Chapter 2

40 11 7
                                    


Gabbi's Pov

Nakakasura.

Naiirita talaga ako.

Kakauwi ko lang tapos ganito salubong sa'kin ni Gustave. I was caught off-guard! Si Gunther kasi ang mahilig mang prank sa kanilang dalawa kaya hindi ko yun inaasahan!

Hindi talaga ako maka-move on, nakakaasar. Mabuti nalang at wala akong sakit sa puso. Pinisil naman ni Gus ang pisngi ko kaya mas lalo akong sumimangot.

"Ma'am and Sir, dinner na po." Inirapan ko si Gus at bumaba na. Nag-mano muna ako kila Mommy at Daddy bago umupo.

"Why with the long face, anak? Is something bothering you?" Tanong sa akin ni Dad. Pa-simple kong sinulyapan si Gus.

Matay malisya, minsan mabait siya sa'kin at minsan din lumalabas ang pagka-demonyo niya. Ang akala ng mga kaibigan namin si Gunther ang "evil" twin.They're so wrong si Gustave ang "evil" twin dahil palihim yan gumawa ng kababalaghan. Gunther may act arrogant and mean but he's a softie in the inside. Si Gus, hindi ko talaga alam, he loves pranking me and Gunther.

"A big rat just startled me." ngumiti ako kay Dad.

"A rat? What's a rat doing here?"

"Hindi ko din po alam. No worries naman po nasipa ko naman siya." sabay ngisi.

I know a little self-defense kaya sinipa ko siya sa kanyang mahal na alaga. Buti nga sa kanya. Good luck nalang sa'yo.

"Ikaw naman, Gus? You look unwell." Tanong naman ni Mom at napatigin din si Dad sa'kanya.

"Do you want me to call a doctor?"

"I'm fine, dad and mom." He reassured them.

Mayor si Dad dito sa lugar namin. Ang alam ko pangatlong term niya na eto. I can say that he's a good politician. He was a doctor before he entered politics.

He's not that strict with all of us. Basta sabihin mo lang sa kanya kung saan ka pupunta at pag-late ka umuwi dapat may maganda kang rason kung bakit ka na-late.

Si Mom naman, she's an architect. She's like the girl version of my Dad. Pareho silang strict pero mas strict si Mom.

At sweet sin sila Mom at Dad pero mas sweet si Dad. He's only showing his sweet side pag-kami lang ang kasama niya.

May mga pinagusapan pa kami nila Dad like kung ano ang gusto namin gawin sa birthday namin. Sadly, they're both busy on that day.

"I have Summer Camp sa birthday namin. Achilles informed na ako ang isa sa napili niya for the end of the year activity." wika ni Gunther habang inom ang tubig niya.

"That's good. Sino ang kasama niyo?" tanong sa kanya ni Mom.

"Si Trius lang po ang kilala ko, Dad. And also Lunar Alonzo."

"Lunar Alonzo? Hindi ba siya yung anak ni Marjorie?" Tanong ni Dad kay Mom kaya napatingin ako sa'kanila, pati yung mga kapatid ko ay naging interesado. They know Lunar?

"Yes, bunsong anak nila Marjorie. Is she your girlfriend? Magandang bata yun!" wika ni Mom.

Nabulunan naman si Gunther at pareho kaming natawa ni Gus. Sinamaan naman kami ng tigin ni Gunther.

"No, she's just a friend." tumango naman sila   Dad at Mom.

After dinner ay umakyat na ako at pumunta sa kwarto ko. Dumeritso kaagad ako sa c.r at nag-linis muna ng mukha at nag-sipilyo. Magpapahinga muna ako bago maligo.

The Light In The Fire's Eyes (Luminous Series #2)Where stories live. Discover now