The Cast ~Introduction

707 9 0
                                    

"Alexandra Go! I said give me your phone!"

Hindi ko pinansin ang teacher kong kanina pa sumisigaw sa harap, tuloy lang ako sa paglalaro ng Clash of Clans sa iPhone ko.

"Ms. Go, kung inaakala mong napakagaling mong estudyante dahil sa isa kang honor student, nagkakamali ka,"

Ayan na naman tayo sa pesteng honor na yan, laging dapat magmukha akong masunuring tuta sa harap ng teachers namin para lang masabing deserve ko yung pagiging honor student ko.

"Ano bang pinagmamalaki mo? Yang utak mong wala namang kalaman-laman?"

Nagpantig ang tenga ka sa sinabi ng matabang damuhong to.

Pinatay ko na ang iPhone ko at tiningnan ko siya ng masama.

"Hindi ako bobo, sadyang hindi mo lang maintindihan ang katalinuhan ko dahil yang utak mo, naiwan mo ata sa sinapupunan ng nanay mo."

Hindi ko ginustong sumagot ng ganun sa kanya. Anong magagawa ko? Ininsulto niya ang magandang si ako. Kinuha ko na ang gamit ko at lumabas na sa classroom na yun.

Sabihin mo na sakin ang mga salitang bitch, kampon ni Satanas, malandi, etc., wag na wag mo lang ipaparinig sa kin na sinabihan mo ko ng bobo, baka hindi ka na abutin ng bukas.

Dumiresto ako sa Student Council Office, well, barkada ko ang lahat ng officials ng SC kaya pwede akong tumambay doon.

"O, what brought you here?"

Salubong sa kin ni Pen, vice president ng SC, pagkapasok ko palang ng office nila.

"Let me guess, pinalabas ka nanaman ni Piggy no?"

Natawa nalang ako sa sinabi ni Shamma, secretary sya ng SC. Si Piggy ay yung teacher naming nakakabwiset kanina, Si Mrs. Fuentes.

"Nakaka-irita kasi e, sabihan daw ba ko ng walang laman ang utak ko, ta-"

"Anong ginawa ng baboy na yun sayo? Susugurin ko yun! Aba, aba, walang bobo sa barkada natin!"

Karen cut me off, yan na ang President at siya ang pinakaclose ko sa barkada.

"Baka gusto niyang maghalo ang fats niya sa krudong langis ng mga factories?!"

Natawa nalang ako kay Angel, ang auditor ng SC, may galit din yan dun sa hinayupak na si Fuentes.

"Oy, easy lang kayo, ako bahala, ipapa-salvage ko yang si Fuentes,"

Dugtong naman ni Jessica, treasurer ng SC.

"Hahaha! Sige, sige, push mo yan, Je!"

Panggagatong naman ni Kim, nag-iisang lalake yan sa barkada namin, P.I.O ng SC na siyang ikinatawa naming lahat.

Napansin ko naman ang pananahimik ni Kate, ayun, nakasubsob nanaman siya sa bagong librong binabasa niya. Siya naman ang Business Manager ng SC.

Well, yan ang barkadang mayroon ako, ang Mirroar.

Nagkwentuhan nalang kami sa loob ng SC, hanggang sa may biglang kumatok sa SC Office.

"Oy, may kumatok oh, buksan niyo." -Karen

"Oy, Pen, buksan mo para naman makapag exercise ka." -Jessica

"Oy, Kim, ikaw lalake dito, ikaw magbukas." -Pen

"Gender equality please!" -Kim

"Ako na nga!"

Sabat ko sa kanila. Nagtutulakan pa eh.

Tatlong box ng pizza agad ang sumambulat sa akin.

Nilingon ko ang Mirroar, "Oy, nagpadeliver ba kayo ng pizza?"

"Actually, nagpabili kami. Ahihihi!" -Angel

Parang kinikilig tong babaeng to ah. Lumapit si Angel sa pintuan at pinapasok yung delivery boy.

"Come in Papa Ashy!" -Angel

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. P-papa Ashy?! Kailan pa natutong magpacute tong babaeng to.

Tiningnan ko naman yung tinawag niyang papa Ashy at ang seryoso ng mukha niya. Magkatulad ang uniform ni Kim at ni Papa A- este Ashy pala, ayos na delivery boy to ah.

"Alex, si Ashton, assistant namin yan dito sa office." -Kate

Nagsalita rin si Kate, pero ano daw? Assistant sa office? So, estudyante din siya dito sa St. Louis Academy?

"Transferee yan." -Karen

Kaya pala di siya pamilyar. Nilapitan ko siya at inilahad ang kamay ko, "Hi, I'm Alex" binigyan ko siya ng aking ngiting napakatamis pero...

Pero...

Tinalikuran niya lang ako at nagsalita, "Ms. President, may iuutos ka pa ba?"

"Ah, wala na, you can go."

Karen said smiling at him. Lumabas si Ashton at ako, naiwang nakatayo at nakalahad parin ang kamay.

Did he just.. did he just ingnore me?

Anak ng! Wala lang nandededma sa kin!

Tiningnan ko ang Mirroar, at ayun, lumalafang ang mga unggoy habang umiiling-iling na tumatawa.

Pahard to get yung mokong na yun ah.

Ha! Challenge to. At sigurado akong mag eenjoy ako dito.

The Player's GameWhere stories live. Discover now