Chapter Twelve

40 2 1
                                    

Blythe Hunter

Nag-luluto ako ng breakfast para sa'kin at sa mga baliw na nag-aantay sa lamesa.

"Matagal pa ba 'yan, Hunter?" Naiinip na sabi ni Lali. Nanggigigil ako sa kanila.

Nilingon ko siya habang hawak ang sandok, "Gusto mong ihampas ko 'to sayo, Laylalith? Kayo na nga lang 'tong nakikikain 'e."

"Sabi ko nga," kinagat niya ang kutsara. Halatang gutom na gutom na siya. Mga tamad kasi kaya 'yan ang napapala.

Bumalik na ako sa pagluluto ko. Mamaya ay maliligo na ako para pumasok na sa trabaho. Ngayon kasi gaganapin ang photoshoot. Minsan sumasama ako sa photoshoot para maki-chismis lang pero sa studio lang. Hindi ko hilig sumama sa may mga location dahil hassle sa byahe.

"Teka. Nakaround two ba kayo ni Kloeff kagabi? Nice! Kambal na yan!" Pumapalakpak na sabi ni Simi. Sinamaan ko siya ng tingin at natahimik ito. Takot lang n'ya na hindi ko siya pakainin dito.

"Ewwy! Simibels kinikilabutan ang beauty ko sayo. Yuck!" Sabi ni sirenang Kloeff. Isa pa 'tong palamunin ko. Sinasabi ko na nga ba't walang sense ang pagbili niya ng unit na nasa katapat ng sa'kin. Laging dito ang bagsak niya.

Padabog kong inilagay ang sinigang sa lamesa. Natapon pa ang kaunting sabaw nito. Tumingin ako kay Kloeff na nakatingin naman sa sinigang.

"Mas kinikilabutan ako kesa sa'yo!" At umupo na ako sa tabi ni Lali. Minsan mas okay katabi si Lali kesa kay Simi. May pagkatahimik kasi siya minsan at hindi ganoon kadaldal.

"Bilisan n'yong kumain. At ikaw sirena ka dahil palamunin na din kita, ikaw ang maghugas nitong mga pinggan. Maaga akong aalis," sabi ko at kumain na.

Napataas naman ang kilay niya. Akmang isusubo ang hotdog na nakatusok sa tinidor. "It's a no no no, Teri-boom. Masisira ang pretty hands ko! May work din ako ngayern." At sumubo na nga siya.

"Himala ata ang sinasabi mong sirena ka. Kelan pa naging productive ang buhay mo?" Tanong ko dito at nagkibit balikat siya. Sapakin ko siya 'e.

"Ako na lang ang maglilinis. Mukhang pareho kayong busy pero may bayad 'yon ha," sabi ni Lali.

"O'sige may bayad. H'wag ka ng kakain dito ha," sabi ko at dinukdok ang kanin na nasa mangkok.

Humawak siya sa braso ko at nag puppy eyes. "Wala namang ganyanan. Sige libre na lang."

"Dapat lang!"

***

Nandito na ako ngayon sa studio para sa gaganaping photoshoot. Nandito din si Lali dahil isa siyang professional photographer. Siya ang kinuha ni President Zera dahil kilala niya din ito at dahil na din sa photography skills n'ya.

"We're starting in three minutes!" Sigaw ng kasama ni Lali. Nakabihis na ang ilan sa mga model ng mga items na ila-launch namin. Ang ilan ay inaayusan na akma para sa items.

Nakaready na ang set at mga gamit para sa pictorial.

Lumapit sa'kin si Zera. Nakatingin lang ako sa set habang nag-uumpisa na ang photoshoot. Mahina niyang siniko ang tagiliran ko.

"Gusto mo bang maki-join sa kanila?" Napalingon naman ako sa sinabi niya. Nakatingin lang siya sa model na kinukunan ngayon ng litrato.

"Pinagsasabi mo d'yan?" Sabi ko sa kanya at muling tumingin sa set.

"Gaga ka talaga. Tinatanong nga kita kung gusto mong maging model ngayon? Maganda naman ang physique mo at maganda ka rin. Sulitin mo na habang hindi pa malaki ang tummy mo," natawa naman ako sa sinabi niya.

"Out of nowhere?" Nakatingin lang kami pareho sa modelo.

"Wala. Gusto ko lang tsaka creation mo naman ang gagamitin mo pero ako ang pipili. May dagdag rin sa salary mo. Sige ka. Ikaw lang ang in-offer-an ko nito."

Sweet MistakeWhere stories live. Discover now