Chapter 20 part 1

Start from the beginning
                                    

Nagsimulang magkwento si Jesica mula sa simula kung paano nangyari ang lahat sa pagitan nila ni Vincent. 

May galit na naramdaman si Emer ng marinig ang kwento ng kaibigan. "Jessie, may naglagay ng drugs sa alak na ininom ninyo." 

"Meron nga pero ang pilit na pinagdidiinan ni Vincent na ako ang naglagay nun. Emer, you know me kahit may gusto ako kay Vincent hindi ko magagawa ang bagay na yun." paliwanag ni Jesica.

"I know, may taong nasa likod nito at yun ang kailangan nating alamin." umiiral na naman ang pagiging pakialamera ni Emer. 

"Ang alam ko pinagpustahan nila ako. Kahit anong gawin ng Vincent na yan hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sa akin." may diin ang huling salitang binitiwan ni Jesica. 

"Biglang sumakit ang ulo ko. Sa tingin mo kakilala niya ang gumawa nito?" masyado ng naging intresado si Emer sa problema ng kaibigan. 

"Baka nga pinagplanuhan nila yun, tapos ako ang binabaliktad niya." 

"Ibig mong sabihin may kinalaman si Vincent sa nangyari?" tanong muli ni Emer.

"Yes, at hindi ako maniniwala kung sasabihin niya na wala siyang kinalaman." tuwing naaalala ni Jesica si Vincent ay naiinis siya.

"Naguguuhan ako Jessie, kasi ngayon naman ay kinukulit ka ni Vincent. Hindi ko maintindihan kung ano ang motibo niya." sabay buntong hininga ni Emer.

"Malamang may pustahan na naman silang magkakaibigan at ako na naman ang napili nilang lokohin. Ngayong alam mo na ang lahat hwag na nating pag-usapan ulit ito." gustong iparating ni Jesica sa kaibigan na hindi na niya gustong pag-usapan ang tungkol kay Vincent. 

"How about Venice?" hirit pa rin ni Emer.

"What about my daughter?" balik tanong ni Jesica. 

"Ang alam ko matagal ka niyang kinukulit tungkol sa papa niya. Bakit naman kasi nagsinungaling ka pa sa bata?" 

"Ayoko munang isipin ang mga problema na yan. Pag-usapan na lang natin ang tungkol sa wedding mo, sa simbahan na kami tutuloy." 

"Ang gusto sana ni Dennis sa bisperas na ng kasal kayo nandito nina tita Lourdes, isama mo na rin si tita Lucila." 

Mukhang naging tagumpay si Jesica na mailihis ang usapan nila. 

"Hindi makakasama si mommy, dumadalas ang pagtaas ng blood pressure niya kaya bawal muna siyang mapagod." 

"Is she okay now?" nag-aalalang tanong ni Emer. Noong nasa America pa sila ay ang mommy ni Jesica ang tumayong magulang sa kanilang magkakaibigan. 

"Yes, don't worry about her. Nandito si daddy ngayon siya ang nag-aalaga kay mommy." masayang pagbabalita ni Jesica.

"Wow! really?! Sana naman magkaayos ulit  ang parents mo. Si tita Lucila na lang ang isama mo." 

"Wala siya ngayon dito, nagliliwaliw sa Visayas kasama ng kanyang mga kaibigan." 

"Tama ngang bisperas pa lang ng kasal ay lumuwas na kayo dito ni Venice para hindi kayo mahirapan."  suhestiyon ni Emer.

"Ayoko sanang magpang-abot kami ni Vincent. Gusto ko siyang iwasan hangga't maaari." 

"Jessie,iniiwasan mo siya dahil ayaw mong malaman niya ang tungkol kay Venice. Isipin mo kung ano ang makakabuti sa bata hindi ang sa sarili mo." pahayag ni Emer.

"Kanina kakampi kita, bakit ngayon biglang nasa side ka na ni Vincent." reklamo ni Jesica. 

"Hindi ko kinakampihan si Vincent, naiinis ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Ang iniisip ko lang naman ay si Venice." mabilis na paliwanag ni Emer. 

"Let's just talk about it some other time. We'll be there a day before your wedding." pag-iwas ni Jesica sa sermon ng kabigan. Sa totoo lang ay nahihirapan na rin siyang tumimbang sa kasalukuyang sitwasyon at ngayon ay kailangan niya ng isang taong mapaghihingahan ng problema. 

___________________

A.N.

Sa wakas nakapag UD din ako... dami po kasing paper works at kailangan ko ring asikasuhin ang maliit kong negosyo :) 

Maraming salamat sa pagtitiyaga ninyong maghintay sa ud ^ ^

Happy Holidays!!!

If I Could Turn Back The Time (Completed)Where stories live. Discover now