Chapter 11

42K 1.7K 184
                                    

"M-MAY PICTURE po ba kayo ni Davide?" tanong ni Agwee sa ama. Bakit ba noon lang niya naisipang itanong? Ah, masyado siyang na-stress sa buhay nitong nakaraang ilang linggo na nawala na sa isip niya. Naka-focus siya sa gagawin, hindi sa hitsura ng involved doon. Dahil kahit pagbali-baligtarin niya ang mundo, hindi mababago ng hitsura ni Davide ang kanyang kapasyahan para sa kinabukasan ng farm at ng mga tauhan noon, at ng sarili. Isang sakripisyo iyon na may garantisadong kapalit. Isang trabaho. Kung isa siyang GRO at may customer na susi para mapasakanya ang malaking halaga, magiging choosy pa ba siya kung ito ay mukha palang paa?

"Oh, I forgot to show you his photo. I don't have it on my phone but I think your sister—"

"Hindi na po bale," agaw niya, ayaw nang pabalikin sa eksena si Janet.

"I think he's here anyway. A car just pulled up. Don't worry, he's not a bad-looking chap."

Hindi bad-looking daw. So hindi chaka. Pero ano ba ang basehan ng pagkachaka? Kahit anong pagkaguwapo ay hindi pa rin naman madaling sikmurain na pakasalan sa ganoong sitwasyon. Siyempre, magkakaroon sila ng pisikal na relasyon, lalo na at naging malinaw ang kanyang ama na mahalaga ang isang anak.

Pakiramdam ni Agwee ay nakalutang siya sa kung saan, parang isang panaginip at hindi niya alam kung paano magigising. Alam niya sa likod ng isip na hindi magiging madali ang lahat, magkakaroon ng sex, ng pagsasama sa ilalim ng isang bubong, ng family events, at kung ano-ano pa, pero pinipilit niyang ilayo ang mga iyon sa isipan dahil kung hindi ay hindi niya magagawa ang lahat ng kailangang gawin para matuloy ang pagbawi ng farm. Panghihinaan siya ng loob kapag lahat ng bagay na iyon ay iisipin niya kaya minabuti niyang tumutok sa ngayon.

Sana lang hindi sadista ang kamote. Sabagay, kung ganoon man siya, hindi siguro ako ilalagay sa alanganin dahil na rin malaki ang nakasalalay. Sa pagkakaintindi niya ay malaking pera ang mabebenepisyo ng dalawang pamilya sa merger. Ang guarantee na magiging tagumpay iyon? Siya. Hindi masaklawan ng kanyang isip ang mga dahilan, pero ano ba ang ipinagkaiba noon sa mga taong nagpapakasal para sa pera? Wala. Ang kaibahan lang, siya ang ikakasal, pero ang kanyang "pamilya" ang magtatamasa ng benepisyo. Hindi rin iyon iniismiran ng mga tao, hindi tulad ng isang babaeng nagpakasal sa isang DOM, kung saan buong barangay ay nanlilibak. Iba talaga kapag mayaman ang gumagawa ng paraan, sarkastikong naisip niya.

Lumunok siya, hindi halos makahinga. Tumayo silang mag-ama at naghintay na pumasok ang mapapang-asawa niya sa pintuan. Mayamaya ay isang lalaki ang naglakad papasok, may bitbit na paper bags. Parang hinigit palabas ng lalamunan ang puso ni Agwee dahil mukhang kontrabida sa pelikula ni FPJ ang lalaki. Nangilabot siya. Paano niya magagawang sipingan ito?

Nakangiti ang lalaki at lumapit sa kanila, ibinaba ang mga paper bag sa sahig. Kulang sipain ito ni Agwee. Kaya pala naghanap ng asawa, walang magkakagusto siguro.

"Pababa na si Boss, Sir," anang lalaki. "May kausap lang sa phone."

Parang nakahinga nang maluwag si Agwee. Gusto niyang mainis. Pa-suspense masyado si Davide. Nai-imagine na niya ang hitsura nito. Malamang na payat, madaming tagihawat sa mukha, singkitin, oily. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang nai-imagine na hitsura ng lalaki, siguro ay dahil ang pinakamayamang taong kilala niya ay ang may-ari ng paupahang building sa probinsiya at ganoon ang hitsura ng buong pamilya, mula lolo, hanggang mga anak. Kaya naman nang may pumasok muli sa pintuan, isang lalaking malayong-malayong-malayo sa na-imagine niya, ay halos hindi niya nagawang makahinga.

Napapikit-pikit siya. Totoo ba ito? Teka, ito na ba talaga ang pakakasalan niya? Baka isa na naman itong tauhan o kung ano. Pero hindi magmumukhang tauhan ang lalaki dahil mukha itong boss. Boss na model na artista na sosyal masyado para maging totoong artista.

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETEOn viuen les histories. Descobreix ara