23

5.9K 95 3
                                    

Tang ina. Ano ba 'to?! Bakit ganito?! Hindi panatag ang loob niya sa lahat ng mga binitawan niyang mga salita kanina sa asawa. Paulit ulit na naglalaro sa isipan niya ang mga pangyayare kanina, yung mata niyang nangungusap, ung buong pagkatao niyang paulit ulit niyang tinatapakan, yung pagmamahal at pag aaruga na paulit ulit niyang binabalewala. Si Maggy na paulit ulit niya tinatapon.
Hindi niya maintindihan ang sarili. Hindi maintindihan ang totoong nararamdaman.Bakit siya ng kakaganito? Gusto niyang tuluyan siyang mawala sa buhay niya pero sa tuwing nakikita niya ang mga mata niya may pumipigil sakanya para gumawa ng masama at may tumutulak sakanya na yakapin ito at huwag nang pakawalan.

Bullshit.

"C..chris please let me go"

"pero alam mo.. ang natatanging hiling ko.. na sana mapagod na siya.. kasi ayoko na talaga.."

Padabog niyang inilapag sa lamesa yung basong may laman na alak na hawak niya. Atsaka lumabas patungo sa kwarto nila

Nagdadalawang isip siyang pumasok. Nakabukas ang pintuan at tanaw na tanaw ang isang babaeng balot na balot ng kumot habang mahimbing na natutulog.

Gusto niyang lapitan ito at yakapin. Ngunit hindi niya ito magawa. Hindi niya maintindihan ng lubusan ang sarili. May parte ng kanyang sistema na mahal niya ang dalaga at ang isang arte naman ay ang kinamumuhian ito. Hindi niya alam ang mas lamang sa bawat parte.

"Tang ina! Pare, kanina ka pa ha. Para kang gago. Para kang bata. Ano na naman bang problema mo ha?!"

Paano kasi kanina pa siya paikot ikot at sinusuntok yung pader ng paulit ulit niyang ginagawa.

"Arrrgh!!!!!" Sigaw at sabunot ni chris sa kanyang buhok. At sabay lagok ng alak. Tulala sa hangin at lutang ang isip.

Umaga na.. may pasok ang binata.. inaasahan niyang may nakahain na lutong almusal para sakanya gaya ng kinasanayan niya noon at may magandang buntis na dalaga ang babati sakanya ng magandang umaga at abot langit kung ngingiti sakanya..
Ngunit ang inaasahan ay wala. Ni anino ng dalaga ay hindi niya nakikita.

Tuwing aalis lamang ito tsaka ito mgpapakita sknya. Kung noon ay ihahatid pa ito sa garahe at mgpapaalam kapag siya'y aalis ngayon ay wala na.

Malaki at madami ang nagbago sa dalaga. Malaki din ang naging epekto nito sakanya. Hindi niya alam pero parang may malaking puwang para sakanya ang ikinikilos ng asawa.
Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tila nalulungkot siya at apektado siya. Tanong sa sarili "diba dapat masaya ako ngayong wala nang kumukulit sakin"

Tama, dapat masaya siya. Na wala ng Maggy parating sasalubong saknya. Maggy na magbibigay ng dahilan para uminit ang ulo niya.

Pumasok siya ng opisina na parang zombie. Walang buhay. Walang sigla sa katawan. Dati laging kunot ang ulo sa galit. Ngayon nakakunot ang noo sa lungkot, na kanyang nararamdaman.

Sa hindi niya ginusto ang pagbabago ng asawa ay hindi niya na napigilan tawagan ito.

Nakailang ring ngunit walang sumasagot. Paulit ulit niyang dinadial ang numero ng dalaga pero wala pa din sumasagot.

Naiinis na siya. Dati dati ay isang tawag lang njto ay sumasagot agad.

Hindi siya makapagconcentrate sa trabaho. Kahit sa mga meeting niya ay lutang siya.

'Damn that woman. Why I keep thinking her. Hindi niya sinaagot ang tawag ko. Ano na bang nangyare sakanya'

"Excuse me, Mr. Cristobal. Are you listening?"

"Yes. Im sorry. Please continue."

Urat na urat na siya. Gusto niya ng umuwi sa bahay nila at nang makita ang asawa.

"Gago ka pala e. Diba yan ang ginusto mo. Ayan binigay na sayo. Ngayon andyan na yung hinihiling mo, ang mawala siya sayo. Magiging ganyan ka. Kulang na lang sapakin mo lahat ng tao na makakasalubong mo sa sobrang inis"

"Oo nga pare. Diba yan naman talaga gusto mo. Bkit mo pa hinahanap"

"I miss her"

Yun lang ang nasabi niya at nilayasan ang mga kasama niya sa loob ng vip room at pinaharurot ang sasakyan papunta sa kanilang bahay.

Purposed MarriageWhere stories live. Discover now