Chapter Eight

4.8K 146 15
                                    

On Rainy Days

Angel

"Gino! Good Morning!" Nang makababa si Gino mula sa bus ay kaagad ko s'yang binati. Inirapan lang naman ako nito at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Lagi namang hindi maganda ang gising nito kaya sanay na ako sa mga masamang tingin n'ya.

"Coffee-" hindi ko pa man din naitutuloy ang sasabihin ko sana ay kinuha na n'ya ang canned coffee na binili ko sa convenience store. Siguro para tumahimik ako.

Nilalakihan ko ang mga yabag ko upang makasabay kay Gino. Mas matangkad kasi si Gino sa akin, hanggang dibdib n'ya lang ako. Late bloomer yata kasi ako, ang hirap ko tumangkad at magmukhang matured. Samantalang ang mga kaklase kong kasing-edad ko ay matured na ang hitsura.

"Gino, malapit na ang prom may date ka ba?" Halos maging puso na ang hugis ng mga mata ko nang magtanong ako sa kanya. Pero hindi naman ito pinansin ni Gino. Kung sinagot ni Gino ang tanong ko ibig sabihin no'n wala s'ya sa wisyo. Gino is not Gino if he is not silent. I get that.

"Tabi! Tabi kayo!"

Nang makita ko ang isang mama na nakasakay sa isang biseklata at mukhang nawalan ng preno ay tinulak ko papunta sa gilid si Gino dahil sa kanya na didiretso ang bike.

"Ahh!"

Nailigtas ko si Gino ngunit nadawit ako nang mag-iba ang direksyon ng bisekleta. Nagkaroon ako ng gasgas sa tuhod nang mapaupo ako sa sahig. Medyo madugo nga lang pero hindi naman sapat para mag-agaw buhay ako.

"Miss! Pasensya ka na!" Nilapitan naman kaagad ako ng mama na may-ari ng bisekleta, buti nga hindi s'ya napano. Pero may sugat ang tuhod ko.

"Tsk." Nairita namang tumingin si Gino sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at nag-V-sign sa gilid ng mata ko.

Sinubukan kong tumayo, kaya ko naman kasyo hindi ko maituwid ang tuhod ko. Dumudugo pa kasi ito. Matatakpan naman ng palda ko ang tuhod ko pero tumutulu 'yung dugo, baka pagkamalang regla.

"Buhatin na lang kita papuntang clinic," Nagulat naman ako nang biglang yumuko si Gino sa harapan ko at pinaharap n'ya ang backpack n'ya.

"Hindi kaya ko naman-"

"Ang sama na ng tingin ng mga tao sa akin, halika na " Dala ng inis nito ay napataas ang tono ng boses n'ya. Kaya naman yumapos ako sa balikat ni Gino.

Kinilig ako nang maramdaman ko ang paghawak ni Gino sa hita ko nang tumayo s'ya.

Piggy-back ride mula kay Gino? Puwede na siguro ako mamatay!

***

Hindi ko inaasahan ang kakausapin kong businessman ay dito ko kikitain mismo sa building nina Gino. Nakarating na ako sa mismong workplace ni Gino dahil ako nga ang angdeliver noon ng kape n'ya.

Magkakaroon ng bagong mall dito sa Garrisons at gusto akong kausapan para sa pag-rent ng space doon mismo. Hindi pa man din tumatagal ang Coffee Rush pero nararamdaman ko ang smooth na pagtakbo ng business. I think this is also a good opportunity to expand our business.

"Oh..." Nakita ko naman si Gino nan a halos kasabayan ko lang na papunta sa harapan ng building. Hawak-hawak na n'ya ang coffe na lagi n'yang inoorder sa shop namin at may katawag ito sa cellphone n'ya.

Napabilis ang paglalakad nito. Hindi ko alam kung bakit ko rin binlisan at bakit gusto kong sumabay. Maybe it's just some old hobbies.

Tinulak ni Gino ang Curved Sliding door kaya sumunod naman ako. Napaatras ako nang maitulak ako ni Gino dahil biglang na-stuck ang curved glass door sa gitna, kaya ang ending parang nakulong kami dito.

Way Back To His Heart (Enticed Series 3)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant