Chapter 25

11 1 0
                                    


"Please, pick up..." I was bitting my nails and tapping my shoes on the ground. Waiting a reponse sa tawag ko. Pinagtitinginan na din ako ng mga tao dito pero wala akong pake sa kanila.

"Hello, Gabbi!" Masigla niyang bati sa'kin na akala mo ay hindi siya nawawalan ng energy.

"Uhm, Marru...can I ask you a favor?" Gusto ko sana si Trius ang tawagan ko pero dahil sa nangyayari ngayon ay hindi ako sigurado kung gugustuhin ko siya makaharap ngayon.

I mean he's my best friend. Dapat lang talaga na siya ang tawagan ko, but I don't know...something is holding me back from running to him.

"Are you crying? Wait, nasaan ka ba? Pupuntahan kita. Diyan ka lang, ha?" Somehow he read my mind. I want him to pick me up at gusto ko sana na doon muna ako sa condo niya. I don't know. Pakiramdam ko ay wala akong mukha na maihaharap sa tao.

"Hey..."

"Pwede ba pumunta ka sa address na ito?" Ibinababa na agad ni Marru ang tawag at inantay ko na lang siya na dumating. When he arrived ay agad ko siyang nilapitan. Nakasuot siya ng gray na hoodie at mukhang bagong gising ito.

Mukhang nag-commute lang to papaunta dito. Sinabi ko din naman sa kanya na may dala akong sasakyan. Natatakot kasi ako dahil baka kung saan ako mapadpad lalo na at wala ako sa tamang wisyo.

"Marru, can I stay at your place muna?" I asked.

"Of course, you can. Tinatanong pa ba 'yan? Kahit gaano katagal. Always welcome ka." Napangiti naman ako dahil dito.

"Does tito know your staying?" Umiling naman ako. He immediately took his phone at mukhang tatawagan si Daddy.

"I have to tell them, Gabbi. Ako na bahala magpaliwanag, okay? Pumasok ka muna sasakyan at baka magkasakit ka." Tanging tango na lang ang nasagot ko bago ako tuluyan na pumasok sa sasakyan.

"Pinayagan ka naman niya. How many days mo ba balak?"

"Ngayong gabi lang." I don't want my brothers to see me look like a hot mess. Magagalit lang ang mga 'yon. At least kapag makita nila ako bukas ay hindi na halatang umiyak ako.

The drive to his house was a quiet yet comforting one. Pagkadating naman ay tila pagod na pagod ako. I felt my knees shaking. I collapsed on Marru's arms. He gave me a tight hug that made me finally burst into tears.

"Ang sakit, Marru..."

"Nandito lang ako."

"I'm so fucking tired. I'm so drained." Hindi siya nagsalita at niyakap lang ako. Inaya niya ako pumunta sa isang kwarto para makapagpahinga muna ako.

It's already 9 pm when I heard a knock on the door. Pumasok si Marru sa kwarto at umupo sa tabi ko sa kama.

"Nagluto ako ng instant noodles 'yung chicken." Nag-angat naman ako ng tingin. Pumunta kami sa balcony ng bahay  at napasandal ang ulo ko sa balikat niya.

"We broke up." wika ko bago sumubo ng noodles.

"Want to talk about it?"

"No-" I wasn't able to finish my sentence he suddenly hug me kaya niyakap ko na din siya. I cried on his shoulder.

He knows what I need.

I needed that hug.

"Ano na lang gagawin ko kung wala ka?"

"Tanga...hindi naman ako mawawala."

The following morning pagkalabas ko ng kwarto ay mukhang tulog pa si Marru dahil nakapatay ang lahat ng mga ilaw. Alas kwatro pa lang kaya madilim pa. Nagbukas naman ako ng mga ilaw. Hindi pa ako napupunta sa bahay nila sa Maynila pwro halos parehas lang din sila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Light In The Fire's Eyes (Luminous Series #2)Where stories live. Discover now