Chapter Seven

39 1 0
                                    

                Blythe Hunter

"Why did you do that?" Sa isang minuto niyang pagkakatulala ngayon lang siya nakarecover sa ginawa ko.

Tumawa lang ako at nagsalubong na naman ang kilay niya.

"What so funny? Hindi-"

Pinutol ko ang sinabi niya. "I'm pregnant." Diretsong sabi ko na kinatigil niya, ulit.

Nawala ang aura ng pagiging isang sirena niya at blangko niya akong tinignan. Tumayo siya ng ayos at bumalik ata ang pagkalalake niya.

"Are you kidding me?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Same reaction, dude. Same.

"Do I look like?" Sinabayan ko ang pagiging wala niyang emosyon. Kala mo ikaw lang ha.

"I'm serious." Napahilamos pa ito sa kanyang mukha habang nakalagay sa bewang ang isang kamay. Hindi siya nagmukang malambot sa halip ay naging manly ito sa paningin ko.

"I'm serious too."

"Fuck!" Nagulat ako dahil sa pagsigaw at pagmumura niya.

"Hindi ako nakikipagbiruan!" Napaatras ako ng sigawan niya ako. His eyes is full of rage.

"Hah." Huminga ako ng malalim at kinuha ang PT na nagbigay katotohanan ng lahat sa bulsa ng hospital gown ko at hinagis 'yon sa kanya.

"Am I a joke?" Mapakla kong sabi. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Naramdaman ko na lamang ang mainit na likidong nagmumula sa mata ko.

Tinignan ko siya habang hawak ang PT. Nakatitig lang siya dito at hindi makapaniwala sa nakikita niya. Muli sinalubong ng mga maiitim niya mata ang mata ko.

"Totoo ba 'yan?" Binalik niya sa'kin ang PT. Siguro nandiri kasi naman diba nilagyan ko ng urine ko 'yon. Kita ko pang ipinunas niya sa pantalon niya ang kamay niya. Ang arte talaga 'e.

Pinunasan ko ang mga mata ko. "Ano namang makukuha ko sa'yo kapag niloko o nagsinungaling ako? At hindi kita pagkakaabalahan ng ganito. H'wag kang assuming."

"Nooo! Paano!?" Hinawakan n'ya ang magkabilang balikat ko pero ingat na ingat siya.

"Gusto mong sagutin ko ang tanong mo?" Inosente kong sabi sa kanya. Natigilan naman ito at namula ang tenga ng ma-realize ang sinabi niya.

Cute.

"H-hwag na lang." Umiwas siya ng tingin. Oh my gosh! Bading ba talaga siya?

"Naiistress ang beauty ko sa'yo." Sabi niya at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.

Okay. Binabawi ko na yung tanong ko kanina. Bading talaga 'e.

"Unbelievable. Really." Sabi niya ulit.

Yung totoo parang saming dalawa siya pa ata yung nabuntis dahil sa reaction niya tapos parang ako ata ang lalaki.

"Sure ka ba talaga na ako?" Tinuro niya pa ang sarili ko at marahan akong tumango.

Napabuntong hininga na lang ako at akmang aalis na pero hinawakan niya ang wrist ko.

"Give me some time." I met his eyes. The picture of sincerity and begging.

"Okay," at matamis akong ngumiti. Hindi pa ata naintindihan ang sinabi ko dahil ilang beses siyang kumurap.

"Sabi ko, okay." Ulit ko pa. Bumitaw na siya sa'kin ako naman itong mabait at lumayo na muna sa kanya at bumalik sa kwarto ko.

Kung ayaw niya akong panagutan, walang kaso sa'kin pero hanggang maaari gusto kong bigyan ng buong pamilya ang magiging anak ko-namin. Ayoko namang ipagsiksikan ang sarili ko at ng magiging anak ko sa sirenang 'yon. Kaya ko siyang buhayin mag-isa at may kaibigan akong tutulong sa'kin kapag kailangan ko sila.

Sweet MistakeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant