Chapter Three

5.9K 168 10
                                    

Not so Lucky Day

Angel

"Coffee Para sa umagang-" Pagka-bukas ng pintoan ng bus ay kaagad akong tumambad doon para abangan si Gino, Ngunit nang makita niya ako ay agad itong bumalik sa Bus. Hinintay ko siya pagkatapos makalabas ang ilang estudyante pero hindi pa siya bumababa. Natakot ba siya sa akin?

Pumasok ako sa Bus para ibigay ang coffee. Nagtinginan na lamang kami nang bigla na lang umandar ang Bus. Dito dapat bababa si Gino dahil dito malapit ang School namin kaso hindi na siya nakbaba. At pati ako ay nasama na rin dito sa Bus.

"Gino. Hihi" Napangiti na lamang ako nang makasingit ako sa tabi ni Gino. Bigla namang nag-suot lamang ito ng earphones na para bang hindi niya ako naririnig. Sumandal na lamang ako sa tabing upuan kung saan din nakasandal si Gino. Sa susunod na babaan pa siguro kami makakababa dito. Per station lang kase tumitigil ang Bus dito.

Hindi ko alam pero napapangiti pa rin ako habang pinapakinggan ko ang musika sa radyo ng bus na ito. Ipinapatugtog kase ang paborito kong kanta na 'Close to you' ng Carpenters. Bagay na bagay sa nararamdaman ko ngayon. Kahit hindi ako kinakausap ni Gino, kiniklig pa rin ako dahil magkalapit kami sa isa't isa.

"Why do birds suddenly appear Every time you are near? Just like me, they long to be
Close to you" Hindi ko naman napigilan ang pagsabay sa musika.

"Why do stars fall down from the sky Every time you walk by? Just like me, they long to be Close to you"

Hinabol ko kaagad si Gino nang tumigil ang Bus sa pangalawang babaan. Tumakbo ako para makahabol sa likoran niya.

Napahawak naman ako sa string ng backpack kong naka suot sa balikat ko habang naglalakad ng masigla sa likod ni Gino. Iniisip ko pa lang na sabay kaming papasok ni Gino sa School ay kinikilig na ako.

Tandang tanda ko pa noong unang kita ko kay Gino. Palakad-lakad lang ako sa Science Building dahil doon ang room ng mga Special Section. Nakikita ko lagi si Gino na nag-rerecite. Sino ba naman ang hindi magkakagusto dito? Matalino na nga, aba eh artistahin pa.

"Hanggang saan ka ba susunod?" Nang malapit na kami sa gate ng school ay narinig ko na ang mala-anghel na boses ni Gino.

"Parehas naman tayo ng papasukan diba?"

"Ako si Angel, naalala mo ba ako?" Turo ko naman sa sarili ko.

"Nope." tipid na sagot nito at nag-patuloy lamang sa pag-pasok sa Gate. Syempre sumabay pa rin ako kahit nakasimangot na ito sa akin.

"Coffee-"

"Nope" maagad na inurong naman ni Gino sa akin iyong kape na inaalok ko sa kanya. Nang makarating kami sa Science Building
ay mabilis na itong naglakad at tuluyan na akong naiwan nang sumabay ito sa mga kasama niya.

"GoodLuck Gino!" Winagayway ko naman ang kamay ko para magpaalam muna sa kanya.

Nakasabay ko naman siya sa Bus at sa pag-pasok ng school. Malaking bagay na iyon sa akin.

**

Nakahinga na lang ako ng tuluyan akong nakalabas ng building nila Gino. Hindi ko naman inaasahan na doon pala nadestino ang deliveries na ito. Mabuti na lang at hindi kami nag-kita.

Pero bakit nga ba ako nag-tatago?

Nang makarating ako sa tawiran ay napaisip ako.

Ilang buwan ko na ding tinatakbuhan at iniiwasan si Gino. Samantalang noong High School kami ay bubuntot ako sa kanya kahit saan ko siya makita.

Way Back To His Heart (Enticed Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon