Chapter 18

36.7K 1.7K 118
                                    

To my new readers, please note that I don't like requests for updates. Kindly refrain from asking. I will update each story when I can. If a story is not getting updated, it's either I'm busy, sick, or annoyed that someone is always asking and asking and asking. May tinengga na akong kuwento dito dahil puro pa-update eh meron namang ebook na available sa PHR store. Good things come to those who wait. Salamat sa mababait kong readers. Sa mga hindi mabait, 'chura nyo. LOL.

___

PAGLINGON ni Agwee ay si Davide ang una niyang nakita. Para niyang nakita si Superman. Isang galit na galit na Superman. Titig na titig ito sa pulis. Saka niya napansin ang kasama nito, walang iba kundi ang gobernador ng probinsiya. Naka-pambahay pa ang gobernador, halatang hinatak lang mula sa pagpapahinga.

Mukhang sinapian ng takot ang pulis at ganoon na lang ang pagpapakumbaba nito sa gobernador. "Gob, sir, pasensiya na po."

Ni hindi alam ni Agwee kung paanong nakarating agad-agad si Davide sa probinsiya. Superman nga yata ito, lumipad papunta doon. Mas nakaka-intimidate ito kaysa sa gobernador na agad din niyang binati.

Ipinatawag ni Gov ang hepe na kadarating din lang. Sa huli, pinalabas ang lahat ng mga nag-rally at nangako ang gobernador, maging ang hepe, na iimbestigahan ang pangyayaring iyon at pananagutin ang lahat ng may sala. Kuntodo paghingi ng sorry kay Davide ang hepe.

Bago umalis ang gobernador ay sinabi nito kay Davide, "Ako na ang bahala, Davide. Please say hello to your father for me."

"Will do, Tito. Thank you for this. I owe you one."

Tinapik ng matanda ang balikat ni Davide. Naglakad na sila patungo sa sasakyan ng lalaki. Sumakay na sila doon. Sa unahan sumakay si Pipay, katabi ng driver ni Davide. Silang dalawa ng lalaki ang sa likod pumuwesto.

"Paano ka nakarating agad dito?" tanong niya.

"I was around the area. It's a lucky coincidence."

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Some business."

"Paano mo nakilala si Gov?"

"He's friends with my father. You are lucky indeed."

"Siguro nga—"

"Why the hell do you insist on being stubborn, Aguida? I told you not to do anything before I arrive and yet there you were, back into the lion's den, arguing with a man with a gun and three times bigger than you are. I can't wrap my mind around the reason why you would do such a thing!" Mukhang iritado ang lalaki. "If that isn't irresponsible and quite frankly, stupid."

"Ano bang malay kong darating ka agad?"

"I told you I was on my way!"

"Hindi mo naman sinabi na hindi ka manggagaling ng Maynila!"

"Still, you should've waited!"

"May mga bagay na hindi makakapaghintay."

"You're just stubborn. I have a feeling you're being difficult just because you can."

"Hindi lang kita sinunod, difficult na—"

"Shhh."

"Ikaw ang shhh!" angil niya.

Hindi na nagsalita ang lalaki, pero kapansin-pansin ang pamumula ng mukha nito, maging ang pagtapik sa tuhod na parang tinitimpi ang sarili. Hindi na lang din umimik si Aguida, lalo na at na-realize niyang nasa unahan ang driver at si Pipay na siguradong narinig ang kanilang argumento.

Ayaw niyang magbaba ng pride pero sa pagkakataong iyon ay kailangan. "S-salamat."

"What?" anang lalaki, kahit alam niyang narinig nito ang kanyang sinabi.

"Salamat," aniya, mahina pa rin.

"I'm sorry, I didn't hear that."

"Ano'ng gusto mo, lumuhod ako dito para pasalamatan ka?"

"Just as I thought."

Nakagat niya ang labi. Bakit ba masyado siyang asar? Bakit ba masyado siyang pikon? Kinalma niya ang sarili. Kailangan niyang matutong makisama kay Davide. Kung naiba-iba ito, sa asar siguro ay ni hindi siya tutulungan. Ewan, hindi na yata siya marunong kung paano magka-"jowa," 'ika nga ni Pipay. O baka talagang ganoon lang siya at kailangan niyang magtimpi. Hindi lahat ng kanyang naiisip o nararamdaman ay kailangang maiparating sa iba sa nakabibinging paraan.

Nang makarating sa bahay ay pinatuloy niya ang lalaki. Tahimik lang ito sa sala, halatang inis pa rin.

"Pipay, maghanda ka ng makakain." Tumingin siya kay Davide. "Kumakain ka ba ng isda?"

"What?" Kumunot ang noo nito.

"Ang ibig kong sabihin, iyong maliliit na isda. Mayroon din namang karne, pero ang may sarsa lang ay iyong pangat. Kumakain ka ba ng pinangat ng isda?"

"I think so."

Mukhang hindi alam ng lalaki kung ano ang pinangat. Tumango siya at tumuloy na sa kusina. Panay ang ismid sa kanya ni Pipay.

"Ano na namang drama 'yan, Pipay?" angil niya.

"Inaway-away mo ang jowa mo 'tapos pakakainin mo ng pangat."

"Eh, ano ngayon? Hindi ko naman siya inaway, ah?" Napalabi siya. "Nagkasagutan lang kami. Nagpasalamat naman ako, 'di ba?"

"Pasasalamat mo, labas sa ilong."

"Ano'ng gusto mo, manikluhod ako?"

"Luhuran mo na lang, 'teh." Kumindat ito. "Siguradong 'tapos ang lahat ng problema ninyong mag-asawa."

Pindilatan niya ang babae. "Ikaw, puro kalandian ang alam mo. Saan ka natuto ng mga ganyang joke?"

"Sa mga kaibigan ko. Bakit ba, Ate? Diyos ko naman, anong petsa na, paka-demure pa ba ako? Gusto ko na ngang i-try, eh."

Inaambaan niya ang malandi. "Tumigil ka. Ang harot mo masyado."

"Asus, kunwari ka pa. 'Wag mong sabihing hindi mo pinagnanasahan 'yang jowa mo? If I know, Ate, excited ka na rin sa honeymoon. Pabebe ka masyado? Saka mukhang ambango-bango ng jowa mo. Delicious siguro ang honeymoon ninyo."

__

Don't forget to click on the star below to vote and leave a comment. 

Give these pages a like on Facebook: vanessachubby and theromancetribe

Thanks!

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETEWhere stories live. Discover now