Inangat ko ang ulo niya para malagyan ng unan at kinumutan ko siya. Hinayaan ko na lang siyang nasa sahig dahil may carpet namang nakalatag dito. Bigla na naman akong nainis nang may nakitang dumi sa carpet. Nakasuot pa kasi siya ng sapatos. Hinubad ko iyon at hinagis sa may pinto.

Huminga ako ng malamin at patagilid na humiga sa couch. Napatitig naman ako sa mukha niya at napangiwi nang makita ang pasa dito.

"Kasalanan mo 'yan."

Confirmed talaga,  isa siya sa mga manyak na sirena. Hindi ko naman nilalahat, okay?

Masasabi kong kahit isa siyang bading ay gwapo siya. Masyadong biniyayaan sa kagwapuhan 'e. Biniyayaan din siya ng matangkad na height at magandang pangangatawan but despite all of that ay napakaarte niya! Dinaig pa ako.

"Aish. Makatulog na nga lang," nagmartsa ako papunta sa kwarto ko at ni-lock 'yon.

Bago humiga sa kama ay pinatay ko muna ang ilaw at binuhay ang lampshade na nasa bedside table. Nagtalukbong ako ng kumot at hinayaan ang sarili na makatulog.

***

Nagising ako dahil sa malakas na tili. Tinakpan ko ang tenga ko gamit ang unan at nagtalukbong ng kumot. Napasabunot na lang ako sa buhok ko nang lalo itong lumakas.

Padabog kong binuksan ang pinto at pinuntahan si Kloeff sa may sala.

"Kyaaaah! Bakit nakabalandra ang gorgeous body ko ditey?! May ginawa kaba sa'kin? Hinalay mo ba ako?!" Sunod-sunod niyang sabi. Inalis ko ang tsinelas na suot ko at binato sa mukha niya. Sapul naman at lalong nagusot ang mukha niya.

Siya nga itong balak gawing kambal ang nabubuong bata sa tyan ko. Baka gusto niyang patayin ko nang tuluyan ang ibon niya?!

"Tumahimik ka nga! Ang aga-aga, sigaw ka ng sigaw d'yan," sigaw ko sa kanya.

Sinabunutan niya ang sarili niya at pinanuod ko lang siya. Parang baliw lang.

"Huhubels talaga. Baken namern kase masyadong naka-show ang aking gorgeous body ditey? Wala ka ba talagang alam? Like oh my gosh baken ang sakit ng fes ko?!" Hinawakan niya ang mukha niya na may pasa. Tumili siya ng maramdaman ang sakit.

"Lumayas ka na nga!" Sigaw ko sa kanya at tinulak ang likod niya hanggang sa makalabas ng pinto. Kahit hubad siya, wala akong pake!

Padabog kong sinarahan ang pinto at nagsalin ng tubig sa baso at ininom ito. Naupo ako sa isang silya.

"Nanggigigil talaga ako sa mukha niya. Bakit kasi hindi pa umuwi ang mga baliw na 'yon? Nakakasawa ang mukha ng sirenang 'yon at naririndi ako sa boses niya. Ang tinis tinis tapos ang sakit pa sa tenga," at muli kong tinungga ang baso ng tubig.

Tumayo ako at kumuha ng cereals sa taas ng aparador na nakadikit sa pader. Kumuha din ako ng bowl at kutsara sa tabi ng sink. Kumuha ako ng milk sa fridge. Naka-indian sit akong umupo sa silya at sinimulang pagsamahin ang cereals at gatas sa bowl.

Sumubo ako at bigla akong nasamid ng makitang nakaupo si Kloeff sa katapat kong upuan. Nakatingin siya sa cereals na kinakain ko. Hindi ko naramdaman ang presensiya n'ya dahil focus ako sa paghahalo ng cereals.

Pinukpok ko ng kutsara ang ulo niya, "Anong ginagawa mo dito?" Mataray kong sabi at muling kumain ng cereals.

Sinamaan niya naman ako ng tingin habang nakahawak sa ulo niya. May hawak din siyang ice bag sa kabila niyang kamay na nakalapat sa kanang pisngi niya. Hindi pala nagpasa ang kabilang pisngi niya. Sayang, libre blush din 'yon para sa kanya.

"Nagugutom aketch," lintana niya ay inagaw ang isusubo ko nang cereals.

"Oh tapos?"

"Pagluto mo ang beauty ko. Priviledge na 'yon diba?" Kinagat niya ang kutsara at hinila ko naman ito sa bibig niya.

"And so? Hindi mo ako katulong," hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain.

"Bakit ba mala-volcano ang ulo mo?"

"Wala ka na d'on," pero sa totoo lang meron dahil nanggigigil ako sa mukha niya.

"Tsk. By the way wala ka ba talagang alam sa nangyari sa fes ko? Majojombag ko talaga ang gumawa nito," sabi niya at napatigil naman ako sa pagkain.

Tinitigan ko siya, "Malay ko. Tanong mo d'on sa 'kaibigan' mo," walang gana kong sagot sa kanya.

Nagsalubong naman ang kilay niya at ibinaba ang ice bag na hawak niya. Napasandal ako sa upuan ng lumapit ang mukha niya sa'kin.

"Ano namern ang kinalaman niya ditey?! Siya ba ang may gawa ng pang jojombag sa gorgeous face ko?"

"Ewan," patay malisya kong sabi at nilagay sa sink ang pinagkainan ko.

Narinig ko ang pagpandyak ng paa niya sa sahig. "Gosh! Humanda talaga sa'kin ang nag-jombag ng fes ko."

Sumadal ako sa may fridge, humalukipkip at tumingin sa kanya. "You're so unbelievable," sabi ko sa kanya at kumunot naman ang noo niya.

"Whut?"

"Wala. Ang advice ko lang sayo, stop drinking too much. Malay mo napapaaway ka pala at baka mamaya hindi ka na magising," at natulala naman siya sa sinabi ko.

Sweet MistakeWhere stories live. Discover now