You're Making Me Fall

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wag kayong mag-isip ng kung ano ano." sabi ni Clynn at humarap sakin. "Bahala ka kung gusto mong unahin ang taong yun kesa sa praktis na magliligtas ng buhay mo. Ang sakin lang kung aalis ka ngayon siguraduhin mong kayang kaya mo ang kakalabanin mo. At isa pa, ikaw ang humila hila samin dito tapos ikaw pa ang aalis nalang basta basta? Tsk." salubong na kilay na sabi niya at tumalikod na samin. Eh?

"Psh. Bitter ang lolo mo." biglang bulong ni Ashley. Nagpipigil naman ng tawa yung iba. Sa halip na umalis ay umupo nalang ako sa gilid, wala naman kasing upuan sa kwartong to maliban sa mga Dummy na nakakalat.

Pambihira talaga, tama naman kasi ang sinabi ni Clynn. Ako ang nagdala sa kanila sa sitwasyong ito kaya kung may pagkakataong magpraktis ay dapat akong magpraktis. Puro na ata kalandian ang laman ng utak ko!

Imbis na magmukmok at bumusangot ay tumayo nalang ako at nagtungo sa isa sa pinakamalapit na dummy sakin saka ko pinagsisipa sipa. Training kung training. Tsh. Kasalanan mo to Rave. Kung di ka lang malandi, edi sana walang mga hitad ang haharang at bubwisit sakin araw araw. Tsk. Bigla ko naman naalala ang nangyari kinabukasan ng gabing yun.

-Flashback-

Matapos ang kahiya hiyang pangyayari kagabi ay hindi ko na alam kung anong mukhang ihaharap ko mga nakakita. Tinakbuhan ko lang kasi sila kagabi kaya hindi pa rin ako mapalagay lalong lalo na, na ang mga nakakita eh yung... 'Kyaaaaah! Ley my Loves!!'. 'I Loooooove you Ley!!' takte! Mga Fan girls ni Ley sa lower class!Ayoko pa namang makasalamuha ang mga katulad ng Friea'ng yun!

Naglalakad na ako patungong classroom ng hinarang ako ng isang grupo ng kababaihan. L'freaks daw kuno tsaka nila ako pinagbantaan na wag na daw ako dumikit sa Ley nila kasi nasisira lang daw ang image ni Ley. Tapos tinanong nila kung protector ko ba daw si Ley, hindi pa ako nakakasagot eh sila na ang sumagot sa sarili nilang tanong. Bwisit!

"Imposible nga pala yun. Hahaha." tawanan nila. "Imposible talagang pumatol si Ley sa'yo, I bet napag-tripan ka lang niya o di kaya bina-blackmail mo sya. Gosh! Wag kang deperada Girl." yan yung sinabi nung bruha! At hindi lang yun, nasundan pa yan at talagang nagsanib pwersa pa sila ni Mahiyain, when I say Mahiyain, si Shye ang tinutukoy ko. Hinarang niya rin ako tapos sabi niya...

"Ley is for Her. And he will never be yours. You can dream Asper but accept the Fact that you're only dreaming. Kahit na sabihin mo pang Protector mo sya, Yes, He might be pero hanggang dun nalang yun. Nothing more, nothing less. Ginagawa niya lang ang trabaho niya at tungkulin niya sa'yo and besides, from what I am seeing, hindi yata gusto ni Ley matali sa isang tulad mo. So if I were you, gigisingin ko na ang sarili ko sa pagpapantasya para hindi ko masaktan ang sarili ko." mahabang sabi niya. Hindi naman ako nakasagot at tumingin lang sa kanya. Oo nga, Protector-bearer relationship lang meron kami, at walang special feelings ang involve.But why do I feel so... dissapointed? tsaka ano namang relasyon meron sila ng tinutukoy na Her ni Shye at Rave? Wala naman kasing sinabi si Ley ng girlfriend niya diba? Wala rin naman akong nakikitang ibang babaeng nilalapitan niya maliban sakin...?

Natigil ang pag iisip ko nang biglang nagsalita muli si Shye.

"Wait for my sister Asper and Brace yourself because the fact that I don't like you and that you forced a kiss to Ley is enough to make Her and them Hate you." pahabol pa niya bago sya umalis ng nakangiti. Bigla naman akong kinabahan at pakiramdam ko, may mangyayaring hindi maganda.

Bwisit lang na hindi nagkamali ang pakiramdam ko. Sunod sunod na kamalasan ang nangyari sakin simula nung nagpakita sakin si Shye. Habang naglalakad kasi ako, natatalisod ako kahit na wala namang taong nakaharang sa harap ko tapos biglang tumatayo ang buhok ko kahit hindi naman ako nag gel. Bigla akong lumulutang sa ere, bumabangga kung kani-kanino, hindi rin ako makakain ng maayos kasi sa tuwing kakain ako biglang nawawala ang pagkain ko tinetyempo pa talagang kapag hindi ko kasama mga kaibigan ko, sa tuwing magsusumbong naman ako may kung anong nangyayari sakin para hindi makapagsalita ng maayos, pinaglalaruan talaga ako ng mga taong nasa paligid ko! Aish! Nakakainis na ah! Mga Bully! Ang hilig nila akong pagtawanan, tapos iirapan, tsaka naman titingnan ng matalas. Ah bwisit!

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon