Chapter Seventeen

4K 146 11
                                    

Lanterns of lost hearts

Angel

Napatayo ako nang marinig ko ang busina ng bus. Tamang-tama sa oras ang bus sa Garrisons. Bitbit ko ang bag ko'ng nakipag-agawan sa pagpasok sa bus. Pero wala na ako'ng naabutang bakanteng upuan.

Para sa nalalapit na birthday ni Mama ay napag-isipan ko'ng umuwi. Ang sabi sa akin nina Blythe ay hindi naman masamang magbakasyon ako kahit ilang araw lang. Sila rin ang nag-udyok sa akin nito. Namimiss ko na rin sila Mama kaya pumayag ako.

Parang papuntang Quiapo ang bus, siksikan sa loob. It reminds me of the old days when I used to ride this bus to school.

Nang makadaan kami sa ilang station ay unti-unting naubos ang taong nakatayo. Nakaupo ako sa malapit sa bintana. Para ako'ng batang nasa field trip nang makarating kami sa hometown ko.

It's still beautiful. Malapit ito sa San Silvestre, ang bulubundikin ng San Vidad. Wala ka nang makitang bahid ng syudad. It's all green field and the mountains from a far.

Bumaba ako sa station malapit sa school.

Pag-apak ko pa lamang palabas ng bus ay nakita ko ang waiting shed na tinatambayan ko tuwing nag-aabang ako ng bus pauwi.

The place looks the same. May ilang establishments nga lang na bago. The roads... even the street lights are still the same.

Sumakay ako ng taxi papunta sa bahay dahil may dala ako. Nadatnan ko sila Mama na nagdadasal sa sala kaya hindi nila ako kaagad nabatin ngunit ngumiti sila sa akin. Napatingin ako sa picture na nasa altar. Nando'n ang picture ni Lolo at ni...kuya.

May nakakatandang kapatid ako pero bago pa man ako mag-highschool ay namatay siya dahil sa dementia, gano'n din ang ikinamatay ni Lolo. Maagang inatake si Kuya ng dementia. Sa pagkakatanda ko ay kaka-graduate lang niya ng kolehiyo noon ay inatake na siya nito.

"'Uy," nagulat ako nang bigla ako'ng nilapitan ni Papa.

"Kuwarto ng kuya mo iyan, doon ang kuwarto," napabitaw ako sa door knob. Mukhang matagal na ako'ng masyadong hindi nakapagbakasyon kaya nakakalimutan ko na ang kuwarto ko.

My room never changed. Hello kitty pa rin ang bed sheet, pink ang karamihan sa gamit. My study stable is full of stickers as usual. Napawi ang ngiti ko nang makita ko ang picture namin ni Gino sa table ko. Hindi yata naisipan ni Mama na itapon ito.

Napangiti ako nang mahawakan ko ang picture. Ito iyong nasa Fireworks event kami ni Gino. First monthsarry naming dalawa. Naluluha ako sa picture dahil nakipag-away ako sa kanya noon. Hindi ko naman inaakala na habang pinipicturan kami ay bigla niya ako'ng hahalikan sa pisngi.

My heart hurts when I realized that he used to be mine.

"Angel!"

Hindi ko na hinintay na tatawagin ako ni mama ng dalawang beses. Binaba ko ang bag ko't lumabas agad ng kuwarto. Mukhang tapos na ang dasal. May meryendang nakahanda sa kusina kaya naman nagutom kaagad ako. Namiss ko ang suman at pancit ni Mama.

"Kumusta ang dalaga namin?" yinakap ako bigla ni Papa habang kumukuha ako ng pinggan.

"Mabuti naman, tumatanda na pero ikaw, Pa, bata ka pa rin?" Nagsitawanan kami nila Mama sa sinabi ko.

"Tumatanda na pero wala pang asawa," inirapan naman ako ni Lola nang dumating siya sa kusina. Bad mood pa rin siguro ito dahil sa nangyari noon.

"Anohin mo ba iyang dyaryo?" nagulat ako nang makita ko ang hawak ko. I thought I was holding a plate. Tinawanan naman ako ni Papa at inabutan ako ng pinggan. "Lakas pa rin ng pagka-engot mo," sabay kurot nito sa ilong ko.

Way Back To His Heart (Enticed Series 3)Where stories live. Discover now