Chapter 4

32 10 2
                                    


Gabbi's Pov

"Happy Birthday!" Nagising ako sa malakas na sigaw nila Kuya Myron at Kuya Byron. Napakusot ako ng mata ko at nag-inat. Gising na pala si Gus na nakaupo don sa kama at kinukusot pa ang mga mata.

"Thank you!" Tumayo muna ako at dumeristo sa c.r para mag-sipilyo at mag-hilamos. Pag-katapos ay binati ko sila Kuya Myron.

"Mamaya bago tayo umuwi, puntahan muna natin sila Gunther." Tumango naman ako.

"Mga anong oras?"

"Baka mamayang hapon, may mga kailagan pa ata silang gawin. Alam niyang nagtatampo ka pag-di kayo magkasama mag-celebrate." Napangiti naman ako dahil kilala talaga ako ng mga kapatid at kaibigan ko, alam talaga nilang magtatampo ako.

"May lakad kayo?" Tanong ni Gus.

I was so preoccupied di ko napansin na naka-pangalis sila ngayon.

"May kailagan lang kaming i-meet. Babalik naman kami agad." Tumango nalang ako.

Lumabas muna ako ng kwarto at dumeritso sa kusina para tumigin kung may makakain. Napa-simangot ako na walang laman yung ref at yung cabinet.

Hindi nga pala kami nakabili ng makakain namin kahapon. Hindi din naman kasi sinabi sa amin nila Kuya Myron naalis sila.

"Happy Birthday, Gab!" Napalingon ako kay Gus. He was holding a box na naka-wrap sa kulay white na gift wrap.

Napangiti ako at kinuha yung box. Nagulat ako ng makita eto. It was a candid photo of the three of us. We were sitting on the balcony of Achii's house, naka-akbay pa ako sa mga kapatid ko at pareho kaming nakatawa. Si Marru ata ang nag-picture samin. Niyakap ko naman si Gus agad.

"Thank you!" Bago ko makalimutan pumunta ako sa kwarto at inabot sa kanya ang
regalo ko.

"Baka pareho kami ni Gunther, ah!" Biro niya.

"Luh, alam mo naman pag-nagreregalo ako sa inyo palaging mag-kaiba, diba?" Natawa naman siya. Napangiti siya ng makita niya ang regalo ko sa'kanya.

"Where in the world did you get this? Limited edition eto at sa America pa yan nabibili." Nagkibit-balikat ako.

I gave him Chef Xander's Recipe Book with his signature. Gus loves cooking and Chef Xander happened to be his favorite French chef.

"Seryoso ako, how?"

"A friend." I smiled.

May kaibigan kasi ako na nakatira na sa America at kaibigan pala ng parents niya si chef kaya kinapalan ko na ang mukha ko. Libre na nga lang binigay ni chef sa'kin.

"Thank you so much, Gab." Niyakap niya ako ulit.

"Wait! There's more!" Kumunot naman ang noo niya bago inabot sa'kanya ang phone ko.

"Mabuhay! Hello Gustave, I heard that you idolize me, thank you so much! First of all I want to wish you a happy birthday. Second, I would love to cook with you in the future. I've actually tried your fried chicken recipe which your sister recommended, and I love it! See you soon."

Nanlaki ang mata ni Gus at natatawa ako sa itsura niya. Papalit-palit ang tigin niya sa cellphone at sa akin. Nakanganga pa siya kulang nalang pasukan ng langaw.

"Bumili ka na nga ng ma-almusal natin!" Kinuha ko na ang phone ko mula sa kanya at iniwan siya don na nakatulala.

Tumawa ako ng malakas ng makapasok ako sa kwarto. Sabi na nga ba ganun magiging reaksyon niya eh. Napatigil lang ako ng may tumawag sa akin.

"Hello?"

"Happy Birthday, Ate Gab! I wish you good health and always remember to smile. Thank you for being like an older sister to me. You're finally 18! I can't wait to see you again and recieve your signature hug. When you need someone to talk to please don't hesitate to call me, I'm one call away. I love you ate and I miss you."

The Light In The Fire's Eyes (Luminous Series #2)Where stories live. Discover now