Chapter Seven

4.9K 137 10
                                    

Constant Love

Angel

"Hoy, Angel hindi ka ba uuwi? Baka mahirapan ka nang makasakay ng Bus ngayon!" Siniko naman ako ni Aless habang nanonood ng practice ni Gino sa basketball.

Nalaman ko kasing sasali na s'ya finally! At kailangan kong subaybayan ang pacprapractice n'ya dahil may fandom na si Gino. Hindi ako puwedeng magpatalo.

"Mamaya na. Mauna ka na"

Pinauna ko na si Aless na umuwi. Kanina pa siguro pagod na sumusunod iyon sa akin dahil whole day ang practice nila Gino ngayon. Malapit na kasi ang Intramurals kaya naman, kailangan na nilang mag-practice ng maigi.

"Go Ginoloves!" Nagdilim ang mga paningin ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Nakapag-shoot kasi si Gino ng 3 points kaya naghiyawan ang mga fans n'ya dito sa tabi ko. Actually magkakasama sila, ako lang yata ang nahiwalay.

"Go Ginobabes! Hoooo!" Dahil palaban ako, hindi ako nagpatalo. Mas nilakasan ko pa ang pag-cheer kay Gino. Napansin ko naman na parang nahiya ito sa sigaw ko.

"Excuse me? Babes mo si Gino?" may isang babaeng kumalabit naman sa akin kaya napalingon ako sa kanya. Hindi ko s'ya kilala pero base sa pormahan nito isa rin s'yang it girl. Napaka kapal ng make up. Napakaraming burloloy. Ako kasi pulbo lang gamit ko. Maliligo ako sa pulbo.

"Nililigawan ko si Gino,"taas noo kong sagot sa kanya.

Pinagtawanan naman ako ng mga kasamahan n'ya. Napatingin din sa akin ang ilang babaeng kasama sa fandom ni Gino.

"Ikaw pala 'yung parang bubble gum na dikit nang dikit kay Gino," Lalo pa silang tumawa. Medyo na-hurt ako doon. Pero mas Malaki ang pagmamahal ko kay Gino.

"May problema ba Michie?" May isang lalaki ang lumapit sa amin. Nakasuot no'ng suot din ni Gino'ng uniform ng basketball. May nakasunod na dalawang lalaki naman sa kanila. Pangiti-ngiti sila sa mga babaeng kasama no'ng Michie. Mukhang playboy ang mga 'to.

"May gumugulo ba sa 'yo? Turuan ko ba ng liksyon?" tinignan naman ako no'ng lalaking lumapit kay Michie. Gugulpihin ba ako nito? Halla! Huwag naman! Ang tangkad n'ya. Malayong kaya ko s'yang labanan! Napaka maldita talaga ng babaing ito!

***

"Kumusta ka naman? Ang tagal nang hindi kita nakita..."

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng lungkot nang makita ko si Ate Juniel. Iyong mga mata n'yang puno ng pagkaconcern sa akin ay hindi pa nagbabago. Pero ang laki ng nagbago sa mukha at sa katawan n'ya. Nagyon ko pa lang s'ya nakita sa personal.

"Okay naman po. Nakakatuwa naman at nagkita tayo." Galak kong saad sa kanya. Masaya akong nakita ko ulit s'ya. Pero ang kalahati ng atensyon ko ay nasa iba. Bigla kasing umalis si Gino, hindi ko alam bakit hinahanap-hanap ko pa s'ya. It should be implied to me why would he leave.

"Nandito rin si San. Kaso hindi ko alam kung nasaan s'ya. He'd be happy to see you."

I was supposed to respond... Peor nagulat ako nang bigla n'ya akong niyakap. Mahigpit at parang napakainit. I missed her warmth... she used to be like a sister to me.

We were happy together. Tanggap n'ya kami ni Gino noon at naging parte ako ng pamilya nila.

Kaya naman nang bigla silang naglaho ay sobrang nasaktan ako.

Hindi lang kasi si Gino ang nawala. Parang nawalan din ako ng kapatid.

But I don't resent any of them. It's in the past. Ang tanging hiling ko na lang noon ay sana mabuti ang buhay nila. But I guess, they lived a good life all these years.

Way Back To His Heart (Enticed Series 3)Where stories live. Discover now