Chapter 45

32.3K 1.8K 242
                                    

Uy, babasa pa rin 'yan kahit gigil na gigil na sa writer. Pinintas-pintasan mo ang kuwento at ang writer pero tutok ka pa rin. Siya sige, kunwari nag-aabang ka ng "pasabog" sa "pangit" na istoryang "walang character development" na isinulat ng "animal" na writer na "masama ang ugali." Asar na asar ka na pala pero basa pa more? Hindi ka na hater niyan, SUPER FAN ka na! Paano na ang pride mo? Hahaha!

Seriously though, ang responsibilidad ko ay nagtatapos sa paninigurong I don't bastardize facts, nothing else. If I accidentally do though (bastardize facts), I usually apologize and correct it afterwards. That is the extent of my responsibility. What you understand from what I write is your problem, not mine.

If you dislike the writer and the story, please, don't make it difficult for yourself and STOP READING, FFS. Bakit ka nagbabasa kung ayaw mo at naiinis ka na pala at ako ang dapat magbitbit ng emosyon mo? If you can't handle your own feelings, and if my mere notes get you down, please, don't expect me to handle that for you. Parang hinainan ka ng pagkain at kinain mo, nadagdagan ang timbang mo, at ang naghain ang sisisihin mo. Napaka-irrational. Hindi ako isang jowa na dapat alagaan ang feelings MO sa notes KO sa SARILI KONG ISTORYA. LOL. WALA AKONG TIME I-BABY ANG MGA PABEBE. If you can't handle my notes, girl, you have bigger problems. Wattpad lang ito, paano pa sa real-life setting?

This is my story, my page, MY RULES. If you don't like it, bye, Felicia. You won't be missed.

*mic drop by the masamang ugaling writer* HAHAHA!  Belat!

----

PS: The support of my mababait readers is highly appreciated. Kayo naman talaga ang dahilan kaya hindi ko maiwan itong Wattpad kahit madalas eh talagang sobra nang toxic. Thanks again. ❤

___

Ebook can be purchased here: preciouspagesebookstore.com.ph/Product/Info/5063/GOH-Book-1-Davide-Castillejo---LIBB0624

If you don't want to buy, wait patiently and please don't ask for updates. Thanks.

___

"Good morning."

Nabigla si Agwee nang madama ang halik ng asawa sa ituktok ng ulo. Nang tumingala siya ay nakita ito. Itinukod ng lalaki ang mga kamay sa armrest, sa pagitan niya, saka siya hinagkan sa noo.

"How are you today?"

Halos hindi niya alam kung ano ang isasagot dahil biglang napuno ng kaligayahan ang kanyang puso. Kung malalaman lang siguro ni Davide na ang simpleng gesture na iyon ay langit na sa kanya. Alam niya naman na ginagawa lang iyon ng lalaki dahil nandoon pa rin ang lola nito, pero sa ngayon ay nasa loob pa ng silid nito ang matanda. Sila pa lang ang gising. Kailangan niyang maagang bumangon dahil unang araw ng klase. Kung ganito ba naman ang bawat umaga niya, matapos ang mainit na gabi, wala sigurong magiging problema.

"Okay naman. Ikaw?"

Pumuwesto ito sa tapat niya. Sa garden sila mag-aalmusal dahil iyon ang hiling ng lola nito. Naisip niyang mas maganda nga na sa garden sila nag-aalmusal, mas "one with nature" at maganda ring makita ang mga bulaklak sa umaga, lalo na kapag ang kanyang bulaklak ay nasiyahan nang nagdaang gabi. Char.

Sa tuwing maiisip niya ang nangyayari sa kanilang mag-asawa ay hindi maiwasan ni Agwee ang kiligin. Asawa na niya si Davide pero nakakakilig pa ring isipin ang mga kaganapan. May hinala siyang magbubuntis din siya sa lalong madaling panahon dahil mula nang may mangyari sa kanila nang walang alcohol ay parang naging simbolo iyon ng pagsira sa una nilang kasunduan.

"I'm feeling great. Your first day at school. Are you excited?"

"Medyo." Sa totoo lang ay hindi na niya masyadong naisip ang unang araw ng klase kundi ngayon na lang ulit umaga. Paano niya maiisip ang kahit na ano pa kung busy ang isip niya sa pagpapantasya sa asawa? Kung hindi man ito ang iniisip niya ay ang lola nito o ang kanilang sitwasyon.

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETEWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu