Chapter 46

29.3K 1.9K 135
                                    

Kung ayaw mong maghintay, buy ka ng ebook na naka-sale for now dito: preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/5063/GOH-Book-1-Davide-Castillejo---LIBB0624

FOR ANY QUESTIONS OR REQUEST FOR ASSISTANCE WHEN BUYING, PLEASE MESSAGE FACEBOOK.COM/PRECIOUSHOPONLINE

Kung ayaw mo naman, no problem basta't wait ka lang at 'wag demanding ng update.

Needless to say, don't read if you dislike the work or the writer. No one is forcing you to.

___

SALAMAT at alas-siete ang klase ni Agwee every other day, hindi na niya kailangang maabutan pa sa umaga si Davide. Ang sabihing masama ang kanyang loob sa lalaki ay kulang. Hindi niya maintindihan kung ano ang trip nito. Kahit sa paanong paraan niya isipin ay hindi niya ma-gets kung bakit kailangan nitong itodo ang pag-arte na okay sila noong nandoon si Mama Concha. Kahit ba sa kama, kung saan wala na ang lola nito, ay kailangan pa rin ng lalaking magpanggap? Sa sandaling wala na ang lola nito, agad-agad itong nagbagong-anyo. Ganoon lang kabilis. Hindi ba nito kayang subukan na huwag magpanggap? Hindi ba nito naisip na hindi siya nagpapanggap sa mga gabing magkasama sila?

Alam siguro nito, sadyang ayaw lang siyang totohanin. Gaano man kahirap tanggapin, iyon naman ang totoo. Puwes, sa pag-aaral niya ilalaan ang panahon. Ayaw na niyang isipin pa ang lalaki. Mas madami siyang kailangang gawin, mas madaming kailangang asikasuhin. Kung siya lang, okay sa kanya kahit hindi na umuwi sa bahay ni Davide. Ang problema, wala naman siyang ibang tutuluyan.

Sa bahay nila ng lalaki ay parang boarder lang ito. Sa pag-andar ng mga araw ay natuto siyang ituon ang atensiyon sa pag-aaral. Natuto siyang siguruhing hindi makikita si Davide dahil naiinis siya rito. Ayaw niya nang mainis. Ang gusto lang niya ay maging maayos ang pag-aaral dahil iyon na lang ang focus niya ngayon.

Ikatlong buwan niya sa eskuwela. Madami siyang sinalihang org. Wala siyang inaatrasang project. Natuto na din siyang maging semi-sosyal dahil mahirap maging hindi sosyal kung ang araw-araw niyang kausap at kasama ay mga shala. Mabilis ang pick-up niya kaya halos katulad na rin siya ng mga kasamahan sa pagsasalita.

Sa araw na iyon ay kailangan niyang um-attend ng meeting ng teatro. Nagpa-member siya doon dahil interesado siyang umarte-arte. Kahit noong high school, pangarap niyang mapasali sa dula. Hindi man siya artista ay puwede na kahit tagagawa ng props. Mayroon silang production. Siya ang isa sa pinakabagong miyembro at naka-assign sa production. Alas-sais ang meeting.

Mahusay ang facilitator ng grupo, isang teacher at artista rin. Alas-otso na ay hindi pa nangangalahati ang dapat pag-usapan. Tumunog ang kanyang phone at nakasulat sa screen ang pangalan ni Davide. Nagpaalam siya sa grupo at lumabas ng auditorium.

"Hello?"

"Where are you?"

"Nasa school pa ako."

"Hindi ko makontak si Manong."

"Nakontak mo naman ako. Ano ba 'yon? Sasabihin ko kay Manong." Nagtataka siya kung bakit parang mainit ang ulo ng lalaki. Isa pa, ano ang sasabihin nito sa driver niya? May sarili itong driver.

"I was just wondering why you're still at school. I mean, it's past eight in the evening."

"May kailangan ka ba?" Tumaas na ang mga kilay niya. Kahit kailan ay hindi nagtanong ang lalaki sa kanya kung anong oras siya makakauwi at ano rin ang pakialam nito? Nakikialam ba siya kahit na dalawang ulit na niyang naamoy ang polo ng lalaki na amoy-pabango ng babae? Tinigilan na niya ang pag-inspeksiyon sa mga damit nito dahil naiirita siya. Hindi siya guwardiya para bantayan ang isang asawang ayaw magtino.

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETEWhere stories live. Discover now