You're Making Me Fall

Start from the beginning
                                    

Araw araw ko na yang nararanasan simula nung kinaumagahan, ngayong paglimang araw na nabubwisit na talaga ako. Kasalanan to ni Rave eh! Kung hindi lang sana siya gwapo eh hindi sana sila nagkakaganito. Lintek lang! Asan na ba kasi ang isang yun? makakatikim yun sakin kung makikita ko yun. Grabeng pang-iinsulto ang natanggap ko dun sa mga babae niya. Eh kulang na nga lang itulak nila ako sa bangin sa sobrang sama ng tingin nila sakin. Ilang beses na kaya nila akong pinatay sa mga isip nila? Kinikilabutan ako sa tuwing naiisip ko yan.

-End of Flashback-

Nainis nalang ako bigla nang makita ko ang pagmumukha ni Rave sa dummy'ng sinisipa ko. "Yah!-Aray!" daing ko nang mapalakas ko ang sipa sa dummy. Kahoy na pala ang nasipa ko.

"Hindi ganyan ang pagsipa dyan." biglang sabi ni Clynn na hindi ko na pala namalayan na nasa tabi ko na pala. Nilingon ko sya habang hawak hawak ko ang nasaktang parte ng paa ko.

"Ganito." sabi niya saka sya bumwelo at sinipa ang dummy sa may bandang tyan na bigla namang nahati sa dalawa. Napanganga naman ako sa ginawa niya. Ang tigas tigas kaya ng dummy, ni hindi ko nga kayang gawan man lang ng lamat eh sya nabali na nya. May technique ba para dun? ginamitan kaya nya ng powers? o baka naman mas matigas lang talaga ang binti niya kesa sa kahoy na dummy na'to?

"Pano mo yun ginawa?" tanong ko.

"Sinipa ko." sabi niya at bumalik na sa pwesto niya kanina.

"H-hoy. Alam kong sinipa mo pero... Wala bang specific dyan?" habol ko pa pero hindi niya ako pinansin kaya ako nalang ang pumunta sa kanya at kinulbit ko ang balikat niya. "Hindi mo man lang ba ako tuturuan?" tanong ko sa kanya. Sasagot na sana sya nang may biglang magsalita sa may pinto na nakaagaw ng atensyon naming lahat.

"That." sabi niya. "Is my Job." tsaka sya pumasok sa loob ng kwarto kasunod ni Sir Laurence. Nanlaki talaga ang mata ko sa taong nagsalita. Bakit sya nandito?!?! O.O

"Im sorry class, I'm late." sabi ni Sir Laurence nang mapunta na sya sa harapan namin. "Oh? May problema ba?" tanong niya nang mapansing wala ni isa samin ang nagsalita. Shock pa rin kasi ako kung bakit nandito ang isang yan. Sila Ashley naman ay lihim na napapangiti at napapasulyap sakin.

"Hindi ka nga pumunta sa kanya, sya naman ang pumunta sayo. Naks!" tukso ni Krema na hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala.

"by the way, I brought Ley here para ituro sa inyo ang ibang techniques and moves na siguradong magagamit niyo sa darating na match niyo." sabi niya patungkol sa katabi niya pero ganon nalang ang pagtataka ko nang may isa pang humabol sa may pinto. Babae. Maganda, Tama lang ang tangkad mukha ring barbie At Kamukhang kamukha ni Shye. Holy Cow! Baka ito na yung sinasabi ni Shye na kapatid niya!

"Oh, Ms. Ortez. Glad na nakaabot ka. By the way class, She's Ms. Shan Ortez, one of the Upperclassmen kaklase ni Rave. She'll assist and help you develop your own techniques together with Mr. Hollows." Sabi ni Sir. Nakangiti namang lumapit yung Shan Ortez kay Rave saka kinawit ang kanang kamay nito sa braso ni Rave. Hindi naman umangal si Rave at pinagsawalang bahala yung ginawa ng babae na para bang normal lang na ginagawa yun nung Shan sa kanya. Kunot noo ko silang tiningnan.

'Malandi talaga.'

Nabaling nalang ang atensyon ko nang may buminat ng noo ko. "Chill, Napaghahalataan ka. Haha." biglang sabi ni Krema saka niya ako kinindatan at inakbayan.

"Isa ka pa." mahinang bulong ko. "Malandi." nakuha naman namin ang atensyon nila nang biglang bumunghalit ng tawa si Krema. Napadako naman agad ang tingin ko kay Rave, matalas niya akong tiningnan. Tse, kung makatingin rin eh no.

"Ump!" naibulalas ni Krema nang sikuhin ko siya, agad namang natanggal ang pagkakaakbay niya sakin.

"So..." sabi ni Sir. "Let's start the training?"

Lost Academy Where stories live. Discover now