Chapter 36

35.4K 1.4K 101
                                    

"I never had any serious relationship."

Hindi niya iyon inasahan. Akala niya, kahit isa lang ay nagkaroon na ito. "Ibig mong sabihin, wala kang naging matagalang girlfriend? Wala ni isa?"

"None. I don't believe in that."

"Saan ka hindi naniniwala?"

"Sa idea na kailangang mailagay sa kahon ang dalawang tao. Kung gusto mong makasama ang isang tao, sabihin mo. But if you don't want to anymore, I doubt the other person would want to hold you back and make you miserable if he or she really loves you. Ayokong maging dahilan ako para hindi magawa ng iba ang gusto nila. Just because they made a commitment to me a long time ago."

Hindi agad nakasagot si Agwee dahil kahit kailan, hindi niya nakita ang relasyon sa ganoong paraan. Sa isang banda, may point ang lalaki pero sa kabila naman... "Pero paano kung willing naman ang partner mong pabayaan kang gawin ang gusto mo? Bakit kailangan mong pakawalan ang isang magandang bagay para lang magawa mo ang iba? Hindi ba puwedeng sabay?"

"I suppose in a lot of things, that's possible. Hell, even in relationships, I guess. Kung gusto nila na may iba, so be it."

Sinabi na ni Agwee sa sarili na hindi siya maiinis kay Davide, pero nakakainis ang mga sinasabi nito! Ayaw niyang i-relate sa sarili ang topic pero hindi niya maiwasan dahil parang ganoon naman ang kanilang relasyon. Talaga palang okay lang dito na magkaroon ng babae at parang lumalabas na okay din pala siyang magkaroon ng lalaki! Anong klaseng kabalbalan iyon?!

"So okay lang sa 'yo 'yon?"

"If it will make the person happy, why not? I've seen a few people do it."

"A few people? Hindi ako naniniwala."

"Dahil may social construct na nagsasabing isa lang ang dapat na partner."

"So okay lang sa 'yo kung magkasakit na kayong lahat dahil sa kalandian ninyo?"

"Of course, a part of the agreement is for everyone to practice safe sex. Some of the couples I know, well, I only know two, they seem very happy and fulfilled somehow. Ang katwiran nila, kung hindi nila kayang ibigay ang lahat ng gusto ng partner nila, bakit sila magagalit kung nakukuha ng partner nila ang kakulangan na 'yon sa iba. Walang pressure sa kanila na ibigay ang isang bagay na hindi nila kaya."

Parang sasabog ang utak ni Agwee sa teoryang iyon. So dahil mayroong bagay na hindi mabigay ang isang babae sa isang lalaki, okay lang na kunin iyon ng lalaki sa iba at walang problema sa babae? Iyon mismo ang sinabi niya kay Davide.

"Iyong isa kong kakilala, isa lang ang babae pero dalawa ang partners niya. Iyong isa naman, dalawang babae pero bi ang mga babae kaya walang particular na partner."

"Ha? Naguguluhan ako." Hindi niya talaga maintindihan ang sinasabi ng lalaki. Hindi matanggap ng isip niya ang konseptong kailangang makuha ng isang tao ang lahat ng gusto nito sa mundo kahit ilan pa ang makakapareha. Siguro, sa ibang kultura ay walang problema ang ganoon pero alam niyang kahit ang mga involved sa relasyon na iyon, kung siguro ay may pagpipilian ay mas gugustuhin ang maging only one, hindi one of many. Para bang sinasabi ni Davide na ayos lang dito talaga kahit na may iba siya at kailangan ding walang maging problema sa kanya kung magkaroon ito ng side bae. Actually, parang hindi pa nga "side bae" ang labanan dahil hindi naman side lang, kundi bahagi talaga ng buhay nito. Ang lalaki na rin mismo ang nagsabi na kung hindi kayang ibigay ng isang kapareha ang lahat ng gusto ng isa ay okay lang na kunin sa iba. Buhusan kaya niya ng holy water ang lalaki? Baka biglang sumilab!

"The concept is very simple, but not traditional, I guess. There are no pretentions. Honesty is the key. If you want something from someone else, and that person is willing to be a part of the group, then what's the problem?"

"Ah, naku, tigilan mo ako. Bakit kailangan pa ng ikatlo? Legal na third party."

"Or fourth."

"Yuck!"

Tumawa ito. "A lot of people don't agree to polyamory. But I personally don't see anything wrong with it."

"Maligo ka ng holy water."

Bigla itong humalakhak, pero hindi magawa ni Agwee ang matahimik. "'Yan talaga ang inisiip mo? Ibig mong sabihin, ipagpalagay nating may feelings tayo sa isa't isa, kapag nakahanap ako ng iba, okay lang sa 'yo?"

"Sure. As long as I don't see abuse in any way, shape, or form. Kung 'yon ang gusto mo, sino ako para pigilan ka?"

"Ikaw ang asawa!"

"At magiging asawa pa rin kaya ano ang problema? Hindi ko siya makita na subtraction, kundi addition siguro. The more, the merrier."

"So puro kabuktutan na ang gagawin ng lahat? I mean, pagdating sa sex."

"Consent, that's the most important thing. I personally don't like and will probably never engage in a threesome where two men and only one woman is involved."

"Ah, so kapag dalawang babae okay lang sa 'yo?"

"Sure."

"Siguro nagawa mo na!"

Tumawa lang ito, isang senyales na totoo ang hinala niya. Nanghina si Agwee. "Ibig mong sabihin, ganyan ka-open ang isip mo pagdating sa relationships?"

"I just don't believe that there should be rules. I don't believe in rules set by social construct. Sino ba ako para husgahan ang mga taong ginagawa lang kung ano ang makakapagpasaya sa kanila. It's their life, not mine."

"Pero kapag ikaw ang involved, okay lang sa 'yo?"

"Sure."

Napabuga siya, saka tumayo. "Siya, sige, hahanap ako ng agua bendita, ilalagay ko sa bathtub, para doon ka magbabad. Ipapag-pray over din kita."

Tumawa ang lalaki. "Oh, come on. We're merely talking about things."

"Nakakainis ang opinyon mo."

"Let's not talk about that anymore." Hinawakan nito ang kanyang kamay, saka siya bahagyang hinigit, dahilan para mapaupo siyang muli. "Tell me about your day. Tell me more about you. I want to get to know my wife."

Ngumiti ang lalaki, isang ngiting bukas at nag-aanyaya. Kumibot ang puso ni Aguida, hindi maiwasang mapatitig sa mga labi ng lalaki.

___

Vote, comment, share. Like my page on Facebook to show support: vanessachubby. Thanks.

PLEASE DON'T ASK FOR UPDATES. I WILL UPDATE WHEN ABLE.

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon