Chapter Twenty-two

3.8K 121 23
                                    

Missed Chances

Gino

Life is just the best liar I knew. Paano na ang sa isang iglap ay biglang mawawala ang isang tao sa buhay mo?

Lumaki ako'ng walang pakialam sa mundo, lumaki ako'ng walang pangarap at walang paninindigan. My mother changed that. Unti-unti niyang binigyan ng liwanag ang buhay ko.

Pero hindi ako makapaniwalang mawawala ko siya sa isang iglap.

Hindi ko alam ang lahat ng mga trabahong pinasok ni Mama, ang alam ko lang ay lagi siyang pagod pag-uwi at madalas hindi na siya nakakauwi. Nangyari ito simula nang tinanong niya kami kung ano ang gusto namin sa kolehiyo. Si ate ay mauunang magkokolehiyo at halos magkakasunod lang kami.

Pakiramdam ko, gusto kaming pag-aralin sa magandang university kaya naman doble kayod siya.

I knew she wanted to work hard. Kaya sinusuklian ko ito ng mga achievements ko sa school. Pero ngayon, para saan ko pa ba gagawin ang lahat?

"Gino, nandyan si Angel, hindi ka ba lalabas?" kinatok ako ni ate sa kuwarto ko pero hindi ako sumagot. Napatingin ako sa silid, napakagulo ng kuwarto ko.

Ilang araw na ang nakalipas, hindi ako lumabas ng kuwarto. Wala akong kinausap. Hindi ko kayang tignan ang kabaong ni Mama.

Hindi ko kayang tanggapin na wala na siya.

Ilang sandali pa akong nagmukmok at napagisipan kong lumabas, wala na masyadong tao, sila ate lang ang nagbabantay ngayon sa burol ni Mama.

Lumabas ako at nadatnan ko si Angel doon na parang inaantok na. Hindi ako nagpakita. Tumalikod ako nang titingin sana siya sa direksyon kung nasaan ako.

Angel, you're just like my Mother. I hate that you always do anything for me.

Lumipas ang ilang araw, naihatid namin si Mama sa kanyang libingan. Hinanap namin si Papa gaya ng bilin noon ni Mama kay ate. Mga bata pa lang kasi kami nang inilayo kami ni Mama kay Papa dahil hindi sila magkasundo noon at maaga silang nagtanan. Pero hindi naming kinamuhian si Papa kahit mga bata pa kami.

Nagawa naming nahanap si Papa at may asawa na ito, pero nagmamakaawa siya kay ate na umuwi kami sa kanya, pero alam kong hindi gaano pabor si ate ro'n.

But in the end, inisip ni ate ang kinabukasan namin, pero sa totoo lang, wala na akong pakialam sa buhay ko. I'm back to my young self...the one who walks while having nothing inside.

"Gino, hindi ka ba talaga magpapaalam kay Angel?" napahinto ako nang maisarado ko ang pintuan.

Pumikit ako at umiling-iling. Tahimik akong lumabas at napatiuna sa sasakyan.

Alam kong hindi ako mapapatawad ni Angel sa ginawa kong ito. Dahil hindi ko na siya kinausap at hindi man lang ako nagpaalam. It was all for my selfishness, I do not want to see her cry.

And this time, I want to run away.

***

I guess my choices weren't the best after all. I didn't know what I've become. After running away I've become more miserable. I totally threw away my life.

Napatingin ako sa dalawang syringe ng drugs na nabili ko kanina. Sleeping pills won't affect me anymore. Na-overdose na rin ako, kaya mahigpit na pinagbabawal ni ate na gumamit ako nito. Hindi ko rin mabilang kung ilang beses na ako'ng naospital nang dahil sa sleeping pills.

Way Back To His Heart (Enticed Series 3)Where stories live. Discover now