Chapter 13

10 2 0
                                    


Gabbi's Pov

"S-Salamat," Hindi ko maiwasan hindi mamula sa sinasabi ni Mark, halos lahat naman ng sinasabi niya sa'kin makes my heart flutter and it makes me melt.

Tuluyan na siyang nagpaalam at sinara ko na yung gate. Pagakapasok ko sa kwarto ay naabutan ko roon si Trius na nagiguitara. Napasandal ako sa may pintuan at pinanood lang siya doon.

"Uso pa ba ang harana? Marahil ikaw ay nagtataka
Sino ba 'tong mukhang gago? Nagkandarapa sa pagkanta at nasisintunado sa kaba." Hindi ko maiwasan mapangiti, tumabi na ako sa'kanya habang kumakanta siya. Nginitian niya din ako nagpatuloy lang siya,

"Puno ang langit ng bituin at kay lamig pa ng hangin. Sa'yong tingin ako'y nababaliw giliw at sa awitin kong ito. Sana'why maibigan mo. Ibubuhos ko ang buong puso ko."

"Sa isang munting harana para sa'yo" Umiwas ako ng tingin ng bigla siyang tumingin habang kumakanta, he signaled na ituloy ko yung kanta.

Bumuntong-hininga ako, "Hindi ba't parang isang sine. Isang pelikulang romantiko, Hindi ba't ikaw ang bidang artista at ako ay iyong leading-man
sa istoryang nagwawakas sa pagibig na wagas"

"Puno ang langit ng bituin at kay lamig pa ng hangin. Sa'yong tingin akoy nababaliw giliw
at sa awitin kong ito. " Sinabayan niya na ako nung sa may chorus na, I can say that our voices blended well. "Sana'why maibigan mo. Ibubuhos ko ang buong puso ko sa isang munting harana para sa'yo"

Nagpatuloy lang kami sa pagkanta, I miss this. Puro jamming lang kaming dalawa pero ngayon mukhang mahirap na maulit eto. Ang daming nangayayari, e.

"Akala ko ba inaantok ka na kaya mo gusto nalang dito matulog?" Wala ng isyu sa'min na matulog sa iisang kwarto o magkatabi. We've been sleeping together for years...that sounded wrong, the two of us have been sleeping next to each other for years.

"Nakita ko yung guitara e. Naalala ko lang yung mga nangyari dati," Naalala ko ng yun, puro jamming lang kami dati e. Ako at si Achilles ang palaging napagtritripan nilang kumanta. Porke't 'di lang kami masyadong marunong magpatugtug ng instruments e. Gaganun na kami!

Humiga ako sa kama at tumingala sa kama. "May iniisip ka ba?"

"Wala," I denied, di ko alam kung maniniwala ba siya sa'kin o hindi. Trius' has good intuition, alam niya when something feels so out of place.

"Are you sure?" He raised a brow and slightly smirking, "I know you too well, Gabriella. I know if something's going through your head."

I slightly cringed when he referred to me as Gabriella. Alam niya na ayoko na tinatawag sa buong pangalan ko lalo na ang Ryle. Hindi naman sa hindi ko gusto 'yon, hindi lang ako sanay na doon ako tinatawag.

"But, kung ano man 'yan hindi kita pipilitin na sabihinin sa'kin kung hindi ka pa handa. Basta nandito lang ako kung ang kailangan mo lang ay ang taong pwede mong masandalan,"

"Ang hirap," Bahagya ko ipinikit ang mata ko bago huminga ng malalim. "Nahihirapan ako, kahit naman nakaprisenta na sa'kin, sinasabi na sa'kin na yun ang dapat kong piliin. Ang gulo, sobra. Iba ang sinasabi ng utak ko sa nararamdaman ko."

"Tungkol saan ba 'yan? If okay lang na sabihin mo...." Napalingon naman ako sa'kanya na katabi ko din, he was staring back at me. "May matutulong ba ako?"

Umiling naman ako "No worries, I can manage pa naman. Besides, Lunar has been given me words of wisdom. Tsaka....I'll just wait for the perfect oppurtunity for me to realize what I really want,"

"Na-curious tuloy ako, bigay ka naman ng clue." He pouted while poking me. Hindi talaga siya titigil kaya napabuntong hininga ako. Akala ko ba hindi niya ako pipilitin.

The Light In The Fire's Eyes (Luminous Series #2)Where stories live. Discover now