Tumayo naman si Jackie para salubungin nang yakap ito. "Becky!"

I think he's gay though. Not to offend or whatever. Naka-kilay with a bit glittery eye shadow kasi ito at mas mapula pa ang lips kaysa sa akin. Sa totoo lang, mas maganda pa siya mag make-up kaysa sa akin.

Pinanood ko lang sila magyakapan sa gilid ng mesa. "Jackie G, I miss you! Yung pasalubong ko sister ha! Baka nakalimutan mo dahil kasama mo si bakasyon si Sir Alfie!

"Gaga ka talaga! Huwag ka ngang madaldal diyan, baka may makarinig pa sayo no!"

"Oh, by the way! This is Sandy! Bagong hire sa department namin. Sandy, this is Becky, best friend ko since high school." Pagpapakilala sa amin ni Jackie.

"Hi, I'm Sandy Fernandez. Just call me Sandy." Nakangiting tugon ko rito.

"Ang ganda naman ng pangalan. In fairness bagay din sa mukha! Ako naman si..." Tumikhim pa ito bago sabihin ang pangalan. "Well, I'm Beckholm but please call me Becky!" Sobra ang pamumula niya pagkatapos sabihin ang tunay na pangalan. Tinawanan naman namin siya dahil sa pamumula.

"Anyway, nice to meet you sister!" Nagulat naman ako nang yakapin niya ako. "I'm from Design and Creatives Department. I'm a head of a design team!"

Umupo sa tabi ni Jackie si Becky pagkatapos neto mag-order ng pagkain. Noong una ay tinanong lang ako ng kung ano-ano tungkol sa akin. Pero kalaunan napunta na sa ibang topic ang usapan.

"Alam niyo ba, balita ko baka umpisa bukas ay talagang magtatrabaho na ang panganay na anak ng Chairman." Pabulong ni Becky.

"Nakakatakot ba siya?" Kuryoso kong tanong.

"Hindi ko alam. Hindi pa naman kasi namin siya nakakasalamuha pa. Hindi ko pa nga nakikita yung mukha no'n. Madalas kasi noon, bumibisita lang 'to sa opisina ng papa niya na si Chairman o di naman kaya sa mga pinsan niya but hindi talaga siya nagtatrabaho rito." Sagot ni Becky.

"Ang chismis nga ng mga nakakita na kuno sa panganay na anak e, gwapo raw ito. Sabagay, wala naman nang nakakagulat do'n. Gwapo rin naman kasi si Chairman pati mga pinsan niya. Myghad! Pinagpala sa genes yung angkan nila!" May paghangang kwento ni Jackie habang kumakain.

Panganay na anak ng Chairman? Hmmm... 'yun bang pinakilala sa Saunders ang panganay? O baka iba?

"Sino? Iyong Easton ba?" Inosente kong tanong sa kanila.

Pero gano'n na lang ang gulat at paniningkit nila nang tumingin sa akin. Wait. May nasabi ba akong mali? Nagtatanong lang naman ako ah? Ba't parang nakagawa ako ng krimen.

"Easton? Bakit kilala mo ang pangalan?" Pang-iintrigang ni Becky.

"Ah. Pinakakilala kasi noon nung nagtatrabaho pa ako sa Saunders. Kasama niya si Chairman no'n, pero di ko nga lang sigurado kung siya ba yung panganay na tinutukoy niyo." Pasimple ko lang sagot at nagpatuloy kumain.

Konti lang ng servings ko pero hindi pa ako nangangalahati habang si Becky at si Jackie halos maubos na yung kanin nila.

"Hindi rin kami siguro sa pangalan e. Pero gwapo ba ha?" Pang-uusisa ni Jackie na tinaas-baba pa ang kilay.

Natigilan naman ako sa tanong niya. Inisip kong mabuti kung sasabihin ko bang hindi o aaminin ko. Sa huli sinabi ko na lang ang totoo mamaya awayin pa ako ng mga 'to. "Okay lang. Pwede na."

"Uyyyy! Sure akong gwapo hindi ka sigurado e." Pareho namang humalakhak ang dalawa at bumuntong hininga na lang ako.

"Baka crush mo na yun ha. Easton? Taray, walang sir!" Nagtawanan lang din ulit sila.

Love Me FearlessUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum