You're Making Me Fall

Magsimula sa umpisa
                                    

"At Pano mo naman nalaman yon?" usisa pa ni Kayle.

"uhmmm. B-basta." mahinang sabi ko. Eto na nga ba ginigisa na nila ako.

"Asper." narinig kong tawag sakin ni Clynn, napabaling naman ang atensyon ko sa kanya. "Anong relasyon mo kay Hollows?" bigla niyang tanong. Bigla naman akong natigilan, Relasyon ko kay Hollows? Ano nga ba? Magkaibigan? Bearer-Protector relationship? pero...

'The Kiss...' sabi ng kabilang parte ng isip ko.

"W-wala." nag-aalangang sagot ko. Ramdam ko naman ang mga titig nila sakin lalong lalo na kay Clynn. Teka bakit kailangan ko bang sagutin mga tanong nila? At ano naman kung... Aish-! Lintik!

Ginugulo lang ata ng Rave na yun ang utak ko eh. Pero come to think of it, Ilang beses na niya akong hinalikan, puro nakaw pa. Ang gulo niya, Ni mismong sarili ko nga hindi ko na makilala pagdating sa kanya. Hinahayaan ko pa syang gawin ang gusto niyang gawin. tsk.

Ano nga bang kagusto gusto kay Rave? Aside sa maganda niyang katawan, gwapo niyang mukha, Ano pa ba? Ang kasungitan niya? At pagkamakasarili niya? I don't think I could like that man.

But...

He makes my heart skips, he makes me blush so hard, ginugulo niya ang isip ko, masyado na syang gwapo sa paningin ko at higit sa lahat hindi ko kayang magalit sa kanya ng matagal kahit pa anong ginawa niya. Leche! May sakit na ata ako!

"Oy oy oy! Anong ngiting yan?" patuksong sabi ni Ashley. Hindi ko na pala namalayan na nakangiti na ako. Aiiiiish!

"Oo nga Asper! Anong ibig sabihin ng ngiting yan?" nakangising sabi ni Nikki. Natawa naman bigla si Kayle at Ashley pero tahimik pa rin hanggang ngayon si Presto at Ella. Mukhang may malalim na iniisip.

"W-wala ah." sabi ko. Alam kong namumula na ako pero hindi dapat magpahalata.

"Nakuuu. wala daw. haha. Puntahan mo nalang kaya muna sya para hindi ka na mabaliw dito kakaparito't paroon." sabi ni Ashley. O.o. Pupuntahan? si Rave?

"B-bakit mo naman nasabi yan?" tanong ko.

"Sa mukha mo palang kasi Asper, naguguluhan na. Ano? Gusto mo bang malaman ang totoo mula kay Ley? Ayun, ang pinto oh, nakabukas puntahan mo na saka mo itanong sa kanya okay?" sabi ni Ashley sabay turo sa pinto. "Hindi kami makapagpractice dahil sa'yo eh." sabi pa niya. Tatanungin ko si Rave? Tsaka ano namang sasabihin ko? 'Hoy, Rave! May gusto ka ba sakin?' o 'Rave! Mahal mo ba ako?' di naman kaya, 'Oy, Bakit mo ko hinalikan? May gusto ka sakin no?' Yucks. Tsaka ano ako baliw para itanong yan sa kanya?

"Pang-ilan na ba nyang ginawa yun sa'yo Asper?" biglang tanong ni Kayle. Natigilan naman ako, pang-ilan na nga ba? Maraming beses na, Protector ko sya diba? baka normal ang halik sa kanila?

Hindi ko naman masagot si Kayle sa halip ay tiningnan ko lang sya ng nalilito. "Itanong mo na lang sa kanya kung bakit nang hindi ka magmukhang tanga dyan kakaisip kung napagtripan ka lang ba o may dahilan sya kung bakit niya ginawa yun. Now, Shoo! Alis na magpapractice pa ka-" bigla namang naputol ang sasabihin ni Ashley nang magsalita si Clynn.

"Hindi ka pwedeng umalis." sabi niya. Natigilan ulit ako.

"Huh?" sabay sabay naming sabi, maging si Holey, Presto at Ella man ay nakiki-'huh' na rin.

"Kailangan mo pang magpraktis." simpleng sabi niya at nagpatuloy sa ginagawa niyang kung ano man yun.

"Uy. Mukhang may naje-jelly!" tawa nalang bigla ni Ashley.

"Pareng Clynn? Pati ikaw?! Wow. iba na talaga kamandag mo Asper!" sabi ni Krema na ang sarap sarap batukan. Okay na yung kanina eh, nanahimik na. tsk.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon