Chapter 21

12 1 0
                                    


I'm sitting on the beach. Away from my friends. I don't want them to see me in this state. I don't want to burden seeing me struggle just because of my conflicted feelings. Hindi ko maipaliwanag. Hindi ako makatulog. May ilang araw na ang nakalipas at nakauwi na rin sila Addy.

Nalaman na din ni Lunar ang totoo. About sa organization ni Ate Avery. She was so shocked. Alam ko takot na takot siya noon sa mga nakita niya. But she stayed, she listened and understood the situation. I saw how she was trembiling, somehow when she saw Achilles' face, she softened. She managed to calm down.

Pero hindi 'yon ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Nasa isip ko pa rin ang mga napagusapan namin nila Addy. Si Mark. The possibilty of him cheating on me with his ex. And the thought that maybe his parents know of it, or maybe ako 'yung third party. We never know. Mas lalo din ako napapaisip dahil doon sa unknown number na 'yon.

Paano niya nakuha 'yung number ko? How did he know that Mark and I are in a relationship? Paano niya nalaman na nandoon sila sa location na 'yon?

Ang dami ko iniisip. Hindi ako makatulog. Subukan ko man ay napapanaginip ko lang ang imahe ni Mark kasama si Danica at ang isa pa ay napapanaginipan ko din si Trius na may kasamang iba, si Abby.

Mahirap ipaliwanag ang mga nararamdaman ko dahil sa totoo lang ay gulong-gulo na din ako. Madami akong tanong sa sarili ko na hindi ko alam ang sagot. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan kapag naalala ko na may Abby na si Trius.

Ang sakit. Nagigising lang ako na umiiyak ng tahimik dahil ayoko mag-alala si Lunar kaya dito ako natungo. I'm hugging my legs habang sumimsim ng wine sa glass na dinala ko bago nagsalin ng panibago.

"Ang aga-aga umiinom ka." Nag-angat ako ng tingin ng makita si Trius. Nakatayo lang siya at bahagyang hinaharangan ang mata dahil sa pagsikay ng araw.

"Nandito ka lang pala. Can't sleep?" Nagulat ako ng makita si Trius ngayon sa tabi ko na inagaw 'yung bote ng wine at uminom din doon.

"Ang lalim ng eyebags mo. Hindi ka ba natulog?" Ang totoo ay hindi talaga ako nakatulog kaya nga agad ko nasundan si Lunar doon sa basement.

"I assume na hindi pa. Tell me, what's wrong?"

"Best friend mo ako, Gabbi. Kapag masyado na mabigat pwede mo naman ipasan sa akin."

Hindi ako nagsalita at naiyak na lang. Itinago ko ang mukha ko sa mga tuhod ko. Nakakahiya na makita niya ako na ganito. Habang kasama ko si Trius ay unting-unting nawala 'yung sakit na nararamdaman ko. Gumagaan 'yung loob ko at pansamantala ito nawawala sa isipan ko.

"I feel so lost." I whispered.

"Then, please allow me to be your light." Mahigpit niya hinawakan ang kamay ko. Akala ko ay hindi niya narinig.

"Halika nga dito,"

"Matulog ka. Ako bahala sa'yo." Nahiga ako sa lap niya at napapikit na lang ng mata. I felt his hands playing with the strands of my hair. He was also humming a lullaby to me. I think it's you're my sunshine.

No matter what happens.

Demetrius Miller will always be my rock.

Pagmulat ng mata ko ay pakiramdam ko ay sobrang bigat ng katawan ko. Nanlalamig din ako.

"You're sick. Kailagan niyo na umuwi para matingnan ka." Bulong ni Lunar habang inikgay ang bimpo sa noo ko at umupo sa tabi ko para punasanan ang katawan ko.

"Huh?"

"Nakatulog ka doon sa may tabi ng dagat. Naramdaman na lang ni Trius na mainit ka kaya agad ka binalik dito sa kwarto natin." Sinalat ko naman ang leeg ko at napagtanro na mainit nga ako.

The Light In The Fire's Eyes (Luminous Series #2)Where stories live. Discover now