Nanggigigil na ako ha.

"There!" Hinila ko si Gin sa kamay niya at sumunod naman siya sa'kin.

Papasok na sana ako sa loob pero hinila ni Gin ang braso ko habang magkasalubong ang kilay niya. "The heck are we doing there?" Tanong niya.

"Uhm may titingnan lang ako. Let's go!" Tuluyan ko na siyang hinila sa loob.

Sinalubong naman kami ng mga saleslady at ilang mga costumers. Halos lahat sila ay mga kasama.

Hindi naman talaga dito ang punta ko pero hinahanap ng mga mata ko, so dito muna ang bagsak namin.

Naglakad ako sa mga babies clothes. Ang liliit ng mga damit! Ang cute.

"Are you gonna' buy that? Ano bang trip mo Hunter?" Sabi sa'kin ni Gin na nasa tabi ko.

Hawak ko ang isang baby gloves. Sobrang lambot at liit nito. May maliit na embroidery ng cute pig's head. Hinaplos ang ito at hindi ko mapigilang matuwa.

"Aish! Can you zip your mouth, Giovanni? Palibhasa you don't have a girlfriend kaya ang daldal mo na." Inis na sabi ko sa kanya at tumingin sa mga mata niya. Kanina pa pala niya akong tinitignan.

"Ano namang connect ng pagiging single ko dito? Kung sana napapansin ako ng taong gusto ko, edi sana meron. Tch," naglakad siya sa mga baby bottle area. Ano namang problema n'on? Masyadong malalim ang hugot niya ha.

Pumunta na ako sa counter at binayaran ang gloves. I'm so hooked in this. Ito ang unang gamit na binili ko para sa magiging baby ko. Dahil hindi pa naman kami sure kung boy or girl, hindi muna ako mamimili ng marami.

Sinalubong ako sa labas ni Gin. Napansin niyang hindi mabura sa mukha ko ang kanina pang ngiti. "Ganon ka ba kasaya dahil magkasama tayo?" Tanong niya.

Tumawa ako at mahinang sinuntok ang balikat niya, "Dream on." Sabi ko sa kanya at naglakad na kami.

"Gin punta tayo sa arcade. Bilis!" Mahina ko siyang tinulak at tumawa lang siya.

Nang makahinto kami sa may tapat ng arcade store ay mapapansin mo ang mga tao na mas nakababata sa'min. Busy sa paglalaro at ang ilan ay nakikipag-away pa dahil sa kinupit na naiwang coupon. Ang iba naman ay nakikipag-agawan kung sino ang mauunang maglaro.

Tumawa na lang ako at pumasok sa loob. Sumunod naman si Gin. Bumili ako ng tokens at dumiretso sa isang mini punching bag. Sinuot ko ang gloves at pinag-untog ito.

Huminga ako ng malalim. Humakbang ang isa paa ko at inilagay ang bigat sa mga bewang ko. Buong lakas kong pinatama sa punching bag ang kamao ko. Halos mapasigaw ako ng nakuha ko ang bagong high score.

"Oh yes!" Tinaas ko ang mga kamay ko sa ere at nag-victory dance.

"Ang saya mo naman masyado. Let me try," sabi ni Gin na kanina pa pala nasa likuran ko.

Sweet MistakeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant