Chapter 23

8 1 0
                                    


"Such a crybaby." Seven teased. I glared at him. Pinunasan ko naman 'yung mga luha ko. Sixto offered me his panyo kaya ito ginamit ko pamunas.

Naramdaman ko naman 'yung pag-vibrate ng phone ko. Inabot ko ulit kay Sixto ang panyo bago tingnan ang phone ko.

Natigilan ako ng makita ko kung sino 'yung nag-message sa'kin. I pursed my lips at 'di ko alam kung ano ang dapat ko maramdaman,

"Sino 'yan?"

"Mark..." I heard Sixto scoffed at inagaw sa'kin 'yung phone ko. Hinayaan ko lang siya dahil 'di ko din naman alam ang gagawin ko, e.

"Hey, love. Are you okay? I saw the post of the number twins and also Trius'. You're back na pala. Di mo ako nasabihan, can we meet today? Let's date." Napabuga siya ng hangin na para ba 'di makapaniwala sa mga nabasa niya. "Ang gago niya talaga ano? Sa tingin niya ba okay si Gabbi matapos siyang pagmukhang tanga? Unbeliveble."

"Hindi naman niya alam, e." I sighed, inabot ko na ang phone ko at nagreply kay Mark.

"Anong 'di niya alam? Alam noon sa sarili niya na gago siya. Hindi ba noon naiisip na kapag pinatuloy niya pa 'yung ginagawa niya ay mas lalo ka lang masasaktan? Ulol." I pursed my lips and played with my hands.

"Huwag mo sabihin na papayag ka."

"I want to see him again." I confessed. Kahit nasasaktan ako ay gusto ko pa rin siya makita. I miss him.

"Kakausapin mo ba siya about doon sa nalaman mo?" Umiling naman ako. Natatakot ako sa mga possibleng mangyari kapag kinausap ko siya. Hanggang kaya ko tiisin ang sakit ay hindi ko siya
haharapin.

Me:

Yes, sorry about that. Sure, let's meet.

Mark:

No worries, love. Maybe you've been busy. I'll pick you up.

I texted him kung nasaan ako. Umakyat na din kami nila Marru sa may lounge.

"Behave kayo, ah..." Paalala ko sa kanilang tatlo.

"I can't promise you that." Napatingin naman ako kay Marru dahil sa sinabi niya naman at mukhang sang-ayon 'yung dalawa.

After 30 minutes ay dumating na siya. Kumaway pa nga siya sa amin pero isang malamig na salubong lang ibinigay nila Seven sa kanyao

"Mauna na kami." Paalam ko sa kanila.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nakapagtimpi pa 'yung tatlo. Sigurado kasi ako kung si Achilles at mga kapatid ko ang naroon ay baka hindi maganda ang kalabasan.

"Did something happened? They look pissed." He asked while driving.

"Huh?"

"Sev, Six, and Marru."

They are pissed, but he doesn't have to know that. Baka masira lang 'yung pagkakaibigan nila ng dahil sa akin.

"Oh, uhm. I don't know din. Ganun na sila kanina pa." 

The silence the entire ride was so loud. Mabuti nga at dumating na kami sa resto, e. Hinayaan ko na lang siya mag-order ng pagkain namin.

"Kailan tayo pupunta Boracay?" I asked.

"Boracay? Bakit tayo pupunta ng Boracay?" Mas lalo naman napakunot ang noo ko.

"You forgot? Ang sabi mo pupunta tayo sa Boracay kaya ka nasa DFA nung araw na 'yon?"

"Oh. Yeah, must've slipped my mind. Speaking of, maybe by next week? I already booked a flight. Malapit na din kasi 'yung lipad ko papunta sa Italy." May sasabihin pa sana ako kaso dumating na 'yung order namin.

The Light In The Fire's Eyes (Luminous Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن