Chapter Twelve

4.4K 135 25
                                    

I stay

Angel

Balisa ako'ng naglalakad dito sa sa Garrisons, umagang-umaga. Sobrang bigat ng ulo ko pagkagising 'ko at kahit nakainom na ako ng gamot ay medyo masakit pa rin ang ulo ko. Grabe! Nag-inom nga talaga ako kagabi! Dapat hindi na lang! Nagsisisi talaga ako'ng naglasing ako! Palibhasa tapang-tapangan naman kasi ako, ayan tuloy... sakit sa ulo ang inabot ko.

Naisip ko'ng magpunta sa convenient store at maghanap ng gusto ko'ng kakainin kung mayro'n man ako'ng makita. Maaga rin kasi si Glide na nakarating sa shop kaya sabi n'ya s'ya na muna 'yung magaayos para ngayong umaga.

"Tabi!"

Naring ko ang sigaw na 'yun sa likuran 'ko pero bago ko pa man din lingon iyon ay natulak na ako ng lalaki. Napakabilis ng pangyayari! Nang tumingin ako sa kamay ko ay wala na ang wallet na dala ko.

"Magnanakaw!" napasigaw ako at napabalikwas ng bangon. Tumakbo ako para habulin siya pero masyado s'yang mabilis. Napansin ko naman ang isang lalaking nakahigit sa bili ko'ng tumakbo. Mukhang hinahabol n'ya rin iyong lalaki.

Sa hindi kalayuan ay natanaw ko iyong lalaking lumagpas sa akin, nahuli nga niya iyong lalaki. Nakita 'ko ring naglabas siya ng posas. Pulis pala iyon? Naka-civillian kasi kaya hindi ko nahalata.

May dalawang pulis na nakauniporme ang dumaan sa harapan ko-ito yata iyong mga nagpapatrol. Sinalubong nila iyong lalaki na nakahabol sa magnanakaw.

Hindi mo masyadong maiisip na pulis din ang isang ito dahil hindi nga naka-uniform at parang model. Wait, naisip ko pa iyon? Wala na nga iyong wallet ko!

"Miss," nabalik ako katinuan nang linapitan ako nito at tinawag. Medyo mas matangkad siya sa akin kaya tumingala ako kaunti para tignan siya.

"Sa 'yo ito 'di ba? Pasensya ka na, nadamay ka pa," Napakamot naman ito sa ulo.

"Oh?" Bigla ko'ng nakita ang nakaburdang badge sa inner shirt nito. Natakpan siguro ito kanina dahil may suot siyang leather na jacket.

"Agent ka? NIA?"

Gulat naman itong napatango sa akin. Marahil ay hindi niya inaasahang malalaman ko ito. Agent din kasi si Luke-ang pinsan ko kaya alam ko iyong badge na iyon.

"Paano mo nalaman ito..." tanong naman niya.

"Agent ang pinsan ko at ang mga kaibigan niya. Natural alam ko," syempre pinagyabang ko naman, after all lahat ng mga kaibigan ni Luke ay astig na agent! I've seen them work sometimes. Ganito'ng awra sila.

"Sino? Baka kilala ko?" parang naintriga naman ito kaagad at napahawak pa sa baywang. Ano 'to umagang-umaga tsimisan?

"Si Luke Villiarde-" Napatigil ako nang bigla siyang napatawa.

"I hate to say it, but Luke and his friends were my seniors, ang limang iyon, they always overdo things. Sino'ng hindi makakakilala sa kanila?" lalo pang napahalakhak ito.

"I heard that from Rowin too..." hindi ko alam pero hindi ko na mahanap iyong yabang na nararamdaman ko sa looban ko kanina. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ko ang pinagagawa ng limang iyon. I've heard rumors that Rowin entered the world of being a mafia. But that's it, I don't know the rest of the story.

"Anyway, I'm Agent Eren Palomares. Apelyido ko lang siguro ang maalala ng pinsan mo dahil ito naman ang tawag nila sa akin."

***

Way Back To His Heart (Enticed Series 3)Where stories live. Discover now