38

1.4K 25 1
                                    


Bumalik ang mga alaala nung mga oras na nakita niya si Megan na nakahandusay sa sahig na walang malay at duguan nung nakita niya ang asawa na wala din malay at duguan.

Parehong pareho sa senaryo noon ang nangyayare ngayon. Takot na takot siya noon.. pati ngayon.. wala siyang ibang sinisisi kundi ang kanyang sarili

"I.. i'm sorry.." iyan din ang sinabi ng doctor ni Megan pagkalabas na pagkalabas netong ng operation. Kaya siya, magulang at kaibigan neto ay nagulat at nag iyakan dahil sa takot na baka maulit muli ang nangyare sa nakaraan.





"Doc, don't say that we loss them. Please" kahit hirap, desperado itong nakiusap sa doctor na sabihin buhay pa si Maggy.




"I-im sorry mister, but.. but you need to decide.. your wife is in critical condition, she had an intracranial hemorrhage, we need to save her brain or else she will be in coma or worse.. brain dead"




"Wh..what do you mean choose?" Singit ng ama ni Maggy.



"Since it will take a longer time and critical surgery, she will be needing an anesthesia that has longer effect.. and... and it might affect the baby.. the baby might not tolerate the effect of the anesthesia. The baby might die due to the adverse effect of anesthesia"





Litong lito sila sa kung anong gagawin, sa kung ano ang pipiliin. Bakit kelangan mamili? Hindi ba pwedeng sila pareho ang iligtas?




"Doc.. please try to save them both. Please save my wife.. and ... and my.. my child.." uniiyak at desperadong pag mamakaawa ni Chris sa doctor



Hindi niya alam ang gagawin niya. Gusto niya saktan ang sarili. Sana hindi na lang niya pinuntahan ang asawa, hindi sana magiging ganito ang sitwasyon niya, na sana ay hindi hahantong sa kalagayan na kailangan niyang mamili sa pagitan ng asawa at ng kanyang anak. Mahal niya pareho ang asawa at anak, hindi niya kayang mawala pareho kaya hirap siyang magdesisyon kung sino ang pipiliin, sapagkat pareho ang hiling niyang maisalba.


Anong karapatan niyang mamili? Tanong niya sa sarili. Hinihiling na sana ay siya na lang ang nasa sitwasyon ng asawa, na sana siya na lang yung nakahiga sa kama ng hospital at nanganganib ang buhay.




Panghihina ng buong katawan at malakas na kabog ng dibdib ang nararamdaman niya ngunit pinipilit indahin, pinipilit na maging malakas, dahil wala siyang karapatan maging mahina dahil sa kanilang dalawa ang asawa ang dehado sa lahat ng sakit na dinanas nito.

...

Sampung oras nakalipas nang ipinasok si Maggy sa loob ng operation room. Ang mga taong nag hihintay ay wala pang tulog, pahinga at tamang pagkain.



Sampung oras na ang nakalipas pero wala pa dn balita sa kalagayan ni Maggy.



"Tita and Tito magpahinga po muna kayo sa room ni Maggy, kami na lang po ang mag-aantay dito." Pangatlong beses na alok ni Leila sa mag asawa upang makapag pahinga na sila. Matatanda na din ang mga ito, mas kakailanganin nila ng sapat na pahinga o tulog kaysa saknila.



"Hija, we're fine here. We don't like... to leave our daughter here. Gaano pa katagal ng operasyon, umabot man ng 3 days pero sa awa ng Diyos huwag naman sana, ay aantayin ko." Mangiyak ngiyak na sabi ng ina ni Maggy.




"We can't loss Maggy.. we...can't.. anak ko.."




"Tita, wag na po kayo umi..yak.. hindi po mawawala si Maggy. She is the strongest and bravest woman I've known" pang aalo ni Leila sa ina ni Maggy. Kahit na naiiyak na din ito ay pinili niyang labanan ang emosyon. Naniniwala siyang magiging successful ang operation ng kaibigan, dahil kilala niya ito sa pagiging matapang.


Purposed MarriageWhere stories live. Discover now