Chapter Twenty

4.1K 154 18
                                    

Angel's Light

Angel

Tulad ng hangin na minsan ay nagwawala at kung minsan ay kalmado, gano'n ang pag-ibig. Ngunit ang pag-ibig ko sa kanya ay palaging nagwawala. At kahit ilang taon pa ang lumipas hindi ito kumupas.

Puwede pa lang magmahal kahit hindi mo na abot ang isang tao. Puwede mo pa rin siyang ibigin kahit tapos na ang lahat.

Sa buong sampung taon na iniwan ako ni Gino, buhay pa rin ang pagmamahal ko sa kanya. Kaya naman no'ng nagkita kami ay parang kahapon lamang nangyari ang lahat.

It's still too hard for me to believe that I can touch him again.

Lumipas ang bagyo ay nakabangon ulit ang mga tao, katulad ng puso ko'ng madalas ay nasasawi, nakakabangon pa rin mula sa pag-ibig na siyang sumawi rin sa akin.

Napapikit ako nang masilaw ako sa init na sumisilip sa bintana ko. Hapon na at naghahanda ako'ng pumunta sa Plaza. Kailangan kong sulitin ang break na ito lalo pa't naudlot ng ilang araw dahil sa bagyo.

Also, I have a feeling that I might not be back here for a while.

Nang makalabas ako ng kuwarto ay hindi ko na kinausap sina Mama dahil bala sila sa pagdadasal. Nakaugalian na kasi nila ito tuwing hapon hanggang ala-sais ng gabi.

Nakapambahay lang ako at naka-tsinelas, it reminds when I was younger, when everything seems so simple.

The days when I was younger were the best...dahil din siguro ay doon na rin dumating si Gino sa buhay ko.

If someone will hear my story then, they will think that I'm such a fool. Dahil sa isang lalaki lang umikot ang mundo ko.

If it's a foolish love then, that's fine with me. After all, I'm not myself if I am not a fool. I was always indecisive and I always act like stupid.

Still, I know there is a part within Gino that accepted me.

"Angel?" Napahinto ako sa paglalakad nang biglang may bisekletang tumigil sa tabi ko. Pagtingin ko ay si Gino pala iyon.

Pagkatapos kong umalis sa bahay nila noon at ngayon ko ulit siya nakita. Akala ko nga ay bumalik na siya sa Garrisons.

"Sa Plaza ka ba? Kung gusto mo-" hindi pa man naitutuloy ni Gino ang sasabihin niya ay umangkas na ako sa likod ng bisikleta niya. Todo-iwas naman ako sa mga tingin niya dahil nahihiya ako sa ginawa ko pero ito 'yung gustong-gusto ko'ng gawin mula kaninang nakita ko pa siya.

Gino didn't utter any words and he continued cycling.

Kumapit ako sa damit ni Gino. This feeling is nostalgic. We used to ride like this when we were in love.

Gustong-gusto ko iyong pakiramdam na pag-angat ko lamang ay nakikita ko na ang likod ni Gino.

Ah...I almost forgot those parts. All I wondered is that why did he leave me... I should have let my heart remember the good things we did together.

Ah...I almost forgot this feeling.

Dumaan kami sa side walk, at dahil maraming puno sa gilid, tuwing humahampas nang malakas ang hangin ay nahuhulog ang mga dahon. A certain melody started to play in my head...I started humming and feeling Gino's back against my cheek. It's so warm, my heart is throbbing in a fast pace.

Summer is put on a halt because of the disaster and I thought it was the end of the season. It was strange that summer took a glimpse again...giving me hope that maybe in the slightest chance, our love may also...continue.

Way Back To His Heart (Enticed Series 3)Where stories live. Discover now